Entry #7: Project

140 9 6
                                    

PROJECT


Ilang oras na rin nang magsimula si Mark na gumawa ng project niya sa subject na Mathematics. Kailangan niyang itong gawin para makapaglaro na siya pagkatapos nito. Nasa mama pa kasi niya ang pinakamamahal niyang cellphone at hindi ito ibibigay sa kanya kapag 'di niya ito tatapusin.

Mahahalata mo na sa bata ang willingness nitong makapaglaro dahil parang gusto na nitong sirain ang keyboard. Sobrang lapit na rin ng mukha nito sa screen ng computer at ang gumagalaw lang ay ang mga mata at ang dalawang kamay nito.

"Yes!" agad niyang sigaw ni Mark nang matapos na siyang gumawa ng proyekto.

Biglang pumasok ang mama niya sa kwarto nang marinig ang sigaw ng anak. Nakita agad ng ina nito si Mark na hanggang tenga ang ngiti. "Tapos ka na ba?"

"Opo, ma. Maglalaro na po ako!" masayang sagot niya at agad na kinuha ang cellphone mula sa kamay ng ina. Lumabas na lamang ang babae at iniwan ang batang masayang naglalaro ng application sa cellphone nito.

"Buti na lang, tapos ko na ang project na 'yon!" masayang sabi ni Mark sa sarili habang patuloy na pinipindot ang screen ng cellphone. "Ayan! Dali! Patayin mo!"

"Mark! Matulog ka na!" sigaw ng ina nito mula sa baba dahil sa sobrang ingay ng bata.

"Mamaya na po!" sigaw rin niya at patuloy na naglaro. "Ayan! Yes!" Lumundag-lundag pa ito sa kama nang matalo ang kalaban nito sa laro. "Wala kayo sa'kin! Magaling yata 'to!"

Isang oras pa ang nagtagal at patuloy pa ring naglaro ang si Mark. Ilang beses na rin siyang pinapatulog ng kanyang ina ngunit hindi pa rin nakikinig ang bata.

"Mamaya na po ma! Papatayin ko muna 'tong kalaban ko!" sigaw pa niya habang nakahiga at nakaharap ang mga mata sa screen ng cellphone. "Yes! Patay na pa―Ma!" agad siyang napatawag sa kanyang ina nang nagdilim ang buong paligid.

"May brownout kaya matulog ka na Mark." Agad na pumasok ang mama niya sa kuwarto at hinanap ang anak. Hawak pa nito sa harap ang cellphone na naka-on ang flashlight at laking gulat ng ginang nang makita si Mark na nakaupo sa harap ng computer.

"Akala ko ba tapos ka na sa project mo?" pagtatakang tanong ng ina nito.

"Ma!" mangiyak-ngiyak pa nitong niyakap ang ina. "Pinaghirapan ko 'yon, e. Four hours akong 'di naglaro tapos―"

"Ano bang nangyari Mark?" may pag-aalala namang tanong ng mama niya.

"Hindi ko po na-save project ko. Bukas na po 'yon ipapasa, e." At humagulhol na ito sa bisig ng kanyang ina na parang bata.

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon