Aishka Summer
Nakakapanibago ang mood swing ni Vorge kaninang umaga masaya tapos kanina ang sungit tapos ang sama ng tingin pa sa akin tapos ngayon ang tahimik naman. Napapanis na ang laway ko, ang traffic pa naman kaya naman binuksan ko ang stereo nya tapos sinabayan ang musika at umindak-indak din sabay sa beat ng tugtog. Nakita ko yung ballpen sa kotse nya at ginawa ko itong mikropono. Talagang nagwawala ako sa loob ng sasakyan pampatay bagot lang buti na nga lang tinted ang sasakyan nya at hindi kita ang tao dito sa loob. Nakita ko din na tumatawa na ito kaya naman itinutok ko sa kanya yung hawak kong ballpen kaya naman chance na ito para magvideo. Magvavlog kuno ako, infairness maganda ang boses ng lolo mo. Ginaya din namin yung step ng viral na video na dying inside to hold you tapos naghead bang din kami nang matapos ay nagtawanan kami. Grabe ang saya nun.
Hay!!! Buti naman at tumawa ka na rin.
Huh??!!
Kanina pa kasi nakabusangot yang mukha mo parang ganito oh!!!
Sadyang pinapangit at kinusot ko ng husto ang mukha ko. Natawa naman sya sa ginawa kong yun. Naks!!! Mabenta ang lola nyo hahaha
Ganyan ba talaga yung itsura ko??hahaha ang lala naman.
Oo kaya hahaha
Ikaw kasi eh!!!
Ako talaga??ano naman ang ginawa ko??
Hahaha but anyway thanks. Sobrang naaliw ako kanina sa ginawa natin.
No prob basta wag ka ng sisimangot ng ganun. Ang pangit eh!!! Hehehe
Nga pala sino kasama mo sa musical theatre kanina??
Ah!!! Si Stefen yung classmate ko sa culinary. Nanghinayang ako sa ticket nya eh!!! Wala daw syang makakasama kundi ako lang. Ako lang kasi kaibigan nya dun sa school. May pagka loner din ang isang yun eh!!!
Ahhh...ganun ba. Basta next time ipapaalam mo sa akin. Paano kung iba ang makakita sa inyo tapos pag-isipan kayo ng masama tapos hindi ko alam...paano kita maidedefend nun.
Hindi ko naisip yun. Pasensya na. Sige promise next time ipapaalam ko na talaga sayo. Biglaan din kasi.
Okay!!! Oh!!! Hindi ko namalayan na nandito na pala tayo.Sinalubong kami ng mother ni Ms. JK at sinamahan kami sa living area nina Jaldwin at JK. Ang laki ng bahay nila kasing laki ng mansyon nina Vorge. Madami ng tao ang nasa living area mga kamag-anak at mga piling-piling kaibigan ang nandun. Nakita kong nilapitan ni Nate ang mag-ina nya at kinuha nya ang kanyang anak. Lumapit silang mag-asawa sa amin.
Ito nga pala si Nathan Zhane my son and here is my beautiful and sexy wife Zhandra. -Nate
Naku, kahit kelan itong si Nate bolero. Hi!!! You must be Vorge's wife. -Zhandra
Hi!!! Aishka Summer. Thank you nga pala sa pagpunta nung kasal namin. Pasensya na kung hindi ko kayo naasikaso nun.
Oh!!! Its okay. We know naman na busying busy kayo that day and madami din kayong bisita. -Zhandra
Lumapit din sa amin sina Jaldwin at JK.
Hi!!! Aishka buti nakapunta kayo nitong si Vorge. -Jk
Ah..oo, thank you sa pag-imbita sa amin.
Kayo pa ba makakalimutan namin mas lalo na itong si Vorge naku, sya nga yung m c nung kasal namin. Tropa talaga kasi sila nyan nina Russel at Jaldwin buti na nga lang at hindi subsob sa trabaho ang isang yan. Workaholic din kasi yan parang si Jaldwin. -Jk
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...