Entry #1: Ang Pera At Ang Donut

520 17 15
                                    

ANG PERA AT ANG DONUT


Kumakain sa canteen ang dalawang magkaibigan. Habang kumakain ay natuliro bigla si Dayan ng mapansing walang laman na ang kaniyang wallet. Kinakal niya ang laman ng kaniyang bag.

"Nasaan na ba yun?"

"Ang alin?" Nagsalita na si Ana nang mapansing pinagpapawisan na si Dayan.

"Yung 300 ko, nawawala."

"Hindi ko alam sa'yo."

"Naku pagagalitan ako ni Nanay."

"Bakit?"

"Kasi pambili ko ng project yun."

"Patay ka."

"Hindi pa ako makakapasa ng project. Di 'ba mamaya na 'yun?"

"Oo. Mamaya na 'yun. Pinasa ko na iyong akin kanina."

"Saan ko ba nilagay 'yun?"

"Hindi ko nakita eh." At patuloy na kumain ulit si Ana.

Nang napansin ni Dayan na may mamahaling Donut na kinakain si Ana ay nagtaka siya.

"Ano yan?"

"Donut. Dyan lang, sa may Berry's, bumili ako."

Mahal sa Berry's. Kahit si Dayan na mas may kaya kay Ana ay hindi pa nakakabili dito. Halos limang daan din kasi ang box sa Berry's. Kahit na nagtataka siya ay mas importante pa rin na mahanap niya ang pera kung kaya't nagpatuloy siya sa paghahanap.

"Saan na ba yun?"

"Wala na diyan, bag ko na yan eh," pigil ni Ana sa kaniya nang makitang kakalkalin na din niya ang bag nito.

"Malay mo nailagay ko kanina dyan, " kahit na imposible ay nagbabakasakali siya.

"Sige, bahala ka. Tingnan mo na."

"Andyan na Nanay mo."

"Huh?"

"Nanay mo kausap ang guard, papasok na ata dito."

"Paano? May trabaho pa siya ngayon."

"Malay ko. Kung ako sa'yo magtatago na ako."

"Malapit na ba siya."

"Tingnan mo."

"Ayoko nga, pag ako tinanong kung nasaan na ang pera ko."

"Aling Euria. Mano po," tumayo na si Ana at nagmano sa ina ng matalik na kaibigan.

"Nay," paglingon ni Dayan ay ang pagod na mukha ang sumalubong sa kaniya.

"Tahan na. Okay lang 'yan."

Hindi maiwasang maiyak ng tudo ni Dayan dahil pinagalitan siya ng kaniyang ina sa harap ng maraming tao.

"Kasi.. Bakit ko ba naiwala yun?"

"Bakit galit na galit ang nanay mo?"

"Pinakiusapan niya na si Ma'am French na di muna ako makakabili ng project tapos hihiramin niya muna daw ang pera sa akin. Pambili ng gamot ni bunso."

"Sobrang kailangan pala?"

"Oo, ayun umuwi na si Nanay."

"Ba't mo kasi winala," pang-aasar pa ni Ana.

"Hindi ko alam kung bakit din nawala. Tanda ko sa wallet ko lang nilagay yun."

"Sino naman gagalaw nun?"

"Ewan ko, tayo lang naman magkasama buong araw. Wala naman tayong klase diba. Papasa nalang ng mga requirements."

"Tsk. Dapat inaayos mo gamit mo."

"Nay, mano po," ani Ana pagdating niya sa kanila.

"Oh, maaga ka ata."

"Walang klase nanay eh."

Pagkuwan ay inabot ni Ana ang bitbit na kahon sa ina.

"Ah ganun ba. Oh, bakit ka pa may dalang Donut. Mahal eto ah. Bente lang naman ang pamasahe mo anak. Saan ka naghanap ng pera?" Pagtataka nito.

"Sa tabi tabi lang po Nay," walang ano anong sagot ni Ana. "Masarap po yan, Berry's iyan," dagdag pa niya.

"Naku, ikaw talaga. Sana di ka na nag-abala."

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon