32

192 7 0
                                    

Stefen Albert

Dalawang buwan na rin ang lumipas at walang Natalie na umuwi dahil naextend ang shedule nya kasi tinambakan sya ni Uncle ng trabaho dun sa London. As I expected kaya naman hindi na ako umasa but anyways, ako naman isang buwan din naging busy kaya naman pagkatapos ng klase deretso sa rehearsal dahil sa nalalapit kong concert. Nakakalungkot lang dahil wala akong pagkakataong makasama at mayaya man lang lumabas si Aishka pero itong week na ito ay medyo hihinga muna ako sa rehearsal. Napapansin ko lately na seryosong seryoso si Aishka sa lessons namin.

Ui, mukhang seryoso ka ata dyan sa ginagawa mo ah!!! Patingin nga nyang sinusulat mo.

Mga ingredients yan sa lulutuin ko kay mommy. Sa Sunday kasi patitikimin ko sya ng mga dishes ko na natutunan ko dito.

Ahh...mukhang kinakabahan ka ata??terror ba yang mommy mong yan??

Actually medyo... picky at strikta sya sa lasa kasi expert yun.

Gusto mong magpraktis tayo ng mga lulutuin mo. Uhhm...dun sa dorm ko natin pagpraktisan.

Sigurado ka ba dyan??

Oo, I'll help you.

Thank you.

Kaya naman dun kami nagpapraktis sa dorm. May mga dish na rin kaming na-invent na masarap naman for sure hindi naman sesemplang sa mommy nya besides nakuha na rin naman namin ang timpla nung mga dishes na favorite ng mommy nya. So, today ang last day ng cooking session namin dito sa dorm. Nakita ko sya na tinitignan ang electric guitar na nakadisplay sa salas ko kaya naman nilapitan ko sya.

Oh!!! Sya si Dallas. Matagal ko na yang kasama since nagpeperform pa ako sa kalye for fun and money.

Wow, talaga??nakakatuwa naman at binigyan mo sya ng name. Pede bang mahiram??

Sure. Wait!!! Kunin ko for you. Here!!!

Thanks. I also have this and her name is Phoenix.

Pinatugtog nya ito. Ibang klase astigin kung tumugtog.

Maganda ang kondisyon ni Dallas mo ah!!! Ganda ng labas ng tunog. Well maintenance ang ginagawa mo dito.

Oo, ingat na ingat at alagang alaga ko yang si Dallas. Yan ang ginagamit ko kapag final performance ko.

Cool!!!

Gusto kong makasama kang tumugtog.

Nagkatitigan kami, pinagmamasdan ko ang maganda nyang mukha. Ang ganda na ng ambiance at mukhang magkakaroon ako ng pagkakataon kaso biglang tumunog ang phone nya.

Pasensya na Stefen sagutin ko lang sandali itong phone.

Inilapag nya si Dallas at ako naman ay ibinalik na ito sa lagayan.

Stefen. Salamat ulit sa pagpapagamit mo nitong place mo. Uuwi na ako.

Sige hatid na kita.

May sundo ako eh!!!

Sige na ihatid na kita.

Uhhm...sa parking lot ng school mo ako ihatid.

Sinamahan ko sya hanggang dun sa parking lot ng campus. May nakaparadang mamahaling sasakyan dun at may bumabang lalaki mukhang sya yung madalas na sumusundo kay Aishka. I wonder who he is. Iniisip ko either brother or cousin nya. Nang makalapit na kami ay laking gulat ko ng hinalikan nya sa labi si Aishka.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon