AISHKA'S POV
Wala akong pasok ngayon at balak kong mag-amusement park para malibang pero syempre sa labas ng Academy nakakasawa na kaya dun kaya naman niyaya ko ang C5 cuties, Krystal at Azimira but sadly ayun may sarili pala silang lakad hayyysss.... pumunta silang Baguio at hindi man lang ako niyaya. Naisip kong yayain si doktor kwak kwak kaso hindi sya pwede at may duty pa sya sa hospital nila pero ang sabi nya may tinawagan sya para makasama ko as proxy nya kaya naman Go!!! Ok!!! Sige na kung sino man yun go na lang para lang may makasama dito hirap naman enjoyin ang rides ng ako lang mag-isa diba. Tinatanong ko kung babae ba o lalaki kaso ayaw nyang sabihan basta daw matutuwa ako. Hala!!! Eh isang loko di hamak tong si doktor kwak kwak. Naisip ko na ang hirap din pala ng unti lang ang kaibigan. So, ayun hinihintay ko kung sino man sya ng may tumawag sa phone ko tinatanong kung anong kulay nang suot ko. Uhhm... simple lang naman ang suotan ko ngayon maluwag na white shirt with printed rock sign at maong short na medyo tastas at sneaker. Pagkadescribe ko nun ay nakita ko na sya sa harap ko. Pigil ang tawa ko ng makita sya kasi ba naman napagkaformal nito. Nakapang-opisina pa.
Ikaw pala oppa Sungit.
Tsss.... oppa Sungit ka dyan. Hindi ko alam kung bakit ba ako napapayag dito. -Vorge
Whew, kunwari napilitan??
Hindi ko na napigilan ang tumawa ng mapansin muli ang kasuotan nya.
Bakit??anong nakakatawa??
Ano kasi... ganyan talaga suot mo??
Si Russel kasi eh!!! Pinapunta nya ako dito.
Hahaha tignan mo agaw pansin ka ng mga tao dito.
Nahiya sya pagkasabi ko nun at napansin din nya na pinagtitinginan sya ng mga tao.
Gwapo ka din kasi... alam ko na tara na sa loob may souvenir shop dun na nagtitinda ng damit.
Kaya naman bumili sya ng damit, short at tsinelas yun nga lang may tatak lahat ng pangalan ng amusement park. Infairness kahit anong isuot na damit sa kanya ay bagay haizt.... oppa ko hehehe matapos nun ay sumakay kami sa mga favorite extreme rides ko. Nagsisisigaw na ako sa kaba at takot samantalang sya ay wala man lang reaksyon at ekspresyon sa mukha. Naku, boring kasama itong isang toh!!!
Grabe ka naman. Maging dito ba naman wala ka man lang reaksyon??
Hindi naman nakakatakot para sumigaw...
Tsss... yun nga yung masaya kahit hindi ka takot try mong sumigaw kasi yun ang ginagawa ng mga normal.
Naku, ano kayang problema nun. Edi sya na ang matapang. Nang matapos kami ay niyaya ko sya sa ktv bar. Umorder sya ng soju at beer samantala ako ay kumakanta lang ng kumakanta maya-maya ay inaagaw na sa akin ni oppa yung mic at kumakanta na sya. Infairness, ang ganda ng boses nya. Mukhang brokenhearted ang isang ito dahil puro malungkot ang kantahin nito kaya naman pinapakinggan ko lang sya at uminom na lang din ako para sabayan sya dahil no choice ako kasi ang kulit-kulit nya at pinipilit ako. Nang magsawa na sya sa pagkanta ay nag-inuman na lang kami. Grabe ang bilis nyang malasing at ang ingay-ingay nya na.
Ui... ikaw hik ang cute mo pala na noh!!! -Vorge
Aray!!! Pinisil nya kasi ang magkabilang pisngi ko pero bigla syang sumeryoso.
Sige, pakasal tayo. Pakasal na tayo hahaha
Hala sya mukhang nababaliw na ang isang ito. Mahina pala ito sa ganitong inuman eh!!!
Ikaw!!! Hindi kita gusto pero pakasal na tayo.
Pagkasabi nun ay booogssshhh... knock-out ang lolo mo. Kinuha ko ang phone nya pero nakalock ito kaya naman dinial ko ang #1 nya sa emergency call nya Jagiya ang nakapangalan pero hindi ito sumasagot... nakakainis naman oh!!! Bakit ba kasi nakalock ang phone nito eh!!! Kaya naman naisipan ko na lang buhatin ito sa likod ko. Ang bigat nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/13640277-288-k716623.jpg)
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...