Entry #5: Ang Lapis Ni Eiron

201 9 9
                                    

ANG LAPIS NI EIRON


Naaalala mo pa ba ako?

Oo, ako. Si Maru, kaibigan mo. Ano? Nakikilala mo na?

Anak ako ng bestfriend ng nanay mo. Ruru pa nga angtawag niyo sa akin eh. Natatandaan mo na?

Oh sige. Huwag mo ng piliting alalahanin ako. Baka sumakit na naman ang ulo mo. At ako na naman ang may kasalanan.

Kaya ang mabuti pa, kwentuhan na lang kita. Okay ba iyon? Pero huwag magagalit, ah?

Eto...

Alam mo ba na halos sabay tayong lumabas sa mundong ito? Mga dalawang minuto lang yata ang tanda ko sa'yo, eh. At kung hindi lang magkaiba ang mga magulang natin, para na tayong kambal. Maru at Mara. Haha! Ang astig 'di ba?

Pero alam mo, mas astig ka. Bakit? Kasi, ang mature mo mag-isip. Daig mo pa ang mga matatanda. Hmm... parang ikaw ang Nanay at si Tita ang anak.

May patunay ako roon, eh. Ano kasi iyon? Ayun? Alam ko na!

First day nating pumasok ng school noon. At dahil masyado pa raw tayong bata, sa kindergarten pa lang tayo pinapasok. Wala tayong nagawa noon kahit na gusto mo ng mag-grade one na tayo.

'Di ba? Sinong magpa-five-year-old kid ang gugustuhing pumasok na ng school at bilang isang grade one student? Ikaw lang iyon. Kasi nga, astig ka.

Pero minsan, over na ang pagkaastig mo. Tanda ko pa, grade six tayo noon. At mayroon tayong isang kaklaseng bully. Naaalala mo? Si Eiron. Ang suki ng principal's office.

Sayang nga lang. Magaling pa naman siyang mag-drawing. Pwede siyangmaging architect. Kaso, tamad. Ayaw sa mga words na activities, seatworks, assignments, projects at iba pang related sa pag-aaral.

Isang araw, nagpa-activity si Ma'am Imari sa atin. Math. Eh dahil ayaw ni Eiron iyon, lumapit siya sa iyo dahil ikaw ang top one sa klase natin. Nang lumabas na ng room si Ma'am dahil pupunta sa office ay walang ano-anongitinayo ka niya. Medyo malakas ka pa niyang itinulak at sinabing pakopyahan mo siya kung hindi ay malalagot ka sa kanya.

Tatayo na sana ako noon para tulungan ka nang biglang dumating si Ma'am.Walang katakot-takot mo siyang isinumbong kaya halatang naiinis siya bago nagtungo sa office.

Nang hapon din iyon, nilapitan ka ulit ni Eiron nabakas sa mukha ang pagkagalit. Arts ang subjectnatin noon at umalis sandali ang teacher natin. Kaya napagdesisyunan kong itigil muna ang ginagawa ko at lalapitan din kita dahil alam kong hindi maganda ang gagawin niya.

Hindi nga ako nagkamali dahil kaagad ka niya itinulak na siyang dahilan ng pagkatumba mo sa upuan. Tumakbo naman ako ng mabilis patungo sa'yo at tinulungan kang tumayo. Pero lalo lang yata siyang nainis.

Nanlilisik ang mga mata niyang ikinuyom ang kanyang kanang kamao at aambangan ka na sana ng suntok nang bigla kong ginawa ang isang bagay na masama man sa tingin ng iba pero alam kong tama.

Kinuha ko ang lapis na hawak niya sa kaliwang kamay niya at ginamit ang nakatagong kapangyarihan nito.

Ang lapis naging kutsilyo. Na tumarak sa likod ni Eiron. Gamit ang aking mgakamay. Para mapigilan kong huwag lumapat ang kamao niya sa'yo. Pero hindi ko alam na iyon pala ang babago sa mga buhay natin.

Namatay siya at nakulong ako. At ngayon na nakalayana ko ay nalaman kong hindi ka na sa bahay niyo nakatira. Kundi rito sa isang puting kwarto.

Ay! Nakatulog ka na pala. Pero sana, sa paggising mo'y nakikilala mo na ako. Sana ay hindi ka na galit sa akin. Dahil ako ang may kasalanan kung bakit ka narito. Dito sa mental hospital kung saan nadadaan lang natin noon.

Patawarin mo ako. Pati na rin...

ANG LAPIS NI EIRON.

The End

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon