Aishka's PoV
Gumising ako na kaharap ko dito sa higaan si Vorge. Pinisil pisil ko ang pisngi ko upang makasigurado kong hindi ito panaginip. Hinawakan ko ang mukha nya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Biglang uminit ang pisngi ko sa pagkakasabi ko nun dahil hindi lang ako makapaniwala at sanay na tawagin sya ng ganun. Pinagmamasdan ko sya nang bigla nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin. Minulat nya ang kanyang mata at tumingin sa akin.
Bakit??
Ano...naninigurado lang ako na hindi ito panaginip.
Hinalikan nya ako sa labi na talaga naman kinagulat ko. Napatakip ako sa labi ko, kasi naman hindi pa ako nagmumumog.
Oh!!! Naniniwala ka na bang hindi ka nananaginip?? Saka bakit tinatakpan mo ang labi mo??
Hindi pa kasi ako nagmumumog...nagsisipilyo.
Hahaha... ako din naman ah!!!
Hinalikan nya ulit ako sa ilong naman.
Ang sarap pala kapag katabing matulog ang mahal kong asawa. Ang himbing ng tulog ko. Hayy, Nakakatamad tuloy bumangon at pumasok ngayon sa trabaho.
Ay, oo nga may pasok ka na.
Babangon na sana ako upang makapagluto ng aalmusalin namin at papasok pa sya sa trabaho nang pinigilan nya ako.
Uhhm...ilang minuto pa please. Sige na.
Sige na nga. 30 minutes ah!!!
Okay!!!
Kaya naman wala akong nagawa, pinagmasdan ko na lamang sya habang nakapikit at natutulog. Ang saya ng nadarama ko dahil hindi ko sukat akalain na ang oppang crush ko at kinaaasaran ay ito sa wakas ay natutunan na rin akong mahalin. Hindi sana matapos ang sayang nadarama ko. Nang bumangon na ako para magluto ng almusal namin ay nagulat ako ng binack hug nya ako habang nagluluto tapos nung kumakain na kami ay nagpasubo pa ito. Feel na feel ko ng mag-asawa kami. Nang paalis na sya ay humalik ito sa akin.
Hintayin ko ang luto mo para sa lunch natin mamaya. Ipapasundo na lamang kita sa company driver.
Oo, sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.
Hindi maalis ang ngiti ko sa labi. Since wala kaming klase ngayon ay naisipan ko ng ilipat ang mga gamit ko sa kwarto namin habang nag-aayos ako ng gamit ay may nakita akong jacket sa closet ni Vorge, pambata ito at mukhang pamilyar sa akin, ng kinuha ko ito nakita ko na kaparehas iyon ng jacket ko nung bata pa ako ng minsang isinali ako ni Mom sa music workshop. Tinignan ko ang likod nito at nakita ko na may malaking musical note itong tatak. Wait!!! Don't tell me nakasama ko sya sa workshop nun?? hindi kaya sya yung kinukulit ko nun??yung batang suplado. Bigla kong naalala yung picture na nakita ko sa office ni Dad nun. Sya nga yun, kaya naman tuwang-tuwa ako sa nalaman ko. Kami nga ang itinadhana. Akalain mo nga namang natupad ng hindi ko inaakala yung sabi ko sa kanya nung bata pa kami na magiging asawa ko sya. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa jacket na hawak ko. Tamang tama dadalhin ko ito mamaya pagpunta ko sa opisina nya at ng malaman ko. Sinundo ako ng company driver at bitbit ko ang pagkain namin ni Vorge pati ang jacket. Masaya akong sinalubong ni Secretary Han. Sa opisina ni Vorge kami kumain. Inilabas ko ang nakita king jacket sa drawer nya.
Nakita ko kasi yan habang inaayos ko yung damitan natin sa drawer mo. May ganyan din kasi ako. Nung minsang nagworkshop ako.
Ahh... oo ginamit ko nga yan sa isang workshop nun. May nakilala nga akong weirdong amazonang batang babae na nanapok ng batang lalaki at sa pagkakantanda ko patay na patay nga yun sa akin.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...