Entry #9: Miko, Sa Dating Mundo

117 5 5
                                    

MIKO, SA DATING MUNDO


Karamihan sa mga bata, pagkagaling sa paaralan ay agad na dumidiresto sa bakuran o 'di kaya sa kalsada upang makipaglaro sa kapwa niya kabataan ngunit iba si Miko, dahil pagkagaling niya sa eskwela ay agad siyang nagkukulong sa kanyang maliit na kwarto-dapat daw siyang mag-aral nang mabuti sabi ng mga magulang niya-bawal ang laro, bawal lumabas.

Nakaupo siya sa kanyang malambot na kama, hindi pa man nakakapagbihis pero sabik na sabik na siyang makita ang kanyang hindi pangkaraniwang kaibigan-si Rezel. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang si Rezel pero bigla na lang itong nagpapakita sa kanya at inaaya siya na sumama rito. Hindi naman ito tinatanggihan ng pitong taong gulang na bata dahil pakiramdam niya ay nawawala ang kanyang lungkot kapag sumasama siya dito.

"Handa ka na ba Miko?" tanong ni Rezel na may matamis na ngiti sa labi nito. Tumango lamang si Miko bilang sagot. Inabot ng batang babae ang kanyang kamay at agad naman itong hinawakan ni Miko. Kagaya ng nakagawian ay pumipikit muna si Miko at sa pagdilat niya ay makakarating na siya sa isang magandang lugar.

Muling namangha si Miko nang bumulaga sa kanya ang isang napakagandang lugar. Sa kanyang kanan ay makikita ang hindi kalayuang talon kung saan napakalinaw ng tubig, sa tunog pa lang ng mga rumaragasang likido ay siguradong aaliwalas na ang pakiramdam mo. Sa kabilang banda naman ay makikita ang isang bundok na puno ng masaganang berdeng puno, sa paanan nito ay makikita ang iba't ibang klase ng bulaklak at halaman. Sa gitna naman ay may malawak na lupain-dito naglalaro sila Miko at Rezel.

"Halika na! Maglaro na tayo!" sigaw ng batang lalaki at saka hinawakan ang kamay ni Rezel. Tumakbo sila sa gitna at naghabulan. Kitang-kita ang saya sa mukha ng batang si Miko, saya na dito lang niya nararanasan.

Nang mapagod ang dalawa, sila ay nagtungo sa lilim ng isang puno at doon umupo upang makapagpahinga.

"Masaya ka ba?" tanong ng kaibigang babae kay Miko.

"Oo naman," walang pag-aalinlangang sagot ni Miko. "Pero... matagal mo na akong sinasama rito ngunit hindi mo sinasabi kung saan 'to matatagpuan nang sa gano'n ay mayaya ko sila mama't papa na pumunta rito," saad ng lalaki at saka tiningnan si Rezel.

"Kahit na sabihin ko pa sa 'yo kung saan 'to matatagpuan, madidismaya ka lang 'pag napuntahan mo na ito," sagot naman ng batang babae. Napakunot-noo si Miko dahil hindi niya ito maintindian.

"Bakit naman?"

"Kasi sira na ang lugar na 'to, dati-rati mayayabong ang puno sa bundok na iyon." Itinuro ng batang babae ang bundok sa kaliwang banda. "Pero... ngayon wala na, sinira na ng mga tao."

"Bakit sinira nila?" naguguluhang tanong ng lalaki.

"Hindi naging tama ang paggamit nila ng mga yamang likas, inabuso nila ang bigay ng Maykapal. Pinuputol nila ang maraming kahoy pero hindi sila nagtatanim ulit. Pati nga 'yong mga dagat tinatapunan nila ng mga basura."


"Ibig-sabihin kung hindi nila inabuso ang kalikasan, mapupuntahan ko ito kasama ang mama at papa ko?"

"Oo, Miko."

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon