Vorge's PoV
Mabilis kumalat ang balita sa media tungkol sa pagpapakasal ko. May mga kumalat pa ngang mga pictures na magkasama kami pati yung sa eroplano kung saan nakasandal sa akin si Ms. Snorlax kung saan tulog na tulog ito. Nandito ako ngayon sa cafe kasama si Russel.
Congrats bro. Akalain mo nga naman iba din talaga magbiro ang tadhana eh!!! Minsan ko lang kayo pinakilala sa isa't isa at ito na magpapakasal na kayo hahaha -Russel
Pwede Russel kung wala kang matinong sasabihin ay wag ka na lang magsalita.
Mainit agad ang ulo?? Kaya ka nasasabihan ng masungit eh!!! Hahaha -Russel
Hayyyssshhh...
But seriously bro, sana lang sa desisyon mo nito ay walang masasaktan. Si Aishka kahit astigin at malakas ang personality nya pero inside napagkasoft nun para syang dyamante na mamahalin at babasagin kaya dapat pagkaingatan. Kapag nakilala mo sya ng maigi maiintindihan mo ang sinasabi ko. Sya yung tipong hindi pinapakita na nasasaktan sya at lagi lang nakangiti. Hindi mo sya makikitaan na pinanghihinaan. Kaibigan ko din sya kaya sana wag mo syang sasaktan. Kung napagdesisyunan mo na sya ang piliin sana hangggang huli ay panindigan mo yang desisyon mo at kung hindi man ngayon pa lang ay itigil mo na ito para maiwasan pang makasakit ka. -Russel
Napaisip ako sa sinabi ni Russel. Bihira lang magpayo yun pero kung magpapayo naman yun ay talaga namang may sense. Tinatawagan ko si Natalie pero hindi ko na sya makontak. Tatawid na ako sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang aking sasakyan nang hindi ko napansin ang paparating na sasakyan dahil malalim ang iniisip ko. Nagulat na lamang ako ng may humatak sa akin. Napayakap ang babaeng humatak sa akin. Ako naman ay nakatulala naman dahil akala ko ay katapusan ko na.
Oi, oppa sungit ayos ka lang ba huh??
Nakatingin lang ako sa kanya sa pagkabigla ko. Nang biglang binatukan nya ako.
Aray!!! Ang sakit nun ah!!! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa batok nya.
Para magising ka kasi naman hindi ka sumasagot sa akin. Bakit ka naman kasi hindi nag-iingat. -Aishka
Madami pa syang sinasabi pero sa hindi ko malaman na dahilan ay niyakap ko sya.
Salamat...
Mga ilang minuto din ang itinigal ng pagkakayakap ko sa kanya ng bigla nya akong itinulak.
Hoy!!! Manyak ka ah!!! Sige na. Basta sa susunod mag-iingat ka na. Tssss...
Kakaiba talaga itong Ms. Snorlax na ito.
Oo. Salamat. Saan ka ba pupunta?? Ihahatid na kita.
Uhhhm... nagcutting class kasi ako. Hatid mo na lang ako sa Tita Beatriz ko dun sa isa nyang branch.
Ibang klase at talagang inihatid ko sya sa tita nya knowing na nagcutting classes sya. Anyway, hayaan na bilang pasalamat sa ginawa nya kaninang pagsagip sa akin. Mukhang malabo na talaga ang sa amin ni Natalie kaya naman susundin ko na lamang ang payo ni Russel na hanggang huli na itong pipiliin kong desisyon.
Aishka Summer
Ang boring talaga ng klase kaya naman naisipan kong tumakas na muli. Umakyat ako sa mataas na pader para lang makalabas sa Academy. Bakit?? Kasi naman wala si tita Beatriz sa tea shop nya at nasa kabilang branch mahigit isang linggo na rin. Habang naglalakad ako patungo sa sakayan ay nakita ko si oppa sungit ko kaso tulala ito habang natawid at may paparating na sasakyan sobrang kinabahan ako kaya naman dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya at hinila ko sya. Napayakap ako sa kanya dahil sa takot ko.
Oi, oppa sungit ayos ka lang ba huh??
Nang tinanggal ko ang pagkakayakap ko ay nakatingin lang ito sa akin kaya naman binatukan ko sya para magising. Mukhang na shock sa nangyari.
Aray!!! Ang sakit nun ah!!! -Vorge
Mukhang napalakas ata ang pagbatok ko kasi napahawak sya sa ulo nya.
Para magising ka kasi naman hindi ka sumasagot sa akin. Bakit ka naman kasi hindi nag-iingat.
Kanina pa ako salita ng salita kaso mukhang hindi sya nakikinig. Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. Tila huminto ang mundo.... naramdaman ko ang ihip ng hangin maging ang bilis ng tibok ng puso ko.
Salamat... -Vorge
Nang narinig ko ang sabi nya ay bumalik na ako sa ulirat ko kaya naman sinuntok ko sya.
Hoy!!! Manyak ka ah!!! Sige na. Basta sa susunod mag-iingat ka na. Tssss...
Talaga naman si Aishka Summer ata ito hinding hindi dapat papadala kahit oppa sya aber.... ayaw ko ngang masaktan kaya dapat guarded ka dapat na heart ka.
Oo. Salamat. Saan ka ba pupunta?? Ihahatid na kita. -Vorge
Uhhhm... nagcutting class kasi ako. Hatid mo na lang ako sa Tita Beatriz ko dun sa isa nyang branch.
Himala ata at hindi nya ako sinungitan at pumayag pa syang ihatid ako dun gayong alam nyang nagcutting classes na naman ako hehehe pagkahatid nya sa akin dun ay agad naman din itong umalis. Nakita ko si tita Beatriz na nakasilip. Pagkapasok ko ay binatukan nya ako.
Loko kang bata ka ah!!! Talagang pati dito ay sinusundan mo ako. Nagcutting classes ka na naman noh?? Saka sino yung naghatid sayo dito?? At talagang nakahanap ka pa ng kakuntsaba ah!!! -tita Beatriz
Aray naman tita... napagkabrutal mo naman. Pag nagkabukol toh!!! Saka may bago ba dun?? Kaw lang naman ang tambayan ko eh hehehe yung naghatid... wala yun. Nagmagandang loob lang alam mo naman ang beauty ko at ang drama ko para saan pa at naging anak ng isang sikat na aktor bwahahaha
Haizt.... basta kalokohan at pangbibwisit dyan ka magaling. -tita Beatriz
Niyakap ko sya bilang paglalambing. Sa kanya ako nagmana sa kabrutalan eh!!!
Aishka Summer ano itong nabalitaan ko na ikakasal ka na daw. Totoo ba yun?? -tita Beatriz
Hindi pa po ba nasasabi sayo ni Dad??
Wala pa syang nababanggit pero totoo nga yun?? -tita Beatriz
Opo.
Seryoso ka ba dun?? At bakit agaran naman?? Bakit pumayag si kuya Steven?? -tita Beatriz
Kinuwento ko ang buong detalye sa kanya.
Hindi tama yun. Kakausapin ko si kuya. -tita Beatriz
Tita wala ka na pong magagawa kasi lahat ay nakaset na. Nakakahiya namang icancel pa eh lahat na ata ng tao ay alam na ito kaw na lang ang hindi pa. Masisira ang pangalan ng Saavedra at maging sa Sunmano.
Tinignan akong mabuti ni tita Beatriz at sinuri.
Magsabi ka nga sa akin Aishka Summer may gusto ka sa apo ng Sunmano noh?? -tita Beatriz
Anong sinasabi mo dyan tita. Wala ah!!!
Bat labas sa ilong at hindi ka makatingin sa akin ng tuwid?? -tita Beatriz
Hindi ah!!! Iniisip ko lang si Dad.
Kilala kita Aishka pag nagsisinungaling. Gusto kong makilala yang Vorge Chisu Sunmano. -tita Beatriz
Russel's PoV
Nauna sa akin umalis si Vorge. Nang lumabas ako ay nakita ko na muntikan ng mabangga ito ng sasakyan buti na lamang ay hinigit sya ng isang babae. Lalapitan ko sana sila pero ng makita kong ai Aishka ay pumunta na lamang ako ng kotse ko dun ko na lang sila pinagmasdan. Nagulat ako sa ginawa ni Vorge nung niyakap nya si Aishka bihira lang maging ganun ang isang yun mukha nadala sya kay Aishka pero natawa ako ng suntukin sya nito. Kakaibang babae talaga itong si Aishka hindi malabong magpinsan nga sila ni Krystal. Una pa lang napansin ko na tila may gusto si Aishka kay Vorge kasi nung niyakap sya nito ay parang namula ito at nanigas ng panandalian. Kahit nung magkita sila sa clinic. Masaya ako kung ang iibigin ng kaibigan kong si Vorge ang gaya ni Aishka. Sana matapos ng ayos ang sa kanila ni Natalie at tuluyan ng masarado ang kwento nila.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...