CODA

491 16 4
                                        

Thank you sa lahat ng walang sawang sumuporta sa akin at sa Camp Royalty. Nakaabot talaga kayo rito sa pinakasukdulan, lol. Thank you, thank you Campers. I love you all :**

------

Strict Parental Guidance is advice!



Epilogue:



Agad akong pinagbuksan ni Drake ng pintuan. Inalalayan nya ako habang bumababa nang sasakyan habang nanginginig dahil sa kaba. Nahagilap ng mga mata ko sila kuya, Ajay, Jessie, Jona, at Rose na naghihintay sa labas. Pati si daddy Kristoff at papa Kye, andun rin. At wala si Kian ~_~



What the fuck is going on here?



"Daddy? Pa? Kuya? Ano bang nangyayari??" natataranta kong tanong sa kanila.



"Sorry Sam, nadamay lang kasi kami," paghingi ng dispensa ni Jessie sa 'kin.



"S-Sorry? Nadamay? Saan? Bakit? Ano ba ito? Daddy? Kuya?? Pa?!" Halos sumigaw na ako dahil sa nangyayari. Hindi ko maintindihan!!



Nilapitan ako ni papa at daddy tsaka ako hinawakan sa magkabilang kamay.



"What the hell is going on here?!" Halos mangiyak ngiyak kong tanong sa kanilang lahat.



T_T



Dahan-dahan akong nilalapitan ni kuya habang nakabisig na kay Jessie. Ang gaganda at gwapo nila ngayon in their tux and wedding dress.



"Bunsoy, sabi ko naman sayo diba? Kahit anong sabihin nila, wag na wag kang magpapadala." Nakangiti nyang sambit sabay kiss sa cheeks ko.



"Kuyaaaa," halos magmakaawa na ako na sabihin nila sa akin ang nangyayari. Hindi parin sya magsink-in sa utak ko!!!



"Congrats Sam, dalagang-dalaga ka na talaga," sabi ni Ajay.



Siniko sya ni Jona sa tagiliran kaya napahawak sya rito.



"Matagal ng dalaga si Sam, wag ka ngang shunga. Pagpasensyahan mo na Sam, pinanganak kasi syang bobo!!" Sabay irap kay Ajay.



Napangiti ako dahil sa kanilang kakulitan. Pero kinakabahan parin. Bumungad si Rose sa aking harapan, nagulat ako sa ginawa nya nang bigla nya akong yakapin.



"Congratulations. Alagaan mo sya para sakin," mahinahon nyang sambit sabay bigay sa akin nang isang bouquet.



Hindi ko sya nakikita pero alam kong nakangiti sya sakin. Agad rin syang kumawala pagkatapos at isang totoong ngiti ang aking natanggap. Walang halong kaplastikan at kaartehan.



"S-Sinong aalagaan ko? Akala ko ba kasal mo ngayon?!!"



HINDI PA RIN MAGSINK-IN SA UTAK KO!!!



Agad na hinila ni Drake si Rose palapit sa kanya. Hindi narin sya nakareklamo kasi sila pala ang pair sa lalakad.



"Tara na!" Sambit nya kay Rose.



"Okay everyone, please stand in a queue here. The wedding is about to start," sambit nung babae na matangkad.



Si Ma'am Salt.



Nanlaki mga mata ko tsaka nya ako nginitian. All this time, alam nila ang nangyayari sakin? What sorcery is this??!!



Sa isang kisapmata, bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Nakita ko lahat ng tao na nakatingin sa pwesto namin habang pinapatugtog ang This I Promise You by NSync.



Camp Royalty | Under RevisionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon