47

144 4 0
                                    

Geovanni's PoV

Nakita ko si Nimiko... mali si Aishka sa isang shop na malapit sa clinic na may kausap na lalaki. Nakita ko ang tagpo kung saan umiiyak ang lalaki habang hawak naman ni Aishka ang mukha nito na tila pinpahid ang mga luha ng lalaki. Tinignan ko ng mabuti ang lalaki at naalala ko ang letratong ibinigay sa akin ni Russel. Kumpara nun ay nangayayat at nangangalumata na ito. Naalala ko ang aking sarili nung namatay si Nimiko. Bumalik ako sa clinic na nag-iisip. Nang makauwi ako ay nakangiting sinalubong ako ni Aishka at Hiroshi.

Kumusta ang araw nyo??

Ayos naman. Nakita namin si Dr. Russel at may kasama sya si Mr. Vorge. Kaibigan nya na tinutulungan nyang makalanghap ng sariwang hangin dahil matagal tagal na raw kasing hindi nakakalabas sa otside world hehehe palabiro pala si Dr. Russel noh?? Hahaha        -Aishka

Ah!!! Oo, mas madami pa nga yung kalokohan nung college pa kami.

Kumakain kami ng hapunan habang pinag-uusapan ang nangyari kanina. Nagkataon lang kaya na napadaan si Russel sa clinic nun?? Nagkataon lang din kaya na nagkitakita sila nun Vorge at Aishka kanina?? Kilala ko si Russel mlakas ang kutob nya sa mga bagay na ganito pero bakit hindi nya pa ako kinokompronta kung may kutob na ito.

Daddy ang bait talaga ni tito Russel kasi binilhan nya ako ng toys.      -Hiroshi

Ganun ba hehehe nakakatuwa namang malaman yun.

Nang matapos na kaming maghapunan ay kinuwento ni Aishka ang nangyari sa kanila nung Vorge.

Ang lungkot ng istorya nya. Grabe nga ang iyak nya. Ganun na lang ang pagmamahal nya sa asawa nya kaya ganun na lamang ang paninibugho nya.        -Aishka

Matagal na bang nawawala??

Kalahating taon na.          -Aishka

Sana mahanap nya na ang nawawalang asawa nya.

Sana nga para naman bumalik na muli ang buhay nya.          -Aishka

Pinagmasdan ko ng mabuti si Aishka. Tama bang hinihiling ko na mahanap na ni Vorge ang asawa nya gayong nahanap nya na ito. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi nagsalita ng anumang ikabibigla ni Aishka. Buo na ang desisyon ko kaya paninindigan ko na yun anuman ang mangyari kaya patawarin mo ako Aishka. Ilang araw ding nanahimik si Russel kaya naman naging payapa ang lahat kaso ngayon ay tumawag sya at inimbitahan ako sa Academy na pinagtatrabuhan nya. Wala akong nagawa kundi ang puntahan sya. Malaki ang academy at masasabi kong hindi ito basta-basta. Sinalubong ako ni Russel at tinour ko sa Academy.

Pamilya ni Aishka ang nagmamay-ari ng school na ito. Nag-iisang anak lang sya. Naalala ko nung madalas syang tambay sa infirmary para takasan ang Math subject nya hahaha natakas pa yun dito at lumalabas ng school kahit mahigpit ang mga guard. Hindi ko alm kung paano nya nagagawa yun.     -Russel

Sinasadya nya bang ikwento si Aishka. Nakarating na kami sa infirmary kung saan sya nag-oopisina. Ang laki nito parang clinic ko na.

What about this Aishka thing hehehe

Pasensya na. Namiss ko lang sya pero okay!!! I go straight to the point Vann. Is Miniko is the real Miniko??      -Russel

Nabigla ako sa sinabi nya at napalunok. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging deretso nya. Alam ko na rin naman na darating ito. I know him na malakas ang pakiramdam sa mga ganitong mga bagay pero gusto kong malaman kung hanggang saan ang nalalaman nya.

Bakit mo naman natanong yan hehehe

I know na patay na ang asawa mong si Miniko. Dalawang taon na.     -Russel

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon