Aishka's PoV
So, ito na nga instead umuwi na ako ng bahay ay tumuloy ako sa underground band battle... ang daming tao mukhang sikat at kilala talaga siguro ang guest performer nila... hinarang ako ng mga bouncer na nagbabantay at hinahanap ang pass ko kaya naman ipinakita ko ito sa kanila at itinutok ko pa malapit sa mukha nila.... hindi dapat ako minamaliit akala ba nila ah!!! VIP pass ata ito kaya naman inalalayan pa nila ako papasok. Tsk.... iba ata ito sa connections hahaha may mga kaibigan kaya akong organizers ng mga ganitong event.... ako pa ba edi ba nga sikat ako sa London underground band.... The Supernovae Stars. Sa unahan ako nakapwesto syempre nakatayo kaming lahat dahil mapapaindak ka talaga sa mga tugtugin dito.... nagsimula na ang labanan, ito ay friendly competition ang ganap dito dahil mga sikat na sila pero ang mananalo ay may prize pa rin syempre at sa susunod ay may hahamon sa defending winner upang agawin ang kanilang golden mic.... parehas magaling kaya naman ang sarap laging pumunta dito kasi nga sulit ang pera... may pustahan dito pero ako ayaw ko ng ganun kaya hayaan na sila sa mga ganung bagay. Maya-maya ay lumakas ang tilian ng mga tao dito sa loob ng arena.... syempre ako nagtataka kung anong meron kaya naman tinignan ko ang stage at may lumabas na lalaki... hindi ko maaninag masyado ang mukha dahil naka mask ang mata nito at nakahood pa.... may electric guitar syang dala tapos pumunta na sya sa gitna.... narinig ko na hindi nagpapakilala at nagtatanggal ng mask yung lall laki tuwing nagpeperform.... naks, pamysterious pero wow!!! As in napa-wow ako sa galing nyang tumugtog ng electric guitar naalala ko bigla si Phoenix ko.... hindi ko na pala nagagamit yun.... mas lalong nagtilian ng kumanta ito pero hindi naman pang underground ang kanta nya pang greenday pero iba ang hatak nya sa mga tao dito dahil siguro sa galing nyang magplay ng electric guitar.... well, hindi ko naman sila masisisi. Nang matapos na ay umalis na ako nang hindi pa ako nakakalayo sa arena medyo malapit na rin sa park ay may nabangga akong lalaki... naka cap itong black at tila may iniiwasan sya.... nakita ko ring may dalawang nakasunod sa kanya.
Sorry Miss.
Teka lang Mister... hinawakan ko sya sa kamay para hindi makaalis may atraso ka ata sa mga yun eh!!! Tssss... wag ganun.
Ahhh... wala nga akong atraso sa kanila tapos hayan hinahabol na ako.
Ganun ba mister, sige ako na bahala dito.
Anong ikaw na bahala miss.
Wait ka lang dyan basta.... sagot ko na ito.
Kaya naman ng makalapit ang dalawang lalaki ay tinanong ko sila ng maayos kung anong kailangan kaso hindi sinabihan lang naman nila akong wag makialam at itinulak ba naman ako haizt.... ayaw ko sa lahat ay ginaganun ako kaya naman kinuha ko ang braso nung isang lalaki at hinatak ito na kanya namang ikinatumbling tapos yung isa naman ay niyakap ako sa likod kaya naman inuntog ko ang ulo ko sa kanya at pagkaharap ko ay sinipa ko sya.... hinihintay ko silang tumayo para makatikim pa sila ng isa pa kaso hinatak na ako nung lalaking nakabangga ko kanina at nagtago kami sa isang eskinita.... ayaw ko sana kasi kaduwagan yun at kayang kaya ko naman yung mga yun eh!!! Kaso wala na akong nagawa. Nakita ko yung isang lalaking nabugbog kanina na hinahanap pa rin kami, tatayo sana ako sa pinagtataguan namin kaso hinigit na naman ako nitong kasama kong lalaki nasa tapat na yung humahabol sa amin... magsasalita sana ako para sabihin na bakit ba hatak sya ng hatak sa akin kaso tinakpan nya ang bibig ko.... tatanggalin ko sana kaso bumulong sya sa akin.
Miss, pagpumalag ka at nag-ingay hahalikan kita.
Aba teka ako na nga ang tumulong tapos huhukage pa ang isang toh!!! Naku!!! Nang makaalis na ang lalaking humahabol sa amin ay tumayo yung kasama ko at sinilip kung wala na talaga yung humahabol. Nang makasigurado na sya ay saka nya ako tinawag para makalabas na sa pagkakatago. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas dos na ng umaga, mayayari ako nito kay Dad kaya naman hindi ko na hinintay na magpasalamat pa sa akin yung lalaki at dali-dali na akong umalis. Nang nasa bahay na ako ay itinulak ko na lang si King Arthur para hindi marinig ang ingay nito tapos umakyat ako sa may veranda ng kwarto ko, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok. Yes!!! Nakauwi rin. Hihiga na sana ako ng kama ng gulat ko ng may biglang nagsalita. Binuksan ko ang ilaw.
At saan ka galing sweetie at bakit ngayon ka lang umuwi?? -Dad
Ay anak ka ng tipaklong.... Dad!!! Nakakagulat ka naman oh!!! School project?? Hehehe
Ganitong oras?!!!
Ahhh.... ehhh.... iiii.... hehehe
Dear, alam ko nalulungkot ka ngayon dahil sa ikinikilos ng anak natin.... sorry dear!!! -Dad
Ok!!! Fine... Sorry Dad.... hindi na mauulit toh....
Ok!!! Good. Matutuwa ang Mom mo sa sinabi mo. Sige, matulog ka na at may pasok ka pa mamaya. -Dad
Ang bilis talaga magshift ng mood ni Dad parang may sapi but anyway, oks lang yun atleast hindi ako nasabunan. Makatulog na nga at panibagong bakbakan na naman mamaya.
*Sa kabilang banda*
Sino kaya yung babaeng nakasama ko kanina?? Aalis na sana ako ng may natapakan akong wallet. Binuksan ko yun upang malaman kung sino ang may-ari at may nakita akong id. Aishka Summer Saavedra, sya yung babaeng astigin kanina.... Star Academy uhhmm.... dun sya nag-aaral, nakakatuwa ang picture nya dahil nakaismid at tila naninindak bigla ko tuloy naalala ang ginawa nya kanina sa mga bodyguards ko na tinakasan ko kanina hahaha walang gawa sa kanya eh!!! Dalawa pa sila laban sa isa saka yung tinakot ko sya na hahalikan ko sya para hindi lang mag-ingay napansin ko na ang cute nya.... hindi ko akalain na makakatagpo ako ng isang tulad nya.... nagkaroon tuloy ako ng interest sa kanya... nang ilalagay ko na yung wallet sa bulsa ko ay may nahulog na pick ng electric guitar so, ibig sabihin tumutugtog din sya.... mukhang magkakasundo kami. Nasasabik tuloy ako muling makita sya. Hays... talaga naman kahit anong gawin kong pagtakas ay nakita pa rin ako ng mga bodyguards ko. -S.A.
Sir, kailangan nyo ng umuwi at baka may makakita pa po sa inyong press. -bodyguard 1
Sige, masakit ba yung bugbog sa inyo nung babae??
Opo Sir, may lahi po atang amazona yun eh!!! -bodyguard 2
Pasensya na... bakit nyo ba kasi ako sinundan pa dito???
Alam nyo naman po na hindi dapat kayo nagpupunta dito dahil sikat kayo. -bodyguard 2
Saka po kami ang mayayari sa manager at sa agency nyo po. -bodyguard 1
Wala na akong nagawa kundi ang umuwi na sa bahay kasama ng mga bodyguards ko at for sure na naghihintay ang aking manager.
Stefen Albert bakit ba bigla ka na lang nawawala at ano itong nalaman ko na nagpunta ka na naman sa underground band battle at nagperform?? Alam mo naman na sikat kang singer. Paano kung natunugan yun ng media?? Edi eskandalo ito. Masisira ang pangalan mo maging ang sa ate mo. -manager
Pasensya na Uncle pero alam mo naman na sa ganun ako nagsimula di ba??
Oo, alam ko pero iba na ngayon may kailangan ka ng pagkaingatan na pangalan. Okay lang sana kung ikaw lang hindi ako tututol pero alam mo naman ang hirap ng kapatid mo bago nya narating ang lime light diba?? -manager
Opo uncle.
Pasensya na pamangkin pero sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa. Wala na kayong ibang pamilya kundi ako na lang at nangako ako sa kapatid ko na inyong ina na aalagaan ko kayo. -manager
Naiintindihan ko po uncle. Pasensya na po, hindi na po ito mauulit.
Salamat. Sige na at magpahinga ka na. Bukas ay luluwas ako patungong London para bisitahin at asikasuhin ang kapatid mo dun. Wala na sanang kalokohan ok!!! -manager
Yes, uncle. Salamat po. Pahinga na po ako.
Haist!!!! Naiintindihan ko naman si Uncle kaso nakakasakal na kung hindi lang sa kapatid ko eh!!!! Yaw ko naman maging sikat sadyang passion ko lang ang music maging ang pagwawala ko sa aking electric guitar dahil dun naman ako nagsimula at nadiscover..... nang marating ko na ang kwarto ko ay ibinato ko ang bag ko sa sofa ko at humiga sa kama nang maramdaman ko ang wallet na nilagay ko sa likod ng pantalon ko ay kinuha ko yun at itinaas ko habang nakatingin dito. Gusto ko muling makita ang babaeng yun kahit isang beses pa para makapagpasalamat at maisauli ito sa kanya. Aishka Summer Saavedra
A/N: Hope you like it. God Bless.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...