Aishka Summer
Sabado ng umaga ay nagising ako sa katok ni manang Ising upang ipaalam na nasa baba si Vorge. Ako naman ay wala sa sarili ko dahil ang aga pa at hindi talaga ganito ang oras ng gising ko kaya naman bumaba ako na nakapantulog. Nakaboxer short na maikli at naksando lang ako. Nag-uunat pa akong bumaba. Nakita ko si manang Ising na sumesenyas sa akin pero hindi ko maintindihan dahil hindi pa ganap ang na hising anh diwa ko. Dederetso akong kusina para uminom. Nang may nakita akong lalaki sa salas.
Uyy, ikaw pala ang bati ko. Yung lalaki ay tila nabigla ng makita ako. Nagderetso na ako ng kusina at uminom. Balak ko na sanang bumalik ng kwarto upang matulog muli.
Ganyan na ba ang isusuot mo papunta sa shoppe??
Nilingon ko yung lalaking at iniintindi ko kung ano ang ibig sabihin nya. Nilingon ko ito at tinignan ng mabuti.
Wag mong sabihing nananaginip ka ngayon.
Napasigaw ako at dali-daling tumakbo sa aking kwarto. Nagsuot ako ng robe at hinarap si oppa sungit. Nakita kong tumatawa sya habang ako naman nahihiyang umupo ng dahan-dahan sa kanyang harapan.
So I guess you are fully awake na.
Bat kasi ang aga-aga mong pumunta dito?? Anong meron??
Ngayon ang sukatan ng wedding gown mo at tux ko.
Ngayon pala yun. Ang sarap pa naman ng tulog ko tsss... ang alam ko si granny at tita ang kasama ko??
Hindi sila pede kaya nga ako na lang ang pinadala nila para sunduin ka. Inatake ng high blood si granny at si mommy naman ang magbabantay kay granny.
Ganun ba... sige hintayin mo ko magpeprepare lang ako.
Wala si Dad ngayon dahil may meeting sya kasama ng mga Deans at Professors. Nang matapos na ako ay agad na rin kami umalis at pumunta na sa shoppe. Sinukat ko na ang isusuot kong gown na pinili ni granny at mommy ni Vorge. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harapan ko hindi ako makapaniwala sa itsura ko.
Wow!!! Ako ba talaga ito??
Opo Ma'am. Ang ganda nyo po. Bagay na bagay ang wedding gown nyo.
Binuksan na ang tabing upang ipakita ang itsura ko kay oppa sungit na abala sa pagbabasa ng magazine.
Sir, tignan nyo na po ang bride. -staff
Nakatingin lang at blangko lang ang mukha nito.
Ang ganda po ng bride nyo Sir. Bagay na bagay yung gown nya diba?? -staff
Ah!!! -Vorge
Tsss.... yun lang ang sinabi. Hindi man lang sumang-ayon sa staff na maganda ako at bagay sa akin yung gown. Hindi marunong maka-appreciate ng beauty. Magbibihis na sana ako.
Wag ka munang magbihis gusto ni granny na makita tayong dalawa na suot ang pangkasal na damit natin.
Hinintay ko syang magbihis. Muntikan na ako mapanganga dahil bagay sa kanya ang suot nya para syang prinsipe hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya pero dapat kalma lang Aishka Summer. Vinideo call nya si granny para makita kami na suot ang pangkasal na damit namin.
Ang ganda nyong pareha. Bagay na bagay kayo para sa isa't isa. -granny
Halos mangiyak-ngiyak ang lola ni oppa sungit ng makita kami. Nagrequest pa ito na magpakuha kami ng picture. Naku, kating-kati na ako sa gown hindi ako sanay sa mga ganung klaseng damit kaya naman agad akong nagbihis. Nang matapos ang pasusukat ay kumain kami sa isang restaurant.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...