Russel's PoV
Lalong lumakas ang kutob ko na si Aishka nga ang Nimiko na asawa ni Geovanni. According sa investigation at research ko ay tunay na namatay sa isang car accident ang tunay na Nimiko. Tunay na kamukha ni Aishka ang namayapang si Nimiko gayong mas feminine, ma cheek bone at hindi mapanga si Nimiko at mayroon itong maliit na nunal sa may ilalim ng mata sa kaliwang bahagi nito na bihira lang ang makakapuna. Yun nga lang ay bakit hindi ako nakikila ni Aishka ng makita ko sya kanina at tila ibang tao na sya the way she talk maging sa pagkilos. Magkagayon pa man ay pupuntahan ko sila lingid sa kaalaman ni Geovanni para makapag-imbestiga pa lalo. Habang nilalaro ko kanina si Hiroshi ay kinuha ko agad ang loob nito at tinanong kapalit ng ipinangako kong laruan sa kanya pero iyon ay lihim lang naming dalawa.
Si mommy mo ba ay naaksidente??
Opo, 3 days syang nagsleep. -Hiroshi
Bakit sya naaksidente??
Dahil sa pagsave sa akin tapos nung paggising nya uncle wala na syang maalala. Hindi nya kami maalala maging sya hindi nya kilala. -Hiroshi
Napaisip ako bigla. Hindi kaya nagkaamnesia sya. Ang sabi sa akin ni Vorge ay nabangga si Aishka ng sasakyan ayon sa mga nakakasaksi nung araw na yun. Gusto kong ibalita ang lahat ng ito kay Vorge kaya naman dumeretso na ako sa bahay nila. Dinatnan kong sabog ito at nakasubsob sa mesa ng living area si Vorge. Wasted ang itsura nito. Nilinis ko muna ang mga gamit na nakakalat maging ang bote ng alak at baso na gamit nito. Hindi nya na naaalagaan ang sarili nya. Hindi na gaya ng dati si Vorge, ibang tao na ito. Bumalik sya sa pagiging masungit pero mas lumalala dahil maliit na bagay lang ay kinaiinit nya na ng ulo. Si Uncle Steve ay nakikibalita din sa akin at naaawa na rin sa kalagayan ni Vorge. Hindi naman sinisisi ni Uncle si Vorge gaya ng pagsisisi ni Vorge sa kanyang sarili.
Wag kang mag-alala Vorge gagawa ako ng paraan para makita mo si Nimiko. Si Aishka baka sakaling bumalik ang kanyang alaala kapag nakita ka nya. Hindi pa ako nakakasiguro pero malakas ang kutob ko na si Nimiko ay si Aishka.Inilipat ko sa kwarto nila si Vorge. Hawak-hawak nya ang pregnancy test ng asawa. Kinuha ko ito at itinabi sa table. Tinawagan ko si Uncle Steve upang humingi ng leave at ipinaliwanag ang aking dahilan. Dito muna ako matutulog sa bahay ni Vorge dahil bukas ay sasabihin ko sa kanya ang balak ko. Kinabukasan ay maaga akao nagising at nagluto ng aalmusalin namin. Nakita ko na nagising na rin si Vorge, hawak nya ang ulo na nananakit dahil sa hangover, pagbukas nya ng ref para kumuha ng tubig ay tila nagulat sya ng makita ako kaya naman biniro ko sya. Hinawakan ko ang sandok ng dalawa kong kamay at nagwiggle na parang babaeng asawa.
Good morning dear. Breakfast is ready any minute.
Binato sa akin ng bote ng mineral water na ininom nya sa inis kaya naman sumeryoso na ako ng tipong babalik sya sa kanyang kwarto.
Vorge, maghanda at magbihis ka ngayon at may pupuntahan tayo.
Wala ako sa mood ngayon. -Vorge
May ideya na ako kung nasaan si Aishka.
Napalingon sya sa akin at lumapit.
Nasaan si Aishka?? -Vorge
Huminahon ka Vorge. Umupo ka muna at ipapaliwanag ko ang lahat habang nakain tayo ng almusal.
Para syang batang nabigyan ng candy na sumunod sa akin. Ipinaliwanag ko sa kanya ang sa akin lamang sapantaha na maaaring nangyari kay Aishka. Sinabi ko sa kanya na wag madaliin ang lahat at obserbahin muna namin ang sitwasyon. Pumunta kami sa clinic ni Geovanni at hinintay namin ang pagdating nina Aishka at Hiroshi. Balak na sanang lumabas ni Vorge pero pinigilan ko sya.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomantikPapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...