38

207 7 0
                                    

Vorge Chisu

Pinag-isipan ko na talaga ito ng mabuti.

Then Im happy for you.

Nandito sa opisina ko si Russel. Nasabi ko sa kanya ang desisyon ko ngayong nakabalik na si Natalie dito sa Pilipinas.

I texted her today to meet me up.

And what is her reply.

Pumayag sya.

So, paano ba yan I have to go at bibisitahin ko lang ang mom ni Krystal to check her condition. Good luck sayo bro.

Thanks.

At dumating na ang oras. Nauna sya sa meet up place namin sa paborito nyang book cafe na kung saan dun umusbong ang aming pagmamahalan.
Umupo ako sa tapat nya. Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa table. Inalis ko ito at tinawag ang waiter. Umorder ako ng carrot cake na paborito nya at cafe americano. Hinintay ko na makuha namin ang order bago ko simulan ang sasabihin ko sa kanya.

Alam mo ba namiss ko ito pero wag kang mag-alala kasi I make sure na lagi na tayo magkakasama then yung mga places na gusto natin puntahan mapupuntahan na natin.

About dun...

Yes... what about it. Are you happy??

Uhhm... I want you stop and move forward.

What do you mean by that?? And bakit ko naman gagawin yun huh!!! Vorge. Why are you doing this to me.

Umiiyak sya, hindi ko magawang tignan sya.

Im begging you. Don't do this to me. I love you. I love you so much. Vorge.

But Im married. Dapat nga magalit ka sa akin dahil nagpakasal agad ako kahit wala pa tayong closure.

Alam ko ang totoo Vorge. Fixed marriage lang kayo. No feelings attach.

kahit na... dapat hindi ako pumayag sa kasunduan na yun.

Naiintindihan ko ang lahat... wag kang mag-alala okay lang sa akin kahit maging mistress ako basta alam kong ako ang mahal mo.

Im sorry Natalie. Ayaw kong ilagay ka sa ganung sitwasyon. Kasal na kami and wala na tayong magagawa pa.

Nooo!!!!

Stop it Natalie!!!

Napataas na rin ang tono ng boses ko na kinabigla nya at kinatahimik nya ng sandali.

Don't tell me... nafall ka na sa kanya. Look me in my eyes. Mahal mo na sya??!!!

I don't know...

Really!!! Tch...

Sarcastic ang pagsasabi nya ng salitang yun. Tinitigan ko sya sa mata.

Maybe... gusto ko syang makasama, mawala lang sya at hindi makita ay hindi na ako mapakali at nag-aalala na akong parang baliw, kapag may kasama syang iba naiinis at nagagalit ako pero kapag kasama ko naman sya madalas naman kaming magtalo at mag-away.

Yumuko sya at humihikbi.

Bakit??!!! Taon ang pinagsamahan natin... yung sa inyo buwan palang. Taon tayo Vorge pero nafall ka sa kanya in short time.

Mahina nyang tanong sa akin habang patuloy pa rin sya sa pag-iyak at paghikbi. Naiinis ako sa sarili ko dahil sinaktan ko ang taong minahal ko pero kapag nagpatuloy pa ito sa huli ay sya lang lalo ang masasaktan.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon