CHAPTER 39

372 12 5
                                        

CHAPTER 39

// Enjoy Reading :*

Jona's Point of View.

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Walang kasiguraduhan.

"Jona! Jona!" Pagtawag ng isang boses sakin.

Agad ko syang nilingon. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't-isa habang dahan-dahan nya akong nilalapitan.

"Bakit?" Tanong ko.

Tinabihan nya ako sa pagkakaupo dito sa sala. Andun yung iba sa labas at yung iba, hindi ko na alam kung nasan. Basta ang alam ko lang, nagbabasa ako ng libro buong maghapon kaya di ko na napansin masyado ang presensya ng aking mga magagaling na kaibigan.

Di nya parin ako sinasagot, kaya sinarado ko na ang binabasa kong libro.

"Bakit nga?" Matigas kong sambit.

Hindi nya ako hinaharap at nakatingin lang sya sa kawalan na para bang bawal putulin at istorbohin ang kanyang iniisip dahil sa lalim nito. Parang ganun yung feeling ko ngayon.

"You called me but, you're the one who's not speaking," matabang kong sabi.

Napakamot sya sa kanyang ulo pero hindi nya pa rin ako hinaharap. Mukha syang frustrated dancer na gustong sumayaw pero hindi nya kaya kahit anong practice ang kanyang gawin.

"E kasi.."

"Kasi?"

"Kasi ano e."

"Ano?"

He suddenly faced me seriously. Hinarap nya ako, tinitigan gamit ang kanyang mapupungay at malulungkot na mga mata. Bakit sya malungkot? Bakit ka malungkot Ajay? Nagtititigan lang kami for almost two minutes hanggang sa napagdesisyunan na nyang magsalita sa wakas.

"Mahal mo pa ba ex mo?" Seryoso nyang tanong.

Kinabahan ako bigla. Yung puso ko parang sasabog sa hindi maipaliwanag na rason. Nakakatakot, natatakot ako. Natatakot na baka isa sa amin ang bumigay dahil sa nagbalik ang kanyang ex, at hindi yun ako.

"W-Wala akong ex, Ajay. NBSB ako, did you forget?" Taka kong tanong habang pinipigilan ang panginginig ng aking bibig.

"Ay, oo nga pala," sabay kamot sa kanyang nape.

Hindi ko gustong itanong ito sa kanya. Pero anong magagawa ko? Mahal ko si Ajay, at gusto kong magsabi sya sa akin nang totoo. Gusto kong malaman ang totoo mula sa kanya.

"Ikaw Ajay? Mahal mo pa ba si Iya, yung ex mo?" Seryoso kong tanong habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Gusto kong malaman ang sagot nya. Ang buong katotohanan sa kanyang nararamdaman para kay Iya. Pero bakit ganun? Gusto kong malaman pero natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang sagot nya. Nakakalito, sobrang nakakalito ang pag-ibig.

Ginagawang tanga ng pag-ibig ang mga matatalino. Kagaya ko!

Lumaki ang kanyang mga mata sa tanong ko. Hindi ko sya masisisi, baka nga siguro.. baka mahal nya pa si Iya hanggang ngayon. Sya ang rason kung bakit nagpakalasing si Ajay noon sa Odies Bar diba? First time ko syang makitang ganun kabroken nang dahil sa isang babae. Wala rin akong panama kay Iya. Sa ganda, sa kasikatan, sa reputasyon, sa kabaitan, walang-wala ako kumpara sakanya. Sa hubog ng katawan, bagsak na bagsak din. Ako na yata ang perfect description ng kabaliktaran nya.

"Oy, aminin, may feelings pa din sya dun! Yiiieee!!" Pang-aasar ko.

Habang ginagawa ko yun, may malaking tinik sa puso ko na biglang tinanim ng sarili kong utak. Ako ang may gawa nito kaya ako rin dapat ang humugot ng kusa. Paalala, wag nyo akong gagayahin. Masasaktan lang din kayo.

Camp Royalty | Under RevisionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon