Entry #23: Pagong Pag-asa

121 12 14
                                    

PAGONG PAG-ASA


Minsan may magkaibigang pagong ang nagkita sa tabi ng ilog. Mabagal nilang nilapitan ang isa't isa at mabagal na nagyakapan.

"Kumusta na 'tol?" tanong ni Berde kay Puti. "Namumutla ka a."

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na namumukod-tangi ang kulay ni Puti- kaya nga ito ang pangalan n'ya. Mabagal na suminghal si Puti, iniisip n'ya kasing inaasar s'ya nito.

"Seryoso Puti, ang puti mo," eksplika ni Berde.

"Tinakbuhan ko kasi si mama," mahinang sagot ni Puti.

"Tinakbuhan mo?!" gulat na gulat si Berde. Hindi s'ya makapaniwala.

"Oo na. Nilakaran ko lang s'ya palayo." Bumuntong-hininga si Puti. "Paano ba naman kasi, pinipilit n'ya ko uminom ng gamot."

"Ayaw mo ba sa gamot?"

"Mapait kasi. Sana plastic na lang lagi pagkain namin, 'yong tinatapon ng mga tao."

"Masama sa kalusugan ang plastic a."

"Hmm. Basta ayaw ko uminom ng gamot." Mabagal na nanginig ang katawan ni Puti. Naalala na naman n'ya kung paano kumapit sa lalamunan n'ya ang lasa ng mapait at magaspang na gamot. Pati ang mabagal na pagpalo sa kanya ng mama n'ya ay naalala n'ya.

"Ayaw ko na rin umuwi," sabi ni Puti.

"Bakit?"

"Kasi gulay ang ulam namin."

"Masarap naman ang gulay a. Pampaliksi."

"Ayaw ko sa gulay. Nasusuka ako."

"Bahala ka nga. Tignan mo, ikaw ang pinaka-pinakamabagal sa ating lahat. D'yan ka na nga, maglalaro pa kami ng habulan."

"Gusto kong sumali!" giit ni Puti.

"Bawal. Baka ano pa mangyari sa'yo. 'Di kami nagpapasali ng lampa."

"Ano ba kailangan kong gawin para makasali ako?"

Tumigil saglit si Berde mula sa mabagal na pagtalikod. "Alam mo naman kung ano ang gagawin para lumusog ka e. Ayaw mo lang."

"B-bahala kayo..."

"'Yong mapapait na bagay ang nagpapalakas sa atin. Ayaw man natin sa kanila."

At naiwan si Puti na napapaisip.

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon