Entry #15: They Hate My Cholesterol

65 3 4
                                    

THEY HATE MY CHOLESTEROL


I'm Severa. Mataba ako. Malaki ang tiyan ko, pero wala akong lahing butete. Ako 'yung tipo ng mataba, na kapag naglaro ng jumping rope ay magkakaroon ng earthquake dahil sa bigat ko. Pero ang matabang katulad ko ay nag-aaral din, hindi lang puro kain ang alam ko. Haha.

"Hello!" bati sa akin ni Victoria. Ang kaibigan kong chopstick-este-babaeng kinulang sa resistensiya dahil sa sobrang payat. Kung ako ay na-sobra-han sa nourish, siya naman ay isang malnourish. Haha!

"Hello,"

Napangiti ako. Kahit ganito ang hitsura ng tipaklong na'to ay mahal ko 'to.

"Kamusta 'yung si Crispin na baliw?" tanong niya, habang naglalakad kami.

"Ayun, baliw pa-ahhh!" hiyaw ko, nang mapadapa ako. Feeling ko ay naipon lahat ng taba ko at naipit lahat ng bilbil ko dahil sa pagkabagsak ko sa sahig.

"Hahaha! Baboy na nga, lampa pa!" tawa ng isa. Version ko yata 'to ng Diary ng Panget, tapos 'yung akin ay Diary ng Baboy. Naiiyak akong tumayo, kaso ay hindi ko kayang tumayo agad dahil sa naipon lahat ng taba ko sa tiyan. Umikot ako na parang ninja at tumihaya sa lupa para makaupo at makatayo. Hindi ako makapagsalita. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Hayun. Kitang-kita sa mga mata niyang natutuwa siya sa nangyari. Si Crispin Bassilio-este-ang anak ng kapitbahay namin.

"You!" sigaw ni Victoria. Akmang lalapit na siya rito, nang pigilan ko siya.

"Kung makasigaw ka naman, wala kang laban diyan, ang payat mo kaya," nakayukong bulong ko. Pag-angat ko ng tingin ay saktong nasa harapan ko na si Crispin.

"Loser," sambit niya. Isa-isang tumulo ang mga luha ko. Pagka-uwi ko sa bahay ay mabilis akong dumiretso sa'king kuwarto. Nagmukmok ako buong magdamag. Mataba ako, oo. Makapal ang balat ko, pero hindi naman makapal ang mukha ko, para hindi mapahiya sa nangyari kanina. Ilang araw ang lumipas, pero sariwa pa rin sa kanila ang nangyari. Pinagbubulungan at pinag-chi-chismis-an nila ako. Masyado akong na-apekto-han sa kanila. Masyado akong na-stress. Na-apekto-han din ang aking grado. Bumaba ako sa klase.

"Masyado kang nagpa-apekto, anak. Ano naman kung tutuksihin ka nila? Can't you see? We love you. Victoria, me, your father..." sambit ni mama nang minsan niya akong kinausap. Napayuko ako.

"... Severa, trust me, kahit ano pang lait nila sa'yo, you're still the most beautiful girl for us, okay? Ignore them, honey. Ignore them, well, crush mo si Crispin, right?" dugtong niya. Tumango ako at mabilis na dinamba ng yakap si mama. Kinabukasan, maaga akong pumasok. Ginanahan akong pumasok dahil sa sinabi ni mama kagabi.

"Baboy!"

Napalingon ako sa gilid ko. Napa-iling nalang ako at hindi pinansin ang lalaking nanglait sa akin. Who cares-ahh!

"Crispin?!" gulat na sigaw ko nang hilahin ako ng lalaking 'to. Dinala niya ako sa kung saan at galit na tumitig sa akin.

"Ako lang pwedeng umaway sa'yo, naiintindihan mo?!"

OMG. Okay lang na maging mataba!

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon