Vorge Chisu
Nauna akong nagising dahil kailangan pumasok sa company ng maaga.
Good morning hijo. -Dad Steve
Good morning Dad. Ang aga nyo pong gumising.
Oo, talaga namang maaga ako gumigising at magjojogging ako. Ang asawa mo??
Tulog pa po Dad.
Dapat sinasabayan ka nyang gumising para maasikaso ka. Pagpasensyahan mo na sya hijo.
Naiintindihan ko po Dad I know makakapag-adjust din po sya bago pa lang naman din po kaming kasal saka napagod po kasi sya kahapon kaya mahimbing po ang tulog nya.
Ganun ba. Bigla ko tuloy naalala ang Mom ni Aishka anyway, sige maiwan na muna kita hijo at magjog lang ako.
Okay po Dad.
If you need something just ask Mana Ising.
Sure Dad!!! Thanks.
Kaya naman ng aalis na ako ay ipinasuyo ko kay Mana Ising na gisingin si Aishka. Hinintay ko syang bumaba dahil nakabalik na si Dad galing sa jogging nya.
Ano na naman ito?? Padabog nyang bungad sa akin.
Ganito dapat ang ginagawa ng mag-asawa diba??
Tsss...as if.
Gusto mo bang makahalata si Dad??
Oo na sige. Ingat ka. Walang gana at pilit nyang sabi.
Salamat asawa ko.
Pagkatapos ay hinalikan ko sya sa labi at niyakap.
Nandyan si Dad at nakatingin sa atin. Bulong ko sa kanya habang nakayakap sa kanya. Bye!!! Asawa ko. Love you.
I lo--ve yo---u too hehehe
Nang makarating na ako sa opisina ay sinalubong ako ni Sec. Han.
Good morning Mr. President mukhang good mood tayo ngayon ah!!! -Sec. Han
Hindi naman hehehe
Kinuha nya ang blazer ko at isinabit ito.
By the way Mr. President nakalimutan ko ng sabihin sayo kahapon na pupunta pala ang Jung brothers at si Dr. Russel. -Sec. Han
For what reason??
Hindi po nila sinabi at nagpaappointment lang sila.
Ok!!! Thanks for the info.
Busy ako for the whole day at pagdating ng 4pm sy dumating na ang mga kaibigan ko. Napansin ko lately nagiging tambayan na nila ang opisina ko.
Anong masamang hangin at napadpad kayo dito?? Hahaha
Ganyan na pala ang magwelcome ng bisita?? Hahaha -Nate
Congrats nga pala sa baby nyo ni Zhandra.
Thanks. Hindi ka nga nakapunta sa dedication nya. -Nate
Pasensya na nataon kasing nasa London ako that day.
Ahem...at inuna ang pag-ibig hehehe -Russel
Okay lang...bawi ka na lang next time. -Nate
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...