Aishka Summer
At the middle of the night ay nagising ako dahil tila may mabigat na nakadagang sa tyan ko at pagmulat ko ay kamay pala ni Vorge yun. Lumagpas na sya sa unan na nakaharang sa gitna namin. Mukhang pagod na pagod sya kaya hinayaan ko na lamang iyon at tumagilid ako para makaharap sa kanya. Work of art talaga ang mukha nito oh!!! Bigla ko tuloy naalala yung narinig kong usapan ng mga empleyado ng Moonlight Company na ordinaryo lang mukha ko compare sa mukha nitong nasa harapan ko. Hmpf...nastress tuloy akong bigla tapos bigla ko rin naalala yung nangyari kanina na halos hindi ako nakakilos sa ginawa nya na hindi ko ba alam kung anong nangyari sa akin at biglang nanghina ako at hindi ko na nagawang manlaban. Hinawakan ko ang kanyang buhok. Opps...Aishka below the belt na yan. Teka eh!!! Asawa ko naman sya pero sa papel lang hindi sa puso nya. Bigla akong nalungkot. Teka bakit ako nalulungkot?? Tinanggal ko agad ang pagkakahawak ko sa buhok nya. Hindi kaya nahuhulog na ang loob ko sayo Vorge kahit madalas mo akong inaasar??hindi tama ito Aishka!!! Gising!!! Gising!!! I have to draw a line at wag kang lalagpas kundi masasaktan ka lang. Tandaan mo yung Natalie ang mahal nya. Kasunduan lamang ang kasal nyo at napilitan lang sya dahil sa Dad mo. Tama ganun nga yun kaya naman tinanggal ko ang pagkakadantay nya sa akin at tumayo ako. Pumunta ako sa balcony ng kwarto namin at inilabas ko ang musical locket ni Mom. Habang tumutugtog ito ay pinagmamasdan ko ang buwan at mga bituin sa langit.
Mom, I miss you. I hope you're here to tell me what to do. I think Im fallin.
Kinabukasan ay nagising ako sa katok ni Mana Ising dahil pinagigising daw ako ni Vorge at papasok na ito sa trabaho. Ayaw ko sanang bumaba kaso napadaan si Dad sa kwarto at for sure kokontra yun kaya naman kahit mabigat sa kalooban ko ay bumaba na lang ako. Naghihintay sa may pinto si Vorge. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
Ano na naman ito??
Ganito dapat ang ginagawa ng mag-asawa diba??
Tsss...as if.
Gusto mo bang makahalata si Dad??
Oo na sige. Ingat ka. Walang gana at tamad na tamad kong sabi sa kanya.
Salamat asawa ko.
Nagulat ako ng hinalikan nya ako sa labi. Ba naman kay aga-aga ay nakatyangsing na agad itong pervert na ito ah!!! Hep!!! Bago naman ako bumaba at humarap kay Vorge ay nakahilamos ag nakamumog ako ah!!!
Nandyan si Dad at nakatingin sa atin. Bulong nya sa akin habang nakayakap sa akin. Bye!!! Asawa ko. Love you.
I lo--ve yo---u too hehehe
I love you daw oh!!! Etsos. Nang makaalis na si Vorge ay napahawak ako sa labi ko hindi ko na nga namalayan ang paglapit ni Dad.
Hay!!! Lalo ko tuloy namiss ang Mom mo. Ganyang-ganyan kami nung nabubuhay pa sya huhuhu -Dad
May kinuha sa kanyang bulsa nyeehh panyo at ipinunas sa mata nya kunwari may luhang pinupunasan. Hayysss... ang oa lang talaga kahit kelan nitong si Dad eh!!!
Dad!!!
Natutuwa ako sa nakita ko. Ang tam-is!!! Naluluha akong makita kang may asawa na sweetie. Buti na lang nakuhanan ko yung scene kanina.
Dad!!! Akin na yang video cam na yan.
Hinabol ko si Dad kaso bigo akong mahabol sya dahil ang bilis nyang nawala. Parang bula na nawala. Hay!!! Kahit kelan talaga si Dad. Wala kaming pasok ngayon kaya naman ito bored ako dito sa bahay dahil walang magawa ng biglang tumunog ang phone ko may tumatawag sa akin pero unknown number kaya naman sinagot ko ito.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...