Voting and Commenting is highly needed here!! It will be appreciated by yours truly.
-----
Happy Reading (^3^)
CHAPTER 36
Samantha's Point of View.
"Anj, wake up," may bumulong sakin sa isang nakakakilabot at napaka sexy'ng boses.
"Five minutes please," I begged, trying to pull my blanket.
"Anj, wake up. I made breakfast for you."
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga magagandang mata, di ko pa masyadong naaaninag ang mukha nya kasi blurry pa pero alam ko na kung sino. Nakangiti sya sakin tapos nasa harapan ko sya ngayon. T-Teka? Paano sya nakaakyat sa kama ko?
"Wake up, my princess!"
Bumangon ako agad ng marealize na nakapatong pala sya sakin. Kaya ayun, nauntog kami sa ulo ng isa't-isa. Ouchie, ang shakeet!!
"Uuggh, dang it. Anj naman, you could've just calm down," reklamo nya.
Aba't!! Ako pa talaga ha?
"Kung hindi ka lang sana andito sa kama ko. Edi sana kumalma pa ako ng konti. Jusko naman Drake, ang aga-aga. Inaasar mo na ako," inis kung tugon habang nakahawak sa aking noo.
Lalapad na talaga noo ko dahil ilang beses ko nang nakakabangga ang matigas na katawan ni Drake Pressman.
Tinignan nya ako ng nakakaloko. Uh-oh, parang alam ko na ito e.
"Ah, ganun??"
"D-Drake. Drake wag, please, ayoko. M-Masyado pang ma ---- AHAHAHA!!!" Di na ako nakapagsalita pa dahil kiniliti nya ako sa tagiliran. Grabe!! Di pa rin sya nagbabago. Ginagawa nya pa rin tradisyon namin tuwing umaga kapag hindi ako gigising.
"AHAHAHAH!!! DRAKE TAMA NA SABI E, AHAHAHA!!" tawa pa rin ako ng tawa. Halakhak pala.
"Ikaw kasi, napakatagal gumising kaya heto ang bagay sayo," sabi nya habang patuloy pa rin sa pagkiliti sakin sa kahit na saang parte ng katawan.
Tawa pa rin ako ng tawa. Naaalala ko tuloy yung dati. Araw-araw syang pumupunta sa bahay namin para gisingin ako for our class, ayaw kasi akong gisingin ni mommy kasi di raw umoobra. Si Drake lang ang may kayang gawin yun, kaya kapag hindi ako gumigising. Ayun, kinikiliti nya ako hanggang sa magwala ako sa tawa. Effective naman kasi. Ahahaha!
"Drake ano ---" natigil ako sa pagtawa dahil sa ginawa nya.
Hulaan nyo ano? Hahaha. Aa ko ang iniisip nyo pero hindi. He just.. hugged me from the back.
"I miss you, Anj," seryoso nyang sabi sa isang nakakakilabot na boses. Halos nagsitayuan mga balahibo ko sa katawan dahil dun.
"A-Ako rin," mahina kong tugon.
"Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong nya.
0//////////v////////0
Hala, anong sasabihin ko? Mahal ko ba sya? Crush ko lang naman ata sya e. Di naman ako pwedeng sumagot kasi hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Bakit ba kasi hindi ako sigurado?? Si Drake lang naman crush ko ha?
Hindi lang sya. Meron pa diba? Sabi nang malandi kong pag-iisip.
"K-Kasi ---"
"Biro lang!!" Ginulo nya ang buhok ko. Mas magulo na sya kumpara ngayon, takte naman oh. I woke up like this lang ang peg e.
"Stop ruining my hair!"
"Well, you have a beautiful bedhair. Kaya maganda ka pa rin kahit magulo buhok mo," nakangiti nyang sambit.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
RomantikSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
