Aishka Summer's PoV
Nandito ako ngayon sa mansyon nina Krystal para dalawin sya at magkwento. Wala sina tito Mikielle at tita Aimeerald dahil may appointment ng check-up.
Mukhang wala din ata ang ambal mong supladito??
Oo, abala na yun dahil may love life na. Maiba tayo, ikwento ma na sa akin yung nangyari sa inyo ng asawa mo at nung Stefen ba yun?? -Krystal
Ayun nga, nakaramdam lang ako ng tensyon nung araw na yun kasi naman itong si Vorge lagi nya akong tinatawag na asawa ko at hinalikan pa ako sa harap ni Stefen.
Anong naramdaman mo??
Syempre nahihiya kasi halikan ba naman ako sa harap ng tao.
Okay nagegets ko naman ang point mo dun kahit man ako mahihiya din mas lalong may ibang taong nakakakita. Anyways, ano bang gusto mong iklaro o itanong??
Ano kasi magtatlong buwan na rin kasi kaming mag-asawa ni Vorge ano...possible kayang may pagtingin na rin sya sa akin??
Hindi imposibleng mangyari yun. Ikaw ano ba napapansin mo o nararamdaman mo??sa kilos nya may nagbago ba compare nung una nyong pagkakakilala??ikaw lang kasi ang mas nakakaalam nun dahil ikaw ang kasama nya sa bahay though bukod kayo ng kwarto.
Shhh...wag kang maingay.
Wala namang tao dito.
Kahit na. Kailangan pa ring maging maingat.
Okay!!! Okay!!!
Uhhm...lately after nung incident nung kay Russel the kwak...napansin ko yung pagbabago kay Vorge. Naging caring, sya na nga nagpeprepare ng breakfast kasi hindi ako morning person. Alam mo yun tapos nagiging makulit na rin sya malayo nung una kaming magkakilala na seryoso at masungit kaso natatakot lang akong mag-invest tapos in the end wala lang pala.
Hanggang ngayon ba naman natatakot ka pa rin dahil baka matulad kay Blaine?? Its all in the past besides kasal na kayo so, wala na kayong magagawa kundi panindigan nyang pinasok nyo dahil una palang bago nyo pinagdesisyunan yan ay alam nyo ng wala ng labasan at atrasan.
Hayyss...ewan. Ayaw ko lang din kasi mapaasa.
Alam mo kesa aksayahin mo yung oras at panahon mo sa kakaisip kung may gusto na ba yang asawa mo sayo eh!!! Enjoyin mo na lang yung momentum at maging natural na ikaw ka na lang. Yung Aishka na easy go lucky na masaya at cool kasama.
Yeah!!! You're right ganun na nga iisipin ko.
At kung gusto o mahal mo na sya, wag mo ng pigilin ang sarili mo bagkus gawin mo yung best mo na nakawin yung heart ng asawa mo dun sa Natalie na yun kasi ikaw na ang may karapatan dyan kay Vorge.
Tama!!! Iba na rin ang level ng maturity mo Krystal when it comes to love matters ah!!! Idol!!! Hehehe
Naman!!! Expert na ba?? Hahaha oo, nga pala hindi mo na ba nagagamit si King Arthur??
Nasa mansyon. Hindi ko na nga pala yun nagagamit kasi hatid sundo ako ni Vorge. Bakit mo natanong??
Naalala ko lang kasi sabay tayong bumili ng big bike saka minsan joy ride tayo gamit si Lancelotte ko at King Arthur mo.
Oo ba miss ko ng gawin yun.
Naliwanagan ako sa sinabi ni Krystal. Tama sya imbes na matakot ako ay sumugal ako at enjoyin ko na lang saka dapat kong gawin ang lahat maagaw lang si Vorge sa Natalie na yun since ako naman ang asawa. Tumawag sa akin si mommy para magpaluto ng kare-kare dahil nasarapan sya sa luto ko. Sobrang kaba ako nung araw na yun dahil hindi naman ako magaling sa pagluluto dahil most of the time ay more on orders and kain sa labas ako nung nasa London pa ako at pag nandito naman sa Pilipinas ay si Mana Ising naman ang nagluluto para sa akin. Laking pasalamat ko din kay Vorge at sya ang taga tikim kung tama na ang timpla dahil allergic ako sa peanut. Napansin ko nga ang ngiti nina mommy at granny habang nagluluto ako kasama si Vorge kaya ito napapadalas ang request ni mommy ng lutong kare-kare ala Aishka. Naeenjoy ko na tuloy ang pagluluto. Nandito na ako sa bahay ngayon pinipindot ko na ang pass code ng pintuan, nagulat ako ng makita ko si Vorge.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...