CHAPTER 38
//
Jessie's Point of View.
Ang tahimik nilang tatlo.
"Alis nga muna tayo. Nakakabingi ang katahimikan rito!" Pagpaparinig ni Jona sa kanila.
Nasa may balcony kaming lahat. Ewan ko nga rin kung bakit dito pa kami nag ipon-ipon. Hindi parin kasi nagkakaayos yung tatlo hanggang ngayon. Okay naman si Drake at Sam kaso ang tahimik din nila. Si Kian naman, parating nag-iiwas tingin at nag-iiwas topic.
"S-Sasama ako sayo Jona," sambit ko.
Tumayo kami pareho. Tapos tumayo din si Ronier at Ajay, tapos si Sam rin tumayo. Mukhang maiiwan na naman si Drake at --- ay hindi rin kasi tumayo na rin si Kian.
Hinila pabalik ni Drake si Sam sa upuan nito. "Stay here," malamig nyang sambit. Ang lalim talaga ng boses ni Drake, nakakaturn-on.
Sabay-sabay naming tinignan ang magiging reaksyon ni Kian pero mukhang wala lang sakanya. Umalis rin kasi sya agad. Saan na naman kaya yun pupunta? (-.-)
"Tara na Jes. Baka mabugahan pa tayo ng apoy ng mga dragon!" Sarkastiko nyang sambit.
Nagiging mainitin ata ulo ni Jona ngayon. Baka meron sya.
"S-Sige."
"May regla ba si Jona?" Bulong ni Ron sakin.
Di ko alam pero biglang namula ilong at tenga ko dahil sa sinabi nya. Takte naman oh, maling tao binulungan nya.
"H-H-Hindi ko alam!" Halos pasigaw kong sagot.
"K-Kalma ka lang. Gusto ko lang malaman," nakangiti nyang sambit. Mukha syang natutuwa sa nangyayari sakin e. Tss. "Ang cute mo talaga mamula." Seryoso nyang sabi habang nakangiti sa ere.
Napatingin ako sakanya pero nag-iwas rin agad. Baka kasi.. mahulog ako. #//////#
Muli kong nilingon ang dalawang nag-uusap. Si Drake at Sam. Ang hirap ng sitwasyon nila. Si Drake ang kababata ni Sam na matagal na nyang kilala. At higit sa lahat, sya ang kanyang First Crush. Sabihin na lang natin na mahal nya si Drake, paano yun kung gusto nya rin si Kian halimbawa?
Si Kian rin, may fiancee na parang takas sa mental. Sa pagkakaalam ko, halos two years na silang magfiancee since head over heels na inlove sakanya si Rose. Pero hindi naman sya gusto ni Kian. Halimbawa lang din na mahal ni Kian si Sam, o tapos? Paano yun?
Si Kian na fiancee si Rose, tapos gusto nya si Sam, tapos si Sam na parang may gusto kay Ki pero mahal nya naman si Drake? Ganun??! AAAYYY!! NAKAKALITO! Kaya ayokong ginagamit ang utak ko e. Sumasakit ulo ko.
Napailing ako at tinitigan si Ronier na nagsisibak ngayon ng kahoy. Dinala na pala ako ng mga paa ko labas ng cabin.
Tinabihan ko si Jona sa pagkakaupo sa ilalim ng punong rambutan. May dala-dala din syang libro kaya naman binasa nya ito.
"Jona, ano sa tingin mo?" Tanong ko.
"Ang alin?" Nakatitig pa rin sya sa kanyang libro.
"Yung tatlo. Mukhang may love triangle."
She closed the book and faced me. Binaling nya ang kanyang buong atensyon sa tanong ko.
"Pansin ko rin matagal na. Pero wag na nating problemahin yun, silang tatlo naman ang magdurusa. Sa huli, iisang lalaki pa rin ang pipiliin ni Sam," seryoso nyang sambit habang nakatingin sa mga mata ko.
"K-Kung ganun.. sino sa tingin mo?"
She shrug, "That's her choice, Jes. Kung ikaw papipiliin, si Drake o si Kian?"
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
RomanceSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
