CHAPTER 35
// Happy Reading Campers :D
Samantha's Point of View.
7:00 pm, gabing-gabi na kung titignan mo ang langit dito sa camp. Nakaangat lang ang tingin ko dun, habang bilog na bilog ang buwan. May naaalala tuloy ako. Kung paano sya nagconfess sa akin under the moonlight.
**Flashback
"Anj, aalis na ako papuntang states."
Nilingon ko yung nagsalita, si Drake na may dalang bola ng basketball.
"Tapos na kayong maglaro?" tanong ko na parang hindi narinig ang kanyang tanong kanina.
Umiling-iling sya tsaka ako nilapitan. Pinantayan nya ng taas ang pagkakaupo ko sa swing. Itutulak ko na sana kaso pinigilan nya pa yun, kaya di ko na lang ginawa. Hinawakan nya sa magkabilang dulo ang swing kaya napatingin ako sa mga mata nya.
"Anj, I'm going back to the states tomorrow," ulit nya.
"Alam ko," matabang kong sambit. "Alam ko Drake," isang ngiti ang tinugon ko sakanya. Kahit pilit lang yun, sana hindi nya mahalata.
Nakatitig parin sya sa mga mata ko. Ganun din ako, halos mapako na nang malalagkit naming tiningnan ang isa't-isa. Grade six ako nun nang magustuhan ko sya, maraming nanliligaw sakin pero niisa walang tumatagal. Crush ko si Drake, pero nagkahiwalay din kami nang school nung highschool. Pero lumipat din sya sa school ko nung second year, kaya ayoko nang humiwalay sakanya simula nun.
Hinawi nya ang aking buhok at nilagay iyon sa likod ng aking tenga.
"I'm sorry that I'll be going too soon."
"Ayus lang, sanay na akong iniiwan," pagddrama ko, kaso gusto kong mas umiyak.
"Anj naman e, pinapakonsensya mo ako. Hindi talaga ako aalis pag iiyak ka."
"Hindi ko yun gagawin, babalik ka naman, diba?" Tanong ko.
Napasinghap sya bago muling nagsalita. Pinasadahan nya ng kanyang palad ang kanyang buhok tsaka ginulo ito ng konti. Ang gwapo na nya tuloy.
"Mga 2-3 years pa Anj, pero ikaw ang una kong tatawagan kapag nakabalik na ako dito :)"
Tumango nalang ako at ngumiti. Babalikan ako no Drake, kahit gaano pa yan katagal atleast babalikan nya ako. Hinila nya ako patayo at hinalikan ang aking temple. Ginagawa nya naman yan lagi sa tuwing magpapaalam sya, pauwi or paalis. Kaya nasasanay na ako.
Bigla na lang syang huminto sa paglalakad kaya naman nabunggo ko likuran nya. "Anj, I have to tell you something," seryoso nyang sambit.
Nakahawak lang ako sa noo kong nauntog. Sh*t ang sakit naman, bakit ba ang tigas tigas nang likod nya?
"Tsk. Ano ba yun? Sana sinabi mong hihinto ka," pagtataray ko.
Hinarap nya ako at tinignang mabuti. Nag-angat naman ako ng tingin, may katangkaran din kasi itong si Drake.
"Watashi.." (I)
"W-Watashi?" (I)
"Aishiteru!" Diretso nyang sambit. (I love you)
"H-Ha?" Tanong ko. Jusko, ang bobo ko kasi sa Japanese. Konti lang ang alam ko no, tsk. "Ano??"
"Daisuki desu, Anj hime," (Mahal kita, princess Anj) nakangiti nyang tugon tsaka ginulo ng kaunti ang aking buhok.
"Di ko gets. Wala. Ako. Magets!"
Tumawa naman sya dahil sa kakaiba kong accent. Takte, seryoso ako dito, tapos tinawanan nya lang ako. Ang tino talaga.
BINABASA MO ANG
Camp Royalty | Under Revision
RomanceSix wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong? End: May 14, 2017
