Vorge PoVNang matapos na ang ginagawa ko sa opisina ay naisipan kong sunduin si Aishka as part ng pagiging butihing asawa nya kaso mukhang napaaga ako buti na lang at nakita ko si Dad Steve.
Oh!!! Hijo, nandito ka ba para sunduin si Aishka??naku, ang aga mo ata??may isa pa syang klase.
Ganun po ba??ayos lang naman po.
pero nasa music room sya ngayon. Kung gusto mo puntahan mo na lang muna sya dun. Hindi nga lang kita masasamahan dahil may meeting ako ngayon.Okay lang po Dad. Alam ko po kung saan yun.
Mabuti naman pala kung ganun. Paano ba yan hijo...maiwan na kita. Magkita na lang tayo sa bahay.
Sige po Dad. Salamat.
Umalis na si Dad Steve samantala ako naman ay pumunta na sa music room habang papalapit ako dun ay may narinig akong piano piece na pamilyar sa akin ang tunog tapos sinabayan pa ng magandang tinig. Ang sarap pakinggan. Nasa kabilang pinto ako ng music room ng makita ko kung sino ang lumilikha ng magandang musikang iyon. Si Aishka pala, hindi ko alam na maruning din pala syang tumugtog ng piano akala ko electric guitara lang ang alam nya at ang ganda ng boses nya. Bumagay ang pagkanta nya sa liwanag ng kwarto maging ang hangin na pumapasok sa bukas na bintana at pagsayaw ng kurtina sa ihip ng hangin. Papunta na ako sa kabilang pinyo na kung saan bukas ng makita kong may pumasok na lalaki na pumapalakpak kaya naman hindi na ako tumuloy at sa may gilid na lamang ako ng pinto. Pinakinggan ko na lamang sila.
Wow, Aish...napagkatalented mo talaga. Music inclined ka. -lalaki
Bat ganyan ang tingin mo??scary hehehe saktong napadaan lang ako dito tapos ano.... narinig ko yung pagtugtog mo. -lalaki
Ganun?? -Aishka
Oo...maniwala ka hehehe -lalaki
Sinilip ko sila ng bahagya. Nakita ko na tumugtog din ng piano yung lalaki at katabi nya ang asawa ko. Aba pakitang gilas din ang isang yun ah!!! Tapos itong si Aishka ay tila humahanga naman sa lalaking yun at kanina pa nakatitig.
Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan??nagagwapuhan ka ba sa akin hehehe... -lalaki
Hindi ah!!! Tsss.... -Aishka
Naku, may pagka pak boy din ang isang yun ah!!! At may pag ngiti at pacute pa. Ito namang si Aishka ay nagblush pa. Hayyysss....mga babae nga naman pag napakitaan ng gilas ng lalaki ay bigay na agad. Hindi naman magaling. Basic lang naman ang tinugtog ng mokong ay hanga na agad tsss...
Hahaha -lalaki
Tse.... -Aishka
Abalang abala akong pinagmamasdan yung dalawa sa loob ng music room ng laki kong gulat ng may humawak sa balikat ko at nagsalita.
Ano yang ginagawa mo Mr. Vorge Sunmano?? Hindi mo ba alam na masama yang ginagawa mo.
Nagfreeze akong bigla ng marinig yun kaya naman dahan-dahan akong humarap. Hanep bwisit... si Russel lang pala at tawang-tawa sya sa naging reaksyon ko.
Imbes kasi na nakasilip ka dyan na parang spy bakit hindi ka na lang pumasok tutal asawa mo naman si Aishka. Tara!!!
Aamba na sya papasok ng hinigit ko sya at pumasok kami sa kabilang kwarto. Buti na lang bukas.
Bakit ba?? Teka... wag mong sabihin na.....
Wala ah!!! Ano kasi...baka makaabala lang ako.
Owwsss... talaga??
Oo yun lang saka sino ba yung lalaking yun?? Wala naman sya nung kasal...saka alam ko wala namang boyfriend o nagugustuhan si Amazonang Snorlax...
Hahaha...ayun bang lalaki... si Stefen yun as I remember nakilala nya ang asawa mo sa isang underground battle of the band at iniligtas daw sya. I don't know the whole details itanong mo na lang kay Aishka basta ang alam ko din ay magkaklase sila sa culinary.
What!!! Magkaklase sila??
Yup!!! Mukhang destined sila hehehe
Kamo sinandya...
Parang hindi naman...At ito pa bro...as I observed mukhang laging nakabuntot yung Stefen kay Aishka.
Tsss...
Mukhang may nagseselos hahaha
Hindi ah!!!
Maya-maya ay narinig ko na lumabas na si Aishka kaya naman sinilip ko ang labas.
Hey!!! Aish wait for me. Sabay na tayo. -lalaki
Sabay mo mukha mo. Belat!!! -Aishka
Dali-daling naglakad si Aishka at halos tumakbo na habang nakasunod naman yung mokong.
See...tama ang obserba ko diba?? Ano ng gagawin mo??
Tsss...wala. Tara na nga sa clinic mo.
Hayyys...okay sabi mo eh!!! Kung alam ko lang na pupunta ka dito school ay hindi na ako nag-abala kanina bumisita sayo sa opisina mo.
Hindi ka naman nagtatanong eh!!!
Huhuhu bakit ka ganyan sa akin (╥_╥)
Pede ba itigil mo na yan...such a gay!!!
Kahit kelan talaga itong si Russel oh!!! Sa clinic nga na lamang ako nagpatay ng oras. Pinuntahan ko na si Aishka sa room nila ng makita kong tapos na ang kanilang klase. Nakaabang ako sa may pinto ng room nila. Lahat ng lumalabas ng room ay nakatingin sa akin especially mga babae. Nagpakita ako ng bahagya kay Aishka at itinaas ang kanang kamay ko bilang sign ng pagbati as saying HI. Napansin ko ang pagsama ng tingin nito sa mga babaeng nasa harap nya. Hindi ko alam kung bakit. Patakbong lumapit sya sa akin.
A-ano-ng g-inag-awa mo d-ito?
Putol putol nyang tanong sa akin.
Para sunduin ang asawa ko. Bakit masama ba??
Ewan ko ba pero parang ayaw nyang may makarinig na asawa ko sya at hinatak nya na ako palabas ng school.
Nang-aasar ka noh??
Huh??Hindi ah!!! Diba ang kasunduan natin ay gagawin ang best natin. So, ito ginagawa ko ang best ko na maging mabuting asawa sayo.
Hayyys...okay!!! Sige na.
Bago tayo umuwi. Daan daw muna tayo kina mommy at granny.
What!!! I mean why???
Don't worry. Gusto ka lang nila makita.
Sige pero bago yun pedeng daan muna tayo kay tita Beatriz...bibili ako ng brownies na dadalhin kina mommy at granny.
Napangiti ako sa sinabi nya. Sya nga si Aishka na caring kabaliktaran sa Amazona nyang kilos.
Okay!!! As you wish for.
Thanks.
Napatigil ako sa pag ngiti nya. Okay!!! Vorge back to your senses. Kaya naman pinagbuksan ko na sya ng pinto. Nang papunta na ako sa kabilang pinto ng car ko ay napansin ko na nakatingin sa aming dereksyon yung lalaking sinasabi ni Russel.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...