CHAPTER 44

348 17 3
                                        

CHAPTER 44

//

Samantha's Point of View.

"Handa ka na ba, Bunsoy?" tanong ni Kuya sakin.

Tumango ako bilang pagsagot. Ang totoo nyan, kinakabahan talaga ako sa kalagayan ni mommy. Isa pa, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sakanya.

"Just calm down," sambit nya habang tinutulungan si sir Ky -- si papa sa pagbubuhat ng gamit. Nahihiya pa rin ako kay sir Kye, hindi pa rin ako sanay na tawagin syang papa or ano man.

"O-Okay."

Lumabas ako nang sala at nagpunta sa balcony kung saan andun si Drake at nagtatali ng kanyang sintas. Napatingin sya sakin at ngumiti.

"How's your sleep?" Tanong nya.

"Okay lang. I'm nervous Drake."

Naupo sya pagkatapos kaya naman tumabi na rin ako sa kanya. Isasama ni kuya si Drake sa byahe at hindi ko alam kung bakit. Maybe dahil kilala sya ni mommy at close sila noon.

"Anj, I'm sorry I didn't tell you the truth. Ayoko kasi na sa akin mo pa malaman ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao mo. Pagdating ko rito sa camp, agad akong sinabihan ni Ron na itago muna iyon. Pareho kami ng rason, ayaw ka naming masaktan. Gomenasai," seryoso nyang pahayag. (I'm sorry)

Nakatingin lang si Drake ngayon sa kawalan. Pero ako, nakatitig lang sa kanyang chinitong mata. Naiintindihan ko na si Drake ngayon.

"Daijubo desu. Okay na ako ngayon Drake. Thank you rin sa lahat, sa pagiging kuya at bestfriend sa akin simula bata pa tayo," nakangiti kong tugon. (It's fine now)

Hinarap nya ako nang nakangiti. Tsaka hinalikan sa pisngi at noo.

"Sasama ka pa ba sa akin sa Japan?" Tanong nya.

Tinitigan ko sya sa mata para sagutin ang kanyang tanong. Umiling-iling ako tsaka nagsalita.

"No, I'm sorry Drake. Pero mas gusto ko pala rito, gusto kitang makasama sa maniwala ka man o sa hindi pero kasi ---" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nya akong pinahinto gamit ang kanyang mga daliri.

"Ssshhh. I know my princess, hindi mo na dapat pang ipagkaila. You have to be here kasi andito ang taong mahal mo," nakangiti nyang sambit.

Uminit agad ang aking pisngi at napayuko ng konti. "H-Hindi naman sa ganun."

"Ahahaha. You don't have to say excuses Ms. Reid. Simula nang dumating ako dito, alam ko ng may something sa inyo ni Ass ---- I mean, Kian." Nakangiti nyang tugon. May hinugot sya mula sa kanyang bulsa at isa iyong letter.

"Para saan yan?"

"Ibibigay ko sana ito sa birthday mo kahapon. Kaso ang saya mong kasama si Ki, so um.. I hope it's not to late to give this to you. Happy birthday Anj."

"T-Thank you Drake."

Binuksan ko yung letter at hindi pala yun sulat kamay lang, nor printed from a printer. Nakaengrave mismo ang bawat letra sa makapal na papel.

It says, "From the day you walked into my life, you're all I think about. You're the reason I breathe. You're the stars in my sky. I do not want this any other way. You're the love of my life."

Matapos kong basahin iyon, agad na namuo ang tubig sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit. Nagguilty ako dahil nasasaktan ko si Drake sa ginagawa ko sa kanya. Ganito pala talaga ang magmahal. Masarap na may katumbas na sakit. Hindi ba pwedeng puro saya lang?

Agad ko yung pinunasan gamit ang aking braso na parang isang bata na nadapa dahil sa katangahan.

Napatingin si Drake sakin kay nanlaki ang kanyang mga mata.

Camp Royalty | Under RevisionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon