Russel's PoV
Nang nalaman ko ang nangyari kay Aishka ay agad kong pinuntahan si Vorge. Nakita ko ang kanyang pagkabigho. Nadatnan ko sya sa bahay nila na humahagulgol sa pag-iyak dahil nalaman nya na buntis pala si Aishka halos hindi sya makatulog. At nang bisitahin ko sya sa opisina nya para syang lantang gulay. Sobrang payat nya at ang laki ng eyebags nya. Hindi sya sumusuko sa paghahanap sa nawawala nyang asawa. Si Natalie din ay nilalamon ng kanyang konsensya dahil sa nangyari. Sinisisi nya ang sarili. Ayaw syang makita o makausap man lang ni Vorge. Tumutulong din ako sa paghahanap, pinagmamaneho ko si Vorge pag may pagkakataon ako. Nagtatanong din ako sa mga kakilala kong mga doktor na maaaring naisigod sa kanilang hospital. Sana mahanap na namin si Aishka. Ngayon ay dumalo ako sa Reunion namin ng college. Madaming mga sikat na doktor na kakalase ko ang pumunta maging ang madalas kong katabi sa klase na si Geovanni Valdez.
Russel??!!! -Geovanni
Vann!!! Kumusta??
Ito may asawa't anak na. Lalaki ang panganay ko at masusundan na ng babae hehehe -Geovanni
Congrats.
Salamat. Ikaw, ano ng balita sayo?? -Geovanni
Ito gwapo pa rin hahaha wala pa akong asawa't anak. Doktor ako sa North Star Academy, nagtuturo din ako dun.
Sikat na school yun ah!!! Ang galing. -Geovanni
Naputol ang usapan namin ng magsimula na ang program hindi na kami nabigyan ng pagkakataon na magkausap muli dahil dinagsa na ako ng mga tao karamihan ay babae palibhasa'y nalaman na wala pa rin akong pamilya o girlfriend man lang. Halos ivolunteer na nila ang sarili sa akin. Nang makatakas ako sa crowd ay nakita ko si Geovanni sa lobby na nagkataon na patungo ako dun para makahinga-hinga naman ng makita ko na may lumapit na babae na buntis at batang lalaki sa kanya. Napangiti ako at naalala ang kanyang kwento sa akin.
Ang cute naman ng pamilya nila.
Napatigil ako ng makita ko ng maigi ang asawa ni Geovanni.
Teka, si Aishka yun ah!!! Maiksi na kulay mocha ang buhok at kulot. Baka nagkakamali lang ako. Siguro ay kamukha lang nya.
Maagang umuwi si Geovanni at sinundo sya ng pamilya nya. Iba talaga kapag pamilyado na. Mga ilang minuto lang ay bumalik na rin ako sa reunion. Nakipagkwentuhan ako at nakibalita sa mga nangyayari na sa buhay nila ng mapadpad kami kay Geovanni.
Nasaan na si Geovanni?? -doc1
Nakita kong umuwi na. Sinundo pa nga sya ng asawa't anak nya.
Ganun ba. Ang daya naman. -doc2
Teka, diba namatay na ang asawa nya?? -doc3
Nagtatakang tanong ng kausap ko. Napatango pa nga iba kaya naman nacurious ako at nagtanong.
Buntis nga ang asawa nya.
Baka nag-asawa ulit. -doc1
Ano bang itsura ng asawa nya??
Maputi, payat, hindi maliit at hindi rin matangkad, bilugin na singkit ang mata, may kulay na mocha ang buhok na maiksi at kulot. -doc3
Ganun na ganun ang itsura ng asawang sumundo sa kanya kanina.
Imposible dahil namatay sa aksidente ang asawa nya. Natrauma pa nga ang anak nyang lalaki dahil namatay sa harap nya ang mommy ng bata dahil kinover nya ang bata para mailigtas lang kaya naman hindi narinig pang magsalita yung bata. -doc3
![](https://img.wattpad.com/cover/13640277-288-k716623.jpg)
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...