Entry #45: Light of Hope

192 4 3
                                    

LIGHT OF HOPE


Footsteps echoed the empty hallway as I ran towards the end of the corridor. I know I should've stayed as discreet as possible, but of course not when death's chasing me from behind. This is a suicide mission, but I have to shake away the fear from my system. In order to restore peace in Section 12, I have to save the Rouges.

"Inakalaw mo ba talagang makakatakas ka mula sa akin?" Kinilabutan ako sa tinig niya. Malaki ang boses nito ngunit may pagkagaralgal rin ito na may halong gigil. "Hope. Hope. Hope. Ligtas ka na nga mula sa akin. Binura ko na ang pangalan mo sa listahan dahil sa lahat ng mga taong kumalaban sa iniidolo ko. I actually decided to spare your life." Lumikha ng nakakairitang ingay ang kanyang hawak na sandata sa tuwing dumidikit ito sa pader.

Where's Courage when I need him? "Bakit mo ba 'to ginagawa? Don't tell me that crazy doctor manipulated your mind too? Hindi mo ba naiisip na mas maraming mapapahamak kapag itinuloy mo pa 'tong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya sabay pasok sa isang silid kung saan ako nakarinig ng kaluskos. Kung mamamatay man ako ngayon, mapapahamak ang buong Section 12. Magbabalik sa dating estado ang mga naninirahan dito. Magiging test subjects muli sila ng mga taong katulad ni Dr. X at ni...

"Hope, you should leave immediately." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang bulong ng isang boses sa akin. I-I thought she died with them. Kaagad akong naluha habang dahan-dahan akong tumingin sa kanan ko.

"Astra..." I whispered. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko saka pilit na ngumiti. "U-Umalis na tayo dito..." She slowly shook her head.

"Wala na akong pag-asang mabuhay sa labas nito. Pero ikaw... kaya mong mabuhay sa labas ng warehouse. You could save Section 12 from its fate. Ikaw na lamang ang pag-asa ng lugar na kinagisnan natin."

"Pero kailangan kong mailigtas ang Rogue mula sa kanya. Hindi ko kayang iligtas ang Section 12 ng mag-isa." Hinawakan niya ang kamay ko.

"You can do it. At ang mga Rogue? Itinago sila sa isang lugar na malayo sa Section 12. Now, I want you to focus on our town. Wag mong hahayaang sirain 'yon ng taong tuluyan nang nilamon ng kasakiman. Wag mong hahayaang mapasakamay muli ito ng taong katulad ng baliw na doktor."

"But can I defeat him from the inside?" Napangiti siya sa akin.

"You know what can defeat him..." Saglit akong natigilan ngunit unti-unti ring nakabawi. I do know how to do it, but will it really defeat him? "You can do it, Hope. You're our only hope for now. Save Section 12 and the Rogues. Now, on my cue, I want you to jump there," sabi niya sabay turo sa maliit na butas sa pader.

"Pero... paano ka?"

"I'll distract him," tipid na sagot niya. "Save the rest."

"HOPE!" And I jumped. But not before he killed her ruthlessly. I brushed the tears from my eyes. Soon I'll get my revenge, at ipinapangako kong tatapusin ko na ang mga kasamaang ginagawa nila sa Section 12. Kahit pa ang pinakapinagkakatiwalaan kong tao ang kakalabanin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon