Natalie Albert'S POVHi guys Im Natalie Albert an actress-model and girlfriend of Vorge Chisu Sunmano kung sino man ang aagaw sa kanya eh dadaan muna sa akin. Im a fighter at hinding hindi papadaig sa kahit sino. Ayokong may mga babaeng aaligid sa kanya I know na may hindi kaming pag-uunawaan pero maayos din yun. Madalas naman kasi kaming magtalo at magbreak pero nauuwi din naman sa balikan kaya naman pag-uwi ko ng Pilipinas I wanna win him back. Nakakapagtaka lamang ay ngayon lang nangyari na hindi nya ako sinusuyo ni kinukulit ng pagtawag kapag kasi kami nag-aaway eh!!! Sya itong habol ng habol sa akin. Hindi kaya seryoso sya sa sinabi nya sa akin nun sa phone?? No, I know him hindi nya kayang gawin yun mas lalo na sa akin. He loves me so much to do such thing like that though my doubt ako dahil sa pagturn down ko sa kanyang wedding proposal. Hindi pa kasi ako ready dahil kasagsagan ng kasikatan ko at alam ko na naiintindihan nya ako besides may malaking movie akong ginagawa at kailangan makisakay sa gusto ng mga fans para kumita ito. I know hindi nya ako matitiis mas lalo na kapag naglambing na ako. Hindi din naman madali sa akin ang pagpasok ko sa showbizness madaming hirap rin naman ang nangyari sakin bago ako marecognize as an actress some actresses says nor commented that Im just a trash na hindi ko daw kayang gawin ang mga ginagawa nila at hindi nga din kapanipaniwala ang pag-iyak ko kaya dahil doon natuto akong lumaban and prove them na mali sila kaya naman ng nagwagi ang arte ko sa International film festival lahat sila ay binawi ang mga sinabing negative sa akin. At dahil din dun ay madami ding offer sa akin abroad para magmodel at umarte. Grabe ding hardship at effort ang binuhos ko dito sa kinalalagyan ko ngayon kaya naman hindi ko ito basta-basta kayang iwanan na lang at pabayaan. Nandito ako ngayon sa isang mall sa London namimili ng ipapasalubong nang makita ko ang magandang relo. Bagay yun kay Vorge, bibilhin ko yun as my peace offering for sure matutuwa yun at kikiligin hehehe... naalala ko tuloy bigla nung bilhan ko sya ng necktie sobrang natuwa sya at ilang buwan nya din yun sinusuot dahil bagay daw kasi sa kanya at lucky charm nya kasi regalo ko daw yun sa kanya. Matagal din namin tinatago ang relasyon namin for my career sake buti na lang talaga understanding si Vorge. Wala na akong magulang kami na lang ng kapatid ko at si Uncle Jhun kapatid ni mom. Si Uncle ang tumatayong magulang namin at sya din ang manager namin ng kapatid ko. Strict at perfectionist pagdating sa schedule namin at sa pagpili din ng mga projects namin. Hindi na sya nagkaroon ng sarili nyang pamilya dahil umikot na ang mundo nya sa aming magkapatid. Si Stefen naman ay nasa music industry. Ang nakakatuwa sa kanya ay sumikat sya on his own ng hindi ginagamit ang kasikatan ko. Ayaw nya kasi yun, mapride din kasi ang isang yun. As I remember ay na feature sya sa isang internet site dahil sa galing nito sa pagtugtog ng electric guitar at pagkanta at may nag-imbita sa kanyang sumali sa isang competition sa tv na kung saan nagwagi sya as grand champion kaya naman maingay ang pangalan nya sa Pilipinas maging sa Thailand, Malaysia, Japan, Indonesia, Singapore, London at US. Nakabalik na ako sa hotle na pinagchechek-in namin ng biglang tumunog ang phone ko.
Hello, Ms. Natalie pag-uwi mo diyo sa Pilipinas pwede ka bang mapaunlakang magguesting sa show namin. Morning program yun. -Producer
Wala pong problema dun. If you want I'll give this phone to my Manager para kayo na po ang mag-usap.
Oh!!! Sure thanks. -Producer
Kaya naman kinatok ko ang kwarto ni Uncle at inabot ang phone ko sa kanya. Nang mapansin ko ang newspaper na nakapatong sa table nito. Newspaper mula sa Pilipinas kaya naman kinuha ko ito agad para mabasa at makibalita na rin sa nangyayari sa bansa. Hayysss...halos pare-parehas na lang ang balita pagdating sa politika nakakasawa na. Nang paglipat ko sa entertainment page ay laking gulat ko ng makita ko ang larawan ni Vorge at may kasama itong babae. Magkahawak kamay pa sila sa airport. Binasa ko kaagad ang balita at biglang tumulo ang mga luha ko sa nalaman ko. Ikinasal na si Vorge!!! Ilang buwan na ba ako nandito sa London??gaano na ba katagal nung nagpropose sya??matagal na ba yun??matagal na ba ako nandito sa London at ganun na lang nya ako kabilis pinalitan. Ibig bang sabihin matagal nya na akong niloloko at nang hindi ako pumayag sa kasal ay may iba na sya agad pinakasalan. I know hindi nya sa akin magagawa ito. Kahit kelan ay hindi nya magagawang pagtaksilan ako. Bigla ko tuloy naalala ang pagtawag nya sa akin minsan na lasing na lasing sya.
Hello. Natalie!!! Naririnig mo ba ako. May kasama akong babae ngayon. Ayaw mong magpakasal sa akin diba?? Itong babaeng kasama ko ngayon ito yung mapapangasawa ko. Naririnig mo ba ako.
Are you drunk Vorge?? Sabi ko naman sayo na saka na natin ito pag-usapan pagbalik ko dyan sa Pinas at kapag hindi ka na lasing. Sige na kailangan ko pang magpahinga at maaga pa ang shoot bukas.
Sa inis ko ay hinagis ko ang dyaryo na hawak ko. Damn!!! Akala ko ay hindi sya seryoso dun sa sinabi nya na tinethreaten nya lang ako. Ganun ka ba magrebelde sa akin Vorge. Wala akong gana nung araw na yun kaya naman ikinulong ko ang sarili ko sa kwarto at umiyak ng umiyak. Tinatawagan ko si Vorge kaso mukhang nagbago na ata ito ng number. Kinakatok na ako ni Uncle kaso hindi ko sya pinapansin kaya naman napilitan syang gumamit ng spare key nya. Nang maramdaman kong nakapasok na ito ay nagkunwaring tulog ako para hindi nya na ako tanungin at para hindi na rin sya mag-alala.
Sorry Natalie at itinago ko yung tungkol kay Vorge. Alam ko na nabasa mo na yung article sa newspaper. Good thing at hindi mo tinanggap ang wedding proposal nya sayo. Manloloko pala sya. Hindi rin pala sapat ang matagal na relasyon para makilala mo sya ng lubos. Tama na yang pagmumukmok mo at alam ko na may mas higit pang darating sayo. Kalimutan mo na yang Vorge na yun. Sayang lang yang mga luha mong yan.
Pagkatapos sabihin ni Uncle yun ay umalis na sya. Umupo ako, ipinatong ko ang kamay ko sa tuhod ko at isinubsob ang baba ko dun. No!!! Uncle...I want to know the real reason. Kailangan ko marinig ang paliwanag ni Vorge. Gusto ko mula sa kanynag bibig manggaling ang lahat. Hindi ako papayag na ganun na lang mawawala sa akin ang Vorge ko dahil akin lang sya at wala na akong ibang gugustuhin kundi sya lang.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...