44

192 5 0
                                    

Vorge's PoV

Ito ngayon si Russel sa opisina.

Bakit ka nandito??

Grabe ka naman sa akin. Ang daya mo, tatlong araw kang nakaleave ni hindi mo man lang ako sinabihan. -Russel

Habang pinupunasan kuno ang luha nya.

Hindi mo ba alam kung gaano ako nalungkot. Sobra kitang namiss. -Russel

Lumapit sya sa akin at magbabalak na yakapin at halikan ako kaya naman hinarang ko ng paper bag na pasalubong ko sa kanya. Masaya naman nya itong kinuha na tila may mga bituin na nagsparkle sa mga mata nito.

Sige hindi na ako nagtatampo sayo. -Russel

Kung alam ko lang na yang pasalubong na yan talaga ang pinunta mo.

Hindi ah!!! Kumusta naman ang leave mo?? -Russel

Masaya.

Naku!!! Sa ngiti mong yan mukhang nakahome run ka noh?? -Russel

Namula ako sa sinabi ni Russel kahit kelan talaga ang mokong ito ay walang preno ang bibig.

Hahaha basang basa kita Vorge. Congrats!!! Graduate ka na sa pagiging virgin. -Russel

Loko ka!!! Akala mo sya.

Excuse me. Sya bago ko makalimutan ito pakibigay na lang kay Aishka. Ooppps...wag kang magselos dahil hindi yan jewelry. Collection nya yan ng pick na may signature ng paborito nyang gitarista. -Russel

Inilapag ko sa table ang regalo ni Russel.

Maalala ko, Nabalitaan mo ba yung tungkol sa stalker ni Natalie?? -Russel

Oo. Sana mahuli na yun.

Wala ka na bang balita sa kanya maliban dun?? -Russel

Wala na. Simula nung tinapos ko na ang sa amin ni Natalie ang lahat. Masaya at kontento na ako sa asawa ko.

Aba'y dapat lang. Masaya akong marinig yan. Hindi basta-basta lang si Aishka. Sineseryoso nya ang pagiging may bahay nya maging ang pag-aaral nya maipagluto ka lang. Kaya wag kang gagawa ng anumang ikakalungkot nya. Kahit kaibigan kita nakow mayayari ka sa akin. -Russel

Alam ko. Teka wag mong sabihin nagkagusto ka sa asawa ko.

Mr. Sunmano sinasabi ko naman sayo sa pinsan nya ako nagkagusto hindi sa asawa mo okay!!! -Russel

Nilinaw ko lang at baka atakihin mo ako ng patalikod hahaha

Sira ulo. Makaalis na nga. Salamat dito sa pasalubong at may imimeet pa ako. -Russel

Ang bilis ng panahon at mag-iisang taon na kaming mag-asawa ni Aishka. Wala na akong mahihiling pa dahil labis na ang kaligayan ko sa piling nya. Idinadalangin na lang namin ay mabiyayaan kami ng supling para kompleto na ang pamilya namin. Malapit na ring grumaduate si Aishka sa culinary kaya naman makakahinga na ako ng maluwag dahil kaklase nya ang naging karibal ko na si Stefen. Tumawag sa akin si Aishka at pinauuwi ako ng maaga, hindi ko alam kung bakit kaya naman ito ako ngayon at naghahanda na para umuwi nang may numero na hindi nakaregister ang tumatawag kaya naman sinagot ko ito. Si Natalie at humihingi sya ng tulong dahil hindi nya macontact ang manager nya maging ang kanyang kapatid na si Stefen kaya naman dali-dali akong nagtungo kung nasaan sya. Na isang building sya sa rooftop. Naabutan ko sya na hawak ng isang lalaki at mukhang yun ang stalker nya. Agad kong nilapitan ang lalaki at nagsuntukan kami laking gulat ko ng nagbunot sya ng patalim. Nang sasaksakin na ako ay hinanpas ng tubo ni Natalie ang lalaki at nakatulog ito. Sobrang nashock si Natalie, nabitawan nya ang hawak na tubo at napaupo dahil sa nanlalambot na mga tuhod. Nilapitan ko sya at niyakap para pakalmahin. Tinignan ko sya at kinumusta. Nabigla ako sa ginawa nya ng hinalikan nya ako. Bigla akong nagfreeze nang maramdaman ko na may kamao na tumama sa mukha. Si Stefen, nanlaki ang mata ko at tila nagising ng makita ko si Aishka na nakahawak sa kanyang bibig bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata kasabay ng mga luha nito. Dali-dali itong tumakbo.

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon