Natalie's PoV
Hindi pa rin ako tinatawagan ni Vorge until now. Damn!!! Kahit kelan ay hindi pa sa akin ito ginagawa ni Vorge. Maybe because of that witch woman.... she influenced him. Nang biglang may nagdoor bell ng room ko. Sinilip ko ito at nakita kong si Stefen. Tinawagan ko sya upang ipaalam na nandito ako para dalhan nya rin ako ng clothes dahil madudumi na lahat ng dala kong damit.
Ito na yung mga damit mo.
Thanks.
Hanggang kelan ka ba dito?? Hindi ka pa ba uuwi sa bahay??
Hindi pa.
Hanggang kelan ka ba magmumukmok??
Hanggang hindi ko naayos ang sa amin ni Vorge.
Vorge?? Vorge Sunmano??
Yes.
Hindi ko alam na naging boyfriend mo yun.
Nilihim lang namin ang relasyon for the sake of my career. Kagustuhan ko naman yun kaso ngayon pinagsisisihan ko ng malaki.
Kaso kasal na sya.
I know pero dapat ako yung nasa posisyon nung Aishka na yun. Its my fault to turn down his proposal. Argh....
Nagsalin ako ng alak sa baso at ininom ko yun kaso inagaw sa akin ni Stefen ito.
Enough!!! Ang aga-aga alak ka kaagad.
Tumawag sya sa hotel attendant para magpadala ng almusal.
I know what Im doing beside mas matanda ako sayo.
Kaya umarte ka ng ganun. Wala ka ng magagawa dahil kasal na sya even though fixed marriage lang lahat.
Wait!!! Fixed marriage?? How did you know.
Its not important but like what I said there's nothing you can do because their married.
No!!! Meron...ibig sabihin nun ay napilitan lang sya saka open na naman ang lahat sa annulment or even divorce.
Desperada ka na noona. I hope you know how to surrender when you know you're lose.
Hindi pa ako talo. Not unless maririnig ko mula sa bibig mismo ni Vorge na hindi nya na ako mahal.
Kapag ginawa mo yan...may masasaktan kang tao at mas lalo mo lang din sasaktan ang sarili mo.
Wait Stefen...are you really concern about my feelings or for someone else?? Sa tono mo kasi parang mas pabor ka pa dun sa masasaktan na iba.. sino si Aishka?? Bakit siya naman unang nakapanakit ah!!! Ako ang nauna kay Vorge. Option lang sya.
Nagulat ako ng sinampal ako ni Stefen dahil first time itong nangyari. Hindi kami close ng kapatid kong yun dahil hindi naman kami madalas magkasama. Nung bata kami sobrang close namin pero nitong lumalaki na kami ay paunti-unting lumalaki ang gap sa amin dahil mas focus ako sa ambisyon ko.
What the hell...
Sorry noona pero hindi ko na gusto yang pagiging selfish at greedy mo. Kahit kelan sarili mo lang ang iniintindi mo at wala ka ng pakiaalam kung sino ang masasaktan mo.
Bakit?? Kilala mo ba yung Aishka na yun para maging concern ka ng ganyan sa kanya huh!!!
Yes, I know her and she's a nice person.
Now I see. Do you like that girl huh!!! Don't you worry my brother once they separate masosolo mo na si Aishka.
That's the craziest thing I heard from you. You're insane. Im so disappointed noona. Hindi ko sukat akalain na ganyan ka na. Saka na kita ulit kakausapin kapag nasa ayos na ang pag-iisip mo. Tawagan mo na lang ako.
At umalis na sya. Kahit kelan maprinsipyo pa rin sya pwes hindi ako ganun kung kailangan lumaban ay lalaban talaga ako dahil ayaw ko na maranasan pa ang gaya ng dati na minsan nabullied ako kaya naman lalaban ako at si Vorge ay akin lamang. Nakareceive ako ng call ng txt message.
From: Vorge
Hi! Natalie. Lets talk. Meet me up at your favorite book cafe around 4pm.
Natuwa ako sa nabasa kong message galing sa kanya kaya naman dali-dali king inayos ang sarili ko. 30 minutes before our meet up ay dumating na ako sa book cafe. Ang saya lang balikan itong place na ito dahil maraming magagandang memories dito namin ni Vorge kaya naman habang hinihigop ko ang cafe americano kong order ay nagflashback sa akin yung una naming pagkikita ng mahal kong si Vorge. Dito ang secret place ko kapag gusto kong huminga dahil sa stress at pressure sa trabaho.
*flashback*
Nagbabasa ako ng book sa lapag habang katabi ang iniinom ang order kong frappe nang mapansin ko ang isang lalaking nasa table na nasa harap ko na nagbabasa ng libro habang may nakahead set. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na sya ng matagal. Nakakaakit kasi ang itsura nito habang sa paningin ko ay slowmo myang nililipat ang pahina ng binabasa nyang libro tapos ang ganda pa sa paningin ang pagtama ng liwanag ng araw sa kanyang mukha ay biglang bumilis ang tinok ng puso ko kaya naman napahawak ako dito. Hindi ko napansin na tila napatingin sya sa direksyon ko kaya naman dali-dali akong nagtago sa hiya na hindi ko naman nakaugalian yun dahil once na may nagustuhan ako ay gagawa at gagawa ako ng paraan para makuha ito pero iba ang isang ito. Nang binalikan ko ng tingin ang lugar nung lalaki ay nawala na ito mukhang umalis na. Ewan ko ba pero hindi ako nakatulog kaya naman bumalik ako kinabukasan para lamang makita sya at hindi naman ako nabigo pero hanggang tingin lang ako ng palihim hangang araw-araw na ako sa book cafe para lang masilayan sya. Tumatakas ako sa set o kaya naman umaalis agad pag tapos na ang shoot ko para lang makadaan sa book cafe mga ilang linggo na rin. Pagkapasok ko ay palinga-linga ako at hinahanap ko sya kaso mukhang wala kaya naman nag-oreder na lang ako ng black coffee na nakalagay sa plastic cup at pupwesto na sa spot ko sa may dulo ng bookshelf at uupo sa lapag ng laking gulat ko ng may nakaupo dun. Yung lalaking rason kung bakit napapasarap ang tambay ko dito. Nakatingala sya sa akin.
Excuse me Mister, ano...kasi dyan kasi ang pwesto ko.
Eh!!! Bakit walang expression ang mukha nya.
Wala namang nakalagay na pangalan dito. Nabili mo ba ang lugar na ito??
Huh!!!
Teka hindi ko inaasahan na sa kabila ng itsura nya ay ang sungit nito. Hindi nya ako sinagot at muli itong nagbasa kaya naman tahimik na lang ako tumabi dito at hinayaan nya lang ako hanggang na ulit kinabukasan at kinabukasan at kinabukasan. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang katabi ko sya kahit walang imikan at pakiramdam ko nagbablush ako. Palihim ko syang pinagmamasdan. Kung sana makakausap ko man lang sya. Nagulat ako ng isang beses na nagsalita ito.
Maganda palang magbasa dito sa lugar na ito.
Huh!!! Oo. (Nagblush ako)
Kita mo rin ang mga tao sa table dun.
Itinuro nya ang table kung saan sya madalas pumwesto. Damn!!! Namula buong mukha ko dun hanggang leeg. So, ibig sabihin napapansin nya ang pagtitig ko sa kanya eh!!! Palihim lang yun ah!!! Kaya naman sa hiya ay hinila ko pababa ang suot kong sumbrero. Natahimik lang ako.
Matagal na kitang napapansin dito at natutuwa akong makasama ka dito sa paboritong spot mo.
Napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin at nakangiti. Wait!!! Tama ba itong nakikita ko??nakangiti sya. Ibig sabihin ba nito ay nag-eexist ako sa kanya... matagal na... bumilis lalo ang tibok ng puso ko.
*end of flashback*
Nakatingin at nakangiti ako sa spot kung saan kami nakaupo ni Vorge nun. Nang nabalingin ang tingin ko ng tumunog ang bell na nakasabit sa pinto at nakita kong pumasok si Vorge.
![](https://img.wattpad.com/cover/13640277-288-k716623.jpg)
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...