16

225 6 1
                                    

Aishka Summer

At dumating na ang araw ng kasal. Sa hindi ko malamang dahilan pero kinakabahan ako. Si Krystal ang brides maid ko kasi naman sya ang tinuturing kong beshie eh!!!

Hey couz... ito na yung pinapadala mo sa akin. -Krystal

Thank you. Maaasahan ka talaga.

Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa marunong magsuot at maglakad ng nakaheels. Buti na lamang at mahaba ang suot mong wedding gown. -Krystal

Hindi kasi ako komportableng magsuot ng heels kaya naman pinadala ko si Krystal ng sneakers na susuotin ko.

Congratulations noona sana maging masaya ka. -Krystal

Niyakap nya ako.

Teka dapat kasama din kami dyan ah!!! -James

Haizt.... noona wala na talaga akong pag-asa sayo nyan eh!!!! -CJ

Hahaha mga sira... sige hala na at mag group hug tayo.

Dumating ang C5 cuties. Maging si Charwaine at ang kanyang fiancé kawawang David mukhang hanggang sa mga libro na lamang ang lovelife nya. (Paki read po ang Ms. Nobody Mr. Somebody)

Buti nakapunta ka Charwaine.

Kaya nga... buti at itong si Zionne ay nagpahabol dito sa Pinas kundi hindi ako makakadalo sa special na araw mong ito. -Charwaine

Nang may biglang kumatok.

Magsisimula na po ang seremonya. Pakiiwan na lang po ang bride at magsipagbalikan na po kayo sa labas. -staff

Sa resort ng mga Gil napiling ganapin ang aming kasal. Pumasok si Dad na tila naluluha luha.

Hindi ko akalain na ang bilis ng panahon at ikakasal ka na sweetie. -Dad

Ah!!!! Hehehe.....

Ang OA talaga ni Dad. Sinamahan nya akong maglakad para ibigay kay Vorge. Nang bumulong ito sa akin sa kalagitnaan ng aming paglalakad.

Wag kang mag-alala sweetie alam na nyang Vorge na yan ang kalalagyan nya kapag sinaktan ka nya bwahaha -Dad

Thanks Dad... don't worry hinding hindi nya ako masasaktan dahil ako na mismo ang gagawa nun sa kanya hahaha

Pinakita ko sa kanya ang kamao ko na nakatikom na parang mananapok.

Very good!!! That's our sweetie... -Dad

Naghihintay na sa unahan si Vorge kasama ang kanyang best man na sina Russel at Jaldwin. Si Russel ang nagsilbing host/mc namin. Nang ibibigay na ako ni Dad kay oppa sungit ay napansin ko na matalim ang tingin ni Dad kay Vorge na mukhang natinag ang oppa hehehe si Dad talaga kahit kelan. Natapos na ang preach at kung anu-ano pang seremonya hanggang sa makarating na sa.

You are now officially husband and wife. Mr. Vorge Chisu Sunmano You May Now Kiss Your Wife Mrs. Aishka Summer Saavedra Sunmano. -Ptr.

Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ako handa sa ganito dahil first time ko ito tapos ang dami pang tao. Nagsisigawan at nangangatyaw. Hinalikan nya ako sa noo.

Sadyang mahiyain ang ating bagong kasal ah!!!! Sa lips dapat ang kiss. -Russel

Loko-loko talaga itong si Doktor kwak kwak ah!!! Dahil dun ay hinalikan nya ako sa labi parang nawala ako sa ulirat nun at ang buong katawan ko ay hindi makakilos. Namalayan ko na hinawakan ako ni Vorge sa baywang at hinalikan ulit ako. Lalong naging maingay ang mga tao sa ginawa nya at ako naman pulang-pula. Sumunod naman ay kainan at sayawan. Kami muna ang pinasayaw, hindi maipinta ang mukha ni Vorge habang nasayaw.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon