Entry #14: Hazel

119 3 3
                                    

HAZEL


Tumayo ako mula sa pagkakahiga, nahihilo. Pakiramdam ko'y ang bigat ng ulo ko at may kung anong dumadaloy rito kaya nung hinawakan ko'y laking gulat ko ng makitang may dugo sa kamay ko. Inilibot ko ang tingin ko sa lugar kung nasaan ako, mas kinagulat ko ang malaking apoy na tumutupok dito. Nasaan ba kasi ako? At anong ginagawa ko rito?

"Haze..." napalingon ako sa babaeng nagsalita. Nakahandusay siya sa sahig at sinusubukang abutin ako.

Nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya. Sino siya? Hindi ko siya kilala. Teka! Sinong Haze?

"Haze..." tawag niyang muli sa akin.

Gusto ko siyang tulungan sa sitwasyon niya. Nakikita ko ang hirap niya sa paghinga. Aabutin ko na sana ang kanyang kamay ng makita ko ang aking imahe sa isang salamin. Hindi ko mapigilang masindak sa nakangiting babae sa salamin. Bakit siya nakangiti? Bakit ako nakangiti?!

Tinignan ko ulit ang babae ngunit wala na siyang malay. Kailangan ko siyang tulungan. Kailangan naming makaalis dito dahil kung hindi mamamatay kami sa apoy!


"Haze!" may narinig akong boses na nang gagaling sa labas. Lumapit ako sa may bandang bintana ngunit anino na lamang ang nakita ko at patuloy lang siya sa pagtawag sa pangalan ko. Kung ako nga ba ang tinatawag niya? Kung 'yon ba talaga ang pangalan ko ay hindi ko alam. Nakita ko ang pinto na hindi pa masyadong nilalapitan ng apoy. Pupuntahan ko na sana yung babae subalit namawala na siya? Nasaan na siya?!

Hahanapin ko na sana siya ng biglang may tumama na kung ano sa ulo ko at bumagsak nalamang ang katawan ko sa sahig. Mas dumoble ang sakit ng ulo ko sa ginawa niya. Ang babaeng yun!

"Haze!" yung boses na nang gagaling sa labas. Mas lalo itong lumakas napara bang ang lapit niya lamang sa akin.

Nabitawan ng babae ang hawak niya na pinanghampas niya sa akin kanina. Gusto kong itanong kung bakit niya ginawa 'yon? Gusto na lamang lumuha ng mga mata ko sa daming katanungang nasa utak ko ngayon.

Nakikita ko ang pagtataka sa mga mata ng babae. Inaabot ko siya para makahingi ng tulong. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Nakakainis nahihirapan na akong huminga. Napaluha na lamang ako dahil wala man lang akong magawa.

"Haze..." nasabi ko na lang habang lumuluha. Teka? Lumabas ba talaga sa bibig ko ang salitang 'yon? Parang nangyari na 'to diba?

"Haze..." tawag ko ulit sa kanya.

Tutulungan na sana niya ako pero huminto siya at tumingin sa salamin. Nangyari na 'to sa'kin kanina! Naguguluhan na ako! Sobrang sakit na ng ulo ko.

"Haze!" narinig kong may tumatawag sa akin sa labas! Sa akin nga ba? O sa babaeng kasama ko?! Hindi! Nag-iisa lang ako, ako lang dapat, kailangan niyang mawala. Dali-dali akong tumayo at kumuha ng pamalo. Sa pagharap niya hinampas ko siya sa ulo.


"Hazel!" nagising akong mabigat ang paghinga.

Panaginip?

"Hazel! Kanina pa kita ginigising!" tinitigan ko lang siya ng may pagkalito.

Kahit sa panaginip talaga?

"Bumangon kana kambal!"

VOLUME 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon