Aishka Summer
Ang sarap ng tulog ko kaya naman bumangon ako at nag-unat ng kamay. Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman napatingin ako dun sa dereksyon ng nakatingin sa akin. Waaahhhhh!!! Oo nga pala wala ako sa kwarto ko at may kasama ako si Mr. Sungit. Napansin ko na medyo awkward sya at humigop na lang ito ng kape at nag-iba ng direksyon ng tingin samantalang ako naman ay dahan-dahang ibinababa ang kamay kong naka-unat hehehe bad trip naman. Napahawak ako sa pisngi ko dahil uminit ito.
Good morning asawa ko. Ang sarap ng tulog mo at ang lakas ng hilik mo.
A--sawa ka dyan. Hindi kaya ako nahilik.
Gusto mo ata ng ebidensya eh!!!
Inilabas nya ang phone nya at may video syang binuksan. Waahhhh!!! Ako yung nasa vid at ang sarap nga ng tulog ko... naghihihilik nga ako. Nakakahiya ka Aishka!!! Badtrip kaya naman tumalon ako sa kama at dali-daling lumapit sa kanya para kunin ang phone nya. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko pero mabilis sya at nakatakbo agad ito kaya naman hinabol ko sya. Nang malapit na ako sa kanya ay itinaas nya yung phone kaya naman tumalon talon ako para maabot ito kaso hindi ko pa rin sya nakuha. Napipikon na ako kaya naman sinipa ko sya sa ano nya bwahahaha akala nya ah!!! Wais ata ito kaya naman napahawak sya dun at nabitawan nya yung phone kaso....
Bat naka lock toh?? Anong password nito??
Aray!!! Ang junior ko!!! Paano na dadami ang lahi ko nito... madidisappoint ang Dad mo nito at hindi kita mabibinhinan..... aray!!!
Wahhh!!! Anong sinasabi mo??? Manyak!!!
Kaya naman dali-dali akong lumayo sa kanya. Grabe!!! Oppang manyak ang mokong. Hindi ko inasahan na magka-ugali sila ni Doctor kwak kwak kaya naman pala magkaibigan sila. Bigla itong tumayo at may nilagay sa table. Lumapit ako para tignan yun.
Nakasulat dyan yung gusto ko at ayaw ko pati schedule ko. Since asawa na kita dapat pagsilbihan mo ako. Isinulat ko din dyan yung mga bagay na ayaw na ayaw kong pakikialaman mo mas lalo na sa buhay ko. Sa kabilang page yung sayo naman pag natapos muna ay saka na natin sabay pirmahan. Pagbalik na lang natin dito sa Pilipinas pagkagaling Japan ko pagagawan ng isa pang copy. -Vorge
Bongga may ganito pa. Ok!!! Sabi mo eh!!!
Nang matapos na ay pinirmahan na namin. Maya-maya ay umalis na kami at lumipad ng Japan. Gift ni Tita Beatriz sa amin itong honeymoon trip namin... alam na alam talaga ni tita ang gusto ko at ito ang niregalo nya sa akin. Hindi sya sang-ayon sa kasal na nangyari pero lagi nya naman sinusuportahan ang desisyon ko dahil nung nawala si Mom ay sya na ang tumayo sa aking ina. Nang makarating kami ng Japan ay naisipan kong pumunta ng cherry blossom park. Niyaya ko si Sungit kaso umiral na naman ang pagkasungit at hindi ako pinapansin kaya naman ako na lang. Ayaw ko naman na syang pilitin dahil pilit na rin naman ang pagpapakasal nya sa akin eh!!! Kaya naman nagdala ako ng malaking bag kung saan dala ko yung sketch pad ko at mga pang guhit kong lapis maging mga pagkain dahil bawal magutom at mabilis uminit ang ulo ko hahaha.... ang ganda talaga dito mas lalo na ang pagbagsak ng mga dahon ng cherry blossom. Umupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno. Inilabas ko na ang mga gamit ko sa pagguhit at nagsimula ng gumuhit. Kung hindi nyo nalalaman ay talentado talaga itong mga kamay ko dahil kung ang pagtugtog ng mga music intruments ay kay Dad ko namana ito namang pagguhit ay kay Mom ko nakuha. Napahinto ako sa ginagawa ko ng mapansin ko ang isang pamilyang masayang nagpipicnic. Ang cute ng anak nilang babae na nakasuot pa ng kimono. Itinaas ko ng bahagya ang kamay ko katapat ng dibdib ko at gumawa ng kahon sapamamagitan ng aking mga daliri at dun ko sila kinulong na parang nasa frame sila. Naalala ko tuloy nung panahong nabubuhay pa si Mom madalas din kaming magpicnic. Magkakaroon din kaya ako ng isang masyang pamilya?? Ano kaya ang mangyayari sa amin ni Chisu?? Haysss... napabuntong hininga na lamang ako. May nalaglag na dahon sa aking pisngi, kinuha ko ito at hinipan. Kumanta na lamang ako ng when you wish upon a star na paboritong kantahin sa akin ni Mom sa tuwing pinapatulog at nalulungkot ako. Mga ilang oras din akong tumambay sa park ng maisipan kong bumalik ng hotel. Nang makabalik ako ay nakita kong nakahiga at mukhang tulog si Mr. Sungit. Inilapag ko ang gamit ko at pinuntahan sya. Pinagmasdan ko ang mukha nya grabe work of art.... ang tangos ng ilong, ang pupula ng labi at ang haba ng pilik-mata nito... hindi ko napigil ang sarili ko kaya naman ay hinawakan ko ang pilik-mata nito.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...