CHAPTER 48

369 12 5
                                        

"I want to show him what love really is, to make him feel love he's never felt before to make his heart beat the way he never knew possible."



** Someday We'll Know by Mandy Moore & Jonathan **





Three years later...





"Sam, Samantha, wake up," sambit ng isang boses sa akin. Kahit hindi ko sya nakikita, alam ko kung sino sya.



"Mamaya na kuya. Ten minutes more!!" Sabay hila ng aking kumot.



Agad nya itong hinablot tsaka ko dinilat ang aking mga mata. Bumangon ako at sinamaan sya ng tingin kahit naniningkit pa rin ako dahil kakagising ko lang.



"Ano ba yun, kuya?" Naiirita kong tanong.



"May bisita tayo. Lumabas ka muna dun, magpakita ka," utas nya habang pinupulot ang aking mga damit at shorts na nakakalat sa sahig.




Kakauwi ko lang kagabi galing Japan at pagod na pagod ako ngayon. Para na ngang tinotorture ang aking katawan dahil sa sakit e, mukha akong binugbog sa daan kagabi. 2:30AM akong nakarating dito sa Pilipinas, sinundo ako ni papa Kye at di ko namalayang nakatulog na pala ako sa kotse.



May job opportunity kasi rito and exclusively for me lang daw. Binalita iyon ni daddy sa akin kagabi kaya agad akong umuwi. Magkaibigan kasi sila nung nag-offer sakin. Nagpaiwan muna si Drake sa Japan, susunod na lang daw sya kasi pagod rin. May trabaho kaya sya sa Japan, isa syang sikat na magtataho dun. Hahaha joke, isa syang sikat na band vocalist sa isang sikat na banda. Syempre, japanese songs ang kinakanta nila.



Anong trabaho ko dito sa Pinas? Modeling career ang binigay sakin. Hahaha, dati na talaga akong model at dito ko na lang ipagpapatuloy ang aking nasimulan.




"Pagod ako!" Sabay higa pabalik.




"Hindi ka pwedeng mapagod. Andyan yung barkada natin sa baba!!" Utas nya ulit habang niyuyugyog ang aking balikat.




Bumangon ako agad ng marinig ang sinabi nya.




Barkada??? 0______0





"B-Barkada?? Sa camp?"




"Sino pa ba? Ang mga magagaling nating kai ---" di ko sya pinatapos magsalita kasi agad na akong tumakbo pababa ng hagdanan.





Nadatnan ko sila Ajay, Jona, at Jessie. Ngiting-ngiti pa ako kanina pero nung makitang kulang sila, nadismaya ako kaagad. Pero hindi ko yun pinahalata syempre.




"SAMANTHAAAA!!!!" sigaw ni Jess habang niyayakap ako ng mahigpit. "Waahh, I miss you, I miss you, I miss you!!!" tuwa nyang sabi habang mas hinihigpitan ang pagkakayakap sakin.




"C-Can't breath!!" Utas ko.




Agad nya naman akong binitiwan tsaka ako huminga ng malalim. Ah, juskopo. Akala ko katapusan ko na nun.




Nasabi ko na ba sa inyo na girlfriend na ni kuya si Jessie? Akalain nyo yun? Kasi ako.. hindi ko talaga lubos maisip na may nagkamali kay Ronier. Joke!! Ang bait kaya nang kuya kong iyon.



"Sam, namiss ka namin.. SOBRA!!" Sambit ni Jona at sinugod ako ng yakap at beso sa pisngi.




Aish, ang kukulit pa rin nila kahit kailan (-_______-)




"Haha. Ang ganda mo na ngayon Sam, para ka nang tao!!" Pang-aasar ni Ajay.




Kaya naman agad syang kinarate chop ni Jona. Hahaha, mag-asawa talaga. De joke, magfiancee pa lang no. Psh.




Camp Royalty | Under RevisionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon