AISHKA SUMMER'S PoV
hayyy... inaantok pa rin ako ngayon dahil sa underground battle na pinanood ko. Ang sakit ng ulo ko, ng bumaba ako ay nakita ko si Dad na nagpeprepare ng breakfast namin at take note naka-apron pa ang father earth ko with matching toque pang suot sa ulo na animo'y chef sa Italy. Hindi ko na talaga maintindihan si Dad paweird ng paweird everyday.
Umupo ka na sweetie at magbebreakfast na tayo. -Dad
Wala ba si Mana Ising para magprepare ng breakfast natin??
Nandyan kaso gusto kong pinagsisilbihan ang aking mahal na anak. -Dad
Kagoosebumps Dad... hindi ako sanay.
Basta umupo ka na at magbreakfast na tayo, pinagtimplahan din kita ng gatas mo. -Dad
Okay!!! Thanks Dad.
Ok na sana ang momentum ng biglang narinig kong sumisinghot si Dad.
Ano pong problema??
Wala natutuwa lang ako at nagpasalamat ka sa akin.... naaapreciate mo pala mga ginagawa ko. -Dad
Hayyy.... naku Dad. Nakakawalang gana natuloy kumain.
Pasensya na, ganito lang talaga siguro pag umiedad na. Oo, nga pala pumunta ka sa tea house ng Tita Beatriz mo may ipinaset ako na blind date mo. -Dad
What!!!! Blind date!!! Dad...
Sige na pagbigyan mo na ako. Kung hindi mo nagustuhan eh!!! Edi ayos lang. Please!!!
Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon dahil sa itsura nya, nakaluhod, with matching kiskis pa ng palad at pabebe face pa na talaga naman nakakasurang tignan. Hayyyy.... okay!!! Madali lang naman gawan ng paraan yung blind date na yun... pag-ayaw ko gagawin ko ang Aishka's way bwahaha na talaga naman matuturn-off kung sinuman ang makakablind date ko. So ito na nga papasok na ako sa building ng school ng tinawag ako ng guard.
Ms. Aishka, may naghahanap po sa inyo. Kanina pa po sya nandyan.
Sino naman po manong??
Hala at may naghahanap sa akin?? Itinuro sa akin ni manong guard yung lalaking nakatalikod at nakatingin sa bulletin board. Nang tinawag ko sya ay humarap ito, matangkad sya, may hikaw sa tenga, may kulay ang buhok nito, rock star na kpop ang itsurahin... tinanggal nya ang suot na shade, wow!!! Ang cool naman nitong lalaking ito kaso hindi ko sya kilala. Ngumiti sya sa akin at lumapit.
Hi! Aishka.
Nagulat ako ng biglang niyakap nya ako kaya naman sinipa ko sya.
Aray!!!
Aba'y manyak nitong lalaking ito ah!!! Yan tuloy ang nangyari sa kanya.
Sorry!!! Ako ito yung kaninang niligtas mo.
Oh!!! Ngayon??
I just wanna say Thank you for saving me. By the way Im Stefen Albert.
Nilalahad nya ang kamay nya para ishakehands nya ako kaso hindi ko inabot. Ayaw ko nga baka mamaya ay manyakin na naman nya ako. Duh!!!
Paano mo nalaman na dito ako nag-aaral?? Stalker ka ata noh??
Aiii... hindi. Wait. May dinukot sya sa kanyang bulsa. Ito oh!!! Nahulog yung wallet mo.
Ahhh... ok!!! Yun lang pala. Kinuha ko kaagad ang wallet ko. Geh!!! Salamat. Winagayway ko pa ang kamay ko na hawak ang wallet. Bye!!!
Kaso hinabol nya pa ako, aissshhh.... naman ang kulit ng isang ito oh!!!Bakit ba??
Ahhh... pede mo ba akong itour dito sa Academy nyo.
Naku naman... mister Stefen instead na kinukulit mo ako ay pede bang mag-enroll ka na lang dito para matour ka dito saka hindi ko trabaho yun at malelate na ako sa klase kaya tsu......
Inambaan ko na sya kasi naman ang kulit...
Whoah!!! Relax... sige na!!! Alis na ako. Nice knowing you AISHKA SUMMER.... remember my name STEFEN. See you around. -Stefen
Aii, talaga naman at may pakindat-kindat pa. Habang nagsusulat ako ng lesson namin sa Trigo ay narinig kong nag-uusap ang nasa unahan kong kaklase. Hep! Hindi ako tsimosa ah!!! Sadyang malakas lang ang bulong nila eh!!!
Girl, nandito daw kanina si Stefen Albert.
Oh!!! Talaga!!! Di ba sya yung sikat na sikat na singer composer... edi ba ang gwapo at hotie yun.
Oo, girl.... sayang nga at hindi ko nakita.
Ahhh... so sikat pala yung Stefen Albert na yun kaya naman kinuha ko yung phone ko at sinearch ang pangalan nya... naks, aba'y oo nga noh!!! Hanep, laging nagtatop hit ang mga kanta nya... nasayaw din sya, naarte, nagmomodel at nagrarap edi sya na talented. May isa akong video na binuksan, na astigan ako sa pagtugtog nya electric guitar teka sya yung lalaking nag special number kahapon sa underground ang haba pa ng buhok nya at ang totoy pa hahaha... teka oo nga noh!!!! Iniscreenshot ko yung picture nya tapos inedit ko nilagyan ko ng mask. Ohhh!!! Shocks!!!! Sya nga....
Ms. Saavedra... may sinasabi ka?? -prof
Napatangin ako sa prof ko... napasigaw pala ako ng hindi namamalayan... lahat tuloy ng tao sa klase ay nakatingin sa akin...
Ahhh... ma'am medyo usod po ng unti hindi ko po makita hehehe nagsusulat po ako.
Ahhh... ganun ba ok!!!
Hayyy... buti na lang nakalusot uli. Ang galing ko talaga hahaha ok!!! Pagkatapos ng klase ay pumunta ako ng cafeteria.... may nagkukumpulan at nagkakagulo ng pumasok ako... may biglang tumawag sa akin. Si Stefen pala at patakbong lumapit ito sa akin.
Hindi ka pa umaalis??
Oo, kasi nag-inquire na ako dito. -Stefen
And so??
Gusto ko lang ipaalam sayo dahil Ill be around and madalas na kitang makikita. -Stefen
Hayyyy... ok!!! Sige na.
Pumipili na ako ng pagkain na kakainin at nakasunod pa rin sya. Wala ng nakapalibot sa kanya. Lahat naman ng nag-aaral dito ay alam ang privacy kasi nga diba sanay na rin naman silang nakakakita ng sikat dito. Umupo sya sa tapat ko at kumain din sya.
You know what!!! You're interesting woman. I wanna know you more. -Stefen
Ganun ba?? Ako ayaw kong kilalanin mo ako.
Grabe ka naman sa akin. Ang hard nun ah!!! We can be friends. -Stefen
Ayaw. I prefer to be alone kesa may asungot na nakabuntot.
Sige na please!!!! Wala din kasi akong friends. Sige ka pag ayaw mo mag-iiskandalo ako dito. -Stefen
Ayan na naman sya oh!!! Well, wala namang masama kung makikipagkaibigan sya sa akin.
Sige na nga.
Yown oh!!! So, friends. -Stefen
Oo nga.
Inabot ko ang kamay nya para makipagshakehands.
A/N: Hope you like it. Click vote. Thanks for reading. God Bless.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...