CHAPTER 43
\\
MEDJO SPG!!!!
Samantha's Point of View.
Nakatulala pa rin ako at bahagyang nakaawang ang aking bibig ng dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala, seryoso ba sya? Yung pananalita nya kasi tsaka ang eskpresyon na rin ng kanyang mukha. Ronier is serious!!
"What?" Taka kong tanong. "H-Hindi nga?"
Pinakita nya sa akin yung picture na nakita ko sa mismong bahay ni sir Kye. Inilapit nya iyon sa akin at isa-isang tinuro ang mga tauhan sa litrato.
"This is sir Rj," turo nya sa lalaking nasa pinakagilid.
"Alam ko."
"Sir Kye is my father, mama ko din ang mommy mo Sam. I know it sounds complicated pero ipapaliwanag ko sayo. Sana hindi ka magwala kapag nalaman mo ang totoo."
"That's impossible, Ron. You just said na kapatid kita, tapos ineexpect mong hindi ako magwawala sa sasabihin mo??" Galit kong sumbat.
"Please... just listen to me."
Nakinig ako at pinilit na kinalma ang aking sarili. Kinwento nya sa akin lahat-lahat ng nalalaman nya since kinwento rin yun sa kanya ni sir Kye. Hindi ako makapaniwala na tatay nya si sir Kye. Pero mas hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, bulgaran talaga!!
"Y-You're my twin?" Tanong ko habang pinandidilatan sya ng mga mata.
My heart, it's starting to skip a beat. Kinakabahan ako sa mga nalaman ko. Alam ba ito ni daddy? Is this the secret that they have been loathing to keep?
"O-Oo. Iisa tayo nang ama at ina. Your biological father is papa Kye, hindi mo tunay na ama ang kinagisnan mong tatay," mahinahon nyang sambit.
Halos kumabog sa sobrang bilis ang aking puso dahil sa aking nalaman. Hindi ko tunay na ama si daddy? Pero sya ang nag-alaga sa akin, sya ang nagpalaki sa akin nang mag-isa simula nung iniwan ako ni mommy when I was just four years old.
"R-Ron... I-I'm..." utal-utal kong sambit. Ang hirap kasing isipin e, hindi talaga sya magsink in sa kokote ko. "I'm sorry!!" Sabay takbo palabas.
Dali-dali kong sinuot ang aking tsinelas. Wala akong pakialam kung saan man ako mapadpad or dalhin ng aking mga paa. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo sa kanila, kay Ronier, at sa katotohanang ngayon ko lang nalaman.
"Teka lang!! Sam!!!" Sigaw ni Ronier sakin pero hindi ko sya tinignan pabalik.
Agad nya akong sinundan pero mabilis akong tumakbo sa kasamaang palad. Kaya naman hindi nya ako nahabol and I was out from his sight. Lakad lang ako ng lakad habang hinahanap ang tamang daanan. Hindi ako hiningal pero yung lalamunan ko, parang may bara na ayaw matanggal.
Hinawi ko ang mga anahaw na nakatakip sa aking daanan. Alam ko ang lugar na ito..
"N-Neverland," bulong ko sa sarili.
Bigla na lang akong natalisod sa isa sa mga ugat ng kahoy at nakahiga na ang mukha ko sa lupa. Pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya, ang sakit ng mga paa ko. P-Pero... yung luha na kanina ko pa pinipilit itago kusa na lang lumabas ngayon. Luha ang bumabara sa aking lalamunan. Tensyon ng pag-iyak na kahit kailan man ay hindi ko pinakita sa iba.
"M-Mommy!!!!!" Hagulhol ko habang hinihigpitan ang kapit sa matataas na damo. Ang dumi-dumi na nang mukha ko pero wala akong pakialam.
"Bakit? Bakit?! Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo??!!" Sigaw ko ulit habang patuloy sa pagdaloy ang aking mga traydor na luha.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
RomanceSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
