19

213 7 0
                                    

Vorge

As usual kumain ng marami si Amazonang Snorlax at dumeretso na kami sa kanilang mansyon dahil nakiusap ang kanyang dad na dun muna habang inaayos pa ang gamit namin sa bahay na napili naming bilhin pero nang makauwi na kami sa kanilang mansyon ay laking gulat ko sa kanilang mag-ama dahil parang ako ay nanonood ng fight scenes ng live. Ang weird ng family na ito. Oo nga naman actor si Dad kaya naman magaling din sya sa martial arts I guess. Gusto ko ng magpahinga kaya naman inistorbo ko na sila sa ginagawa nila kaya naman pinatawag nya si Manang Ising at dinala kami sa kwarto namin pagbukas namin ng pinto ay nagulat kami sa nakita. May nakasinding scented candles na nakaheart form ito at may rose petals pa na nakaform ng heart sa ibabaw ng kama. Napanganga ako sa nakita. Grabe ano bang meron sa pamilyang ito kaya naman umupo na lamang ako sa sofa at pinisil ko ang nose tip ko dahil medyo sumakit ang ulo ko.

Mana Ising can you please get off of these mess. Thank you po. Ano bang kalokohan ang iniisip ni Dad?? -Aishka

Ano kasi Hija... gusto ng Dad mo na magka-apo na agad kaya nya ginawa yan. -Manang Ising

Hayyss... si Dad kahit kelan oh!!! -Aishka

Nang makaalis na si Manang Ising ay naiwan na lang kami ni Amazonang Snorlax.

Ganun ba kayo palagi ng Dad mo??

What do you mean?? -Aishka

Yung ano...

Dinemonstrate ko ang ginawa nilang eksena kanina.

Ahh!!! Yun ba hahaha normal na sa amin yun. Black belter kasi si Dad sa karate kaya mabilis ang reflexes. Hayyss... kahit ako black belter ay hindi ko pa sya natatamaan kahit isang beses man lang... hmpf... dahil siguro maliban sa karate ay nagjujudo, kick boxing, wrestling at boxing pa sya. Ang daya. -Aishka

Naspeechless ako at napanganga sa sinabi nya kaya naman pala ganun na lamang ang pagbabanta nya sa akin nung bago ang kasal... bigla tuloy ako nakaramdam ng lamig. Mukhang natrain nya sa martial arts itong si Amazonang Snorlax kaya naman pala masakit manuntok. Alam ko na kung kanino sya nagmana.

Ei, Asawa kong pervert sungit.. dyan ka na lang sa sofa matulog ah!!!

Hindi.. dito ako sa kama.

Kaya naman tumakbo ako palapit ng kama kaso ganun din ang ginawa nya. Nagtutulakan kami dahil parehas kaming ayaw magpatalo. Umupo ako at pinaupo ko din sya para mag-usap. Magkaharap kami at parehas nakacrossed ang aming mga kamay.

Kung pahihigain mo ako sa sofang yun at makita tayo ng Dad mo at ng mga kasambahay nyo sa palagay mo anong iisipin nila??

Uhhhm.... ano....

See?? So, ganito na lang gawin natin parehas na lang tayo dito sa kama....

Napahinto ako ng bigla nyang tinakpan ang kanyang dibdib na animong may gagawin akong masama eh!!! Sya naman ang madalas may ginagawang masama sa akin buti na nga lang at humupa na ang pasa ko sa mata.

Gaya ng sabi ko sayo hindi kita tipo kaya hinding hindi kitang pagtatangkaan. Hayyss...

Humiga na ako kaso sya ay ayaw pa rin kaya naman inayos ko na lang ang higaan namin at naglagay ako ng unan sa gitna ng kama para magseparate sa amin.

Humiga ka na. Hinarangan ko na huh!!!

Okay!!! Sabi ko sayo ah!!! Pag may ginawa ka sa akin... hmpf...

Tsss... as if naman may gawa ako sayo. Tignan mo nga ito.

Itinuro ko yung black eye ko kaso tinawanan nya lang ako kaya naman tinalikuran ko na sya at natulog na kaso ng kalagitnaan ng tulog ko ay nagising ako dahil nagulat ako ng maramdaman ko na tila may humampas ng tyan ko nang minulat ko ang aking mata ay laking gulat ko na kamay pala yun ni Amazonang Snorlax na nakadantay sa akin. Dahan-dahan kong tinanggal ito pero ng matanggal ko na ito ay ibinalik nya ulit ito at pati ang kanyang paa ay nakatanday na rin sa akin. Hayysss... ano ba naman ito... napansin ko na malapit na ang mukha nito sa akin kaya naman tinitigan ko ito... para din palang anghel matulog ang isang amazona na gaya nya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa isang bati....

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon