Aishka's PoV
Ilang linggo na rin ang nakalipas at nakita ko ang sweetness ng asawa kong si Vorge na hindi ko nakikita nun sa kanya. Ang dami ko pang natutuklasan sa kanya bawat araw kaya naman ang saya-saya ko. Nang biglang tumunog ang phone ko. Si Vorge.
Hello??
Hindi kita masusundo mamaya kaya naman ang company driver na lamang ang susundo sayo.
Ahh...ganun ba. Sige, naiintindihan ko. Hintayin ko na lang ang pag-uwi mo. Ipagluluto na lang kita.
Salamat.
I love you.
Bulong kong sabi pero mukhang ibinaba nya na ang phone. Hay, minsan feeling ko ako lang ang labis na nagmamahal sa kanya. No! No! No! Hindi dapat ganun ang iniisip ko ngayon dahil sabi nya na mahal nya ako kaya maniwala ako dun.
May problema ba Aishka?? -Stefen
Wala naman hehehe paano nga ulit nagawa ito.
Natutuwa ako kay Stefen dahil nananatili ko pa rin syang kaibigan. Lagi pa rin sya sa nakasuporta sa akin. Nang uwian na ay nakaabang na sa akin ang pinadalang driver ni Vorge. Tahimik lang akong nakamasid sa daan ng mapansin ko na hindi sa bahay ang dereksyon na pinatutunguhan namin.
Ahh...hindi po ito yung daan pauwi.
Alam ko po Mrs. Sunmano. Sumusunod lang po ako kay President hehehe nandito na po tayo. -driver
May inabot syang sulat. Ibinababa ako sa main branch ng moonlight hotel. May sumalubong sa akin at dinala ako sa hall ng hotel. Pagkabukas ko ng pinto ay ang dilim ng hall tanging mga scented candle lamang ang ilaw. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Vorge na tumutugtog ng piano habang nakatapat sa kanya ang spot light kaya naman nilapitan ko sya. Tinignan nya ako at nagsimula syang kumanta. Nakaramdam ako ng kilig at tila matutunaw ako sa tingin nya. Nang matapos sya ay inabot nya sa akin ang bouquet of roses. Nasa dinner table na kami with candle light.
Anong okasyon?? Bakit may ganito?? Nasurpresa ako.
Since wala tayong sinecelebrate na monthsary at anniversary dahil we both know na hindi tayo umabot sa girlfriend-boyfriend relationship kaya naman naisip ko na why not yung araw na lang nung kasal natin since dun naman nagsimula ang lahat. Happy monthsary!!! My dear Aishka Summer.
Oh! Vorge.
Sa tuwa ko ay niyakap ko sya ng mahigpit at naluha ako. Hindi ko kasi ito inaasahan sa kanya. Pinunasan nya ang luha ko at hinalikan ako. Kumain na kami ng matapos ay nanood kami ng movie na nakaprojector. Nang bumulong sya sa akin na tila kinafreeze ko.
Be ready dahil hindi kita patutulugin ngayong gabi.
Nang matapos na ang panonood namin ay nagtungo kami sa hotel room na kung saan may mga roses petal na nakakorteng puso sa kama at may mga scented candles pa. Oh! No don't tell me na ngayon na mawawala ang matagal ko ng pinag-iingatan. Napahawak ang kanang kamay ko sa dibdib ko habang dahan-dahang napaupo sa gilid ng kama. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko handa dito kung alam ko lang ay nakapagresearch man lang ako. Ang dami-daming ng tumatakbo sa isip ko. Ang dami ko na ring naiimagine. Hindi ko namalayan na tapos na palang magshower si Vorge.
Tapos na akong magshower. Ikaw naman.
Oh!!! Shookt naman ang kahotness ng asawa ko oh!!! Naka towel sya habang pinupunasan ang kanyang buhok. Lalo tuloy lumakas ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa basa nyang katawan na kinalunok ko. Mukhang pinagpapawisan ako ng malamig tila napansin yun ni Vorge kaya naman inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
May problema ba??
Huh??!! Ano...hahaha wala noh!!!
Tila napansin nya ata ang pagtingin ko sa katawan nya kanina kaya naman inasar nya ako. Kinuha nya ang dalawa kong kamay at inilagay sa dibdib nya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nanunukso ang asawa kong ito.
Ikaw lang pwedeng humawak sa katawang ito dahil sayo ang mga ito. Ako'y sayo. Tanging sayo lang.
Inilapit nya ang mukha nya sa akin. Sasabog na talaga ang dibdib ko sa nararamdaman ko at parang ang dugo ko ay pumunta sa mukha ko kaya naman agad kong inalis ang kamay ko sa dibdib nya.
Magshower na ako hehehe
Dito yung cr....
Sabi ko nga kuha lang ako ng towel.
Meron na rin dun.
Oo nga. Punta na ako. Sige.
Bilisan mo.
Para lang akong sira sa harapan nya at narinig ko ang pagtawa nya. Nakababad ako ngayon sa bath tub at hindi pa rin mawala ang kaba ko. Nang matapos ako ay nakita ko sya sa veranda naka bath robe habang nakatanaw sa kalawakan kaya naman nilapitan ko sya. Hinatak nya ako at binack hug nya ako.
Ang ganda ng mga bituin.
Tama.
Ilang minuto kami sa ganung posisyon ng iniharap nya ako sa dereksyon nya at sinimulang halikan. Sa simula ay gentle lang habang tumatagal ay nagiging intense na. Nang tinanggal nya ang labi nya sa akin ay halos habulin ko ang hinga ko. Binuhat nya ako at dahan-dahan nya ako inilagay sa kama. Muli nya akong hinalikan. Naramdaman ko na unti-unti nyang tinatanggal ang pagkakatali ng bath robe ko habang patuloy na hinahalikan ako.
Are you scared??
Hindi naman kaso kinkabahan ako.
Don't worry I'll be gentle. I love you.
Tila magic word yung mga salitang binitawan nya na talaga naman nakakatunaw sa damdamin. Ito ang gabi na hindi ko malilimutan dahil kami ay naging isa na. Ako'y sa kanya at sya ay akin lamang.
Angelsmile:
Samantala sa mansyon naman ng Sunmano ay masayang nagkekwentuhan ang lola, mom at dad ni Vorge maging ang dad ni Aishka habang nagtsatsaa.
Hindi ko alam na may romantic ang apo kong yun hehehe -donya Leticia
Ahem. Syempre naman mama kanino pa ba magmamana hohoho diba hon -Johnny
No comment. -Menerva
Tahimik na ngingiti-ngiti lamang si Steve pero bakas sa mga mata nya ang kislap.
Ito na ang pinakahihintay natin Aimira hehehe -bulong ni Steve
May sinasabi ka ba Steve anak?? -Donya Leticia
Wala naman po donya Leticia natutuwa lang ako dahil baka ang pinakahihintay natin na apo ay nalalapit na hehehe -Steve
Lahat ay sumang-ayon sa sinabi ni Steve at lahat sila ay napangiti habang humihigop ng mainit na tsaa.
![](https://img.wattpad.com/cover/13640277-288-k716623.jpg)
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomansaPapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...