Stefen's PoV
After nung incident sa hotel ni noona ay napaisip ako sa sinabi nya... gusto ko si Aishka at kung sakali na bumalik si Vorge kay noona ay madali na lang maging akin si Aishka pero may pagkastupido ata ako o sadyang alam ko pa ang tama sa mali. Sa tuwing makikita kong nasasaktan at umiiyak si Aishka ay nasasaktan din ako at pag masaya naman sya ay malungkot naman ako dahil alam ko hindi ako ang dahilan ng kasiyahan nya kundi si Vorge kaya paano ko pa maagaw ang kaligayahan nyang yun kaya naman napagdesisyunan ko na lamang na makontento na lamang sa ganitong sitwasyon... ang makasama sya ay sasapat na sa akin. Hintayin na lang ang pagkakataon na magkamali yung Vorge na yun kapag nagkataon ay kukunin ko si Aishka.
Iba ata ang ngiti mo ngayon ah??
Huh??!!! talaga ba??!!! Hehehe
Okay na kayo ng asawa mo??!!!
Oo. Sa susunod ng linggo nga balak naming Ocean Park.
Eh!!! Pangbata yun ah!!!
。^‿^。alam ko pero gusto kong puntahan yun kasi hindi pa ako nakakapunta hehehe
Hahaha ibang klase ka talaga Aishka kaya naman gusto kita eh!!!
Huh??!!! Gusto mo ako??!!!
Paano kung sabihin kong oo. Gusto kita.
⊙▽⊙ huh!!!!!! Ano k--ka---si a--no...
Hinawakan ko ang kanyang ulo at itinapat ko ang mukha ko sa kanyang mukha.
ah!!! Wag mong i-misunderstood... gusto kitang kaibigan hahaha
Ahh.... hahaha assumera ko kahit kelan hahaha pasensya na.
Hindi ko pa rin nagawang ipagtapat dahil natatakot din akong marinig ang sasabihin nya at baka iwasan nya ako kapag nalaman nya pa.
Oh!!! Tapos na yung binibake mo.
Ay!!! Oo hehehe
Nang uwian na ay iniwan ako ni Aishka na tumatakbo papalapit sa kanyang asawa. May pagbabago na sa kanilang pagsasama dahil naging malambing sila ngayon sa isa't isa. Nandito na ako sa dorm habang nilalapag ko ang bag ko sa sofa at kukuha ng tubig sa ref nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko ito.
Hello.
Stefen, wala ka bang balak na dalawin ako??
Uncle. Nandito ka na sa Pilipinas.
Yup, nandito ako sa bahay natin ngayon. Bisitahin mo ako at tatlong araw lang ako dito at babalik na kami ng kapatid mo sa London.
Speaking of her... kumusta na sya??
Ewan ko... hindi ko matansya ang kinikilos nya ngayon. Wala syang kibo at nag-aaya ng bumalik agad sa London. Kapag naman may sinasabi akong project ay oo lang sya ng oo sa lahat.
Ganun po ba.
Magkapatid ba talaga kayo at bakit wala kayong pakialam sa isa't isa ah!!!
Sinubukan naman namin mapalapit at magcatch up kaso mukhang malayo na talaga po Uncle ang gap namin hehehe
Okay!!! Sige hindi na kita pipilitin pero dalawin mo ako bago ako bumalik ng London ha!!!
Opo Uncle.
Kinabukasan habang nagbabatik ng itlog para sa gagawing cake sa klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/13640277-288-k716623.jpg)
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...