CHAPTER 45
Striktong Patnubay at Gabay po!!
// #TeamDraKantha ;)) Happy Reading!
Ronier's Point of View.
Pina-cremate nila si mommy pagkatapos naming kunin ang bangkay nya kagabi sa hospital. At andito kami ngayon sa libing nya.
Napatingin ako kay Samantha na halos wala nang luha ang tumutulo sa kanyang mga mata. Naubos na ata kagabi dahil buong magdamag syang umiiyak. Hindi ko sya mapigilan, matagal nyang hindi nakasama si mama pagkatapos madadatnan nya lang na wala na.
Kasa-kasama nya lang si Drake ngayon. Andito rin ang buong barkada, si Jessie na katabi ko, si Jona at Ajay pati si Rose and tito Rj. Nasa isang dagat kami ngayon habang sinasabi ng pari ang aming pamamaalam. Lahat sila, nakikiramay sa pagkawala ni mama. Si Sam, hindi makatingin ng diretso at parang nawawala ang kanyang sense sa kawalan.
"Where's Kian?" tanong ko habang nililibot ang aking paningin sa buong lugar.
"N-Nasa camp parin. Hindi sya nakapag-impake ng gamit kagabi since hinintay nya si Sam na umuwi," sagot ni Jessie.
Pati si Sam, hindi na nakapag-impake ng kanyang gamit. She's going to be with Drake, she told me na sasama sya sa Japan at hindi nya iyon pinaalam kay Kian mismo. Alam kong magagalit sya, when it comes to Sam. I will support my sister kahit ano pang desisyon ang kanyang gawin sa kanyang buhay.
Pagkatapos nang pamamaalam namin kay mama. Agad na sinaboy ni tito Kristoff ang kanyang abu sa dagat. Hinati nila iyon at ang ibang abu ay andun sa bahay namin. Ayaw ni papa na mawalan sya nang nag-iisang alaala nya kay mama.
Nakatingin parin si Sam sa kawalan. I'm worried sick about her, yet I can't do anything to make her feel relieve. Si Drake na lang ang pag-asa ko since alam nya ang nasa isip ng aking kapatid. Mas kuya pa sya kumpara sa akin pagdating kay Sam.
"Ronier," pagtawag ni Jona sa akin. "Nakikiramay kami."
"Salamat."
Nakaupo ngayon kaming magbbarkada sa mahaba at nag-iisang upuan dito sa may dagat. Ang ganda ng view, kaso nakakalungkot ang mga alaala rito. Napayuko ako at napasinghap ng isang malalim na hinga. Hindi ko kayang hindi umiyak. I'm going to miss my mom, sht. Kagabi ko pa pala ito pinipigilan, pinipilit kong magpakalakas pero hindi ko pala kaya.
"Ron," agad akong niyakap ni Jessie na ngayon ay nakikisimpatya na rin sa mga luha ko.
"I-I'm sorry. I'm not strong enough to hide this!" mahina kong sambit.
"Hindi. Iiyak mo lang iyan, kapag iiyak ka mas gagaan ang iyong pakiramdam," mahinahon niyang sambit.
Umalis ang iba sa amin. Pupunta raw muna sila sa kainan sapagkat nagugutom na silang lahat. Kami na lang ni Jessie ang natira dito sa upuan, akala ko kami lang.. pero nilapitan kami ni Drake pagkatapos.
"Tol, pupunta muna nang camp si Sam para mag-impake," sambit nya. "Mauna na muna ako."
Tumango ako habang patuloy pa rin sa pagdanak ang aking mga luha patungo sa aking pisngi. Mamayang alas singko pa ang flight nila papuntang Japan. Sana tama ang desisyon ni Sam na magpakalayo-layo muna sa sakit. Time heals everything.
"Ron," malambing niyang sambit.
Nagkatitigan kami sa mata ni Jessie. Diretso lang ang aking tingin sa kanyang mga mata, I was mesmerized by her expressive eyes. It's telling me to do something I should not.
Yet, ginawa ko pa rin. I slowly pressed my lips deeply unto hers. Isang malalim at nanunuyang halik ang aking binitiwan. I hold her neck para pambalanse and she hold my hand habang naghahalikan kami. I ran my lips down to her neck and kissing it so intensely!
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
RomanceSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
