Stefen Albert
Nang uwian na ay balak ko sanang yayain si Aishka na kumain muna sa isang coffee shop pero nagulat ako na bigla itong tumakbo palabas ng room. Dali-dali ko naman agad inayos ang mga gamit ko at sinundan ito pero malayo na ito. Nakita ko na may hatak-hatak syang lalaki. Nakasuot ito ng formal at mukhang nasa 26 o 27 na ito hindi nalalayo sa edad ng nakakatanda kong kapatid na si Natalie. Kaya naman pinagmasdan ko na lamang sila, nasa parking area sila at mukhang hindi naman sila magkapatid. Sa gesture ni Aishka ibang ngiti ang ibinibigay nya sa kasamang lalaki. Hindi ko sya maaninag ng ayos pero ng papasok na ito sa may driving seat ng kanyang sasakyan ay parang pamilyar ang mukha nya. Tumingin sya sa akin ng saglit kaya naman nakita ko ang kanyang mukha. Hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita pero mukhang hindi lang basta-basta ang lalaking yun. Wala na akong nagawa kundi ang dumeretso sa dorm. Nakahiga ako ngayon sa kama at iniisip kung sino kaya yung lalaking kasama kanina ni Aishka. Hayysss...tumayo ako at naisipan kong kumuha ng beer sa ref tapos nagtungo ako sa sala at kinuha ang gitara ko. Naggigitara ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Hello.
Kumusta na Stefen??
Noona!!!
Nabigla ka ata sa pagtawag ko.
Ehm...bakit??
Hanggang ngayon ba naman ganyan ka pa rin sa akin. Nabalitaan ko kay uncle na nag-aaral ka ngayon.
Oo...ano naman.
Wala naman natutuwa lang ako at nagkainteres kang mag-aral.
Tsss...
Pauwi na ako dyan sa Pilipinas. Sana maisipan mo naman akong makita sa pagbalik ko.
Oh!!!
Yun lang. Mag-iingat ka palagi. See you soon kapatid ko.
Tsss...as if may time sya. Sa tuwing magkikita naman kami nakabuntot si Uncle at puro schedule nya ang iniintindi. Wala akong balak makipagkita sa kanya dahil alam ko naman kung saan mauuwi ang lahat kaya naman nagpatuloy na lamang ako sa pagtugtog ng gitara. Kinabukasan habang papasok ng school ay nakita ko muli si Aishka na hinatid ng sasakyan ng lalaki kahapon. Hinintay ko syang makalapit sa akin at sinabayan ko syang maglakad.
Good morning!!!
Good morning!!!
Bigla kang nawala kahapon nung uwian.
Ahh...oo kasi may sumundo kasi sa akin.
Ahh...ganun ba. Si---no....
Wait lang ah!!! Sagutin ko lang itong phone.
Sige lang...go ahead.
If you want mauna ka na.
No, its okay. I'll wait you here.
Ok. Wait a sec.
Go.
Lumayo sya ng bahagya para sagutin ang kanyang phone.
Its fine kaya ko namang magcommute. Ano namang problema dun?? Important yung meeting mo kaya dederetso na lang ako dun. Wait kailan ka pa naging concern sa akin?? Don't tell me ahehehe.... tse... hindi ah!!! Oo na sige na... hintayin ko na lang yang sundo ko. Tsss...
Ibinaba nya na yung phone at lumapit na ito sa akin.
Pasensya na medyo matagal.
Okay lang. Si---no ba yung kausap mo??
Tumingin sya sa relo nya at tila hindi narinig ang tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla itong sumigaw.
Ahhh....malelate na tayo.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak nya habang nagtatakbong papasok ng building. Ang lesson namin ngayon ay proper handling ng kitchen tools. Itinuro sa amin kung paano ang tamang paghihiwa. Nakakaaliw din naman.
Ah!!!
Napatingin ako kay Aishka at nakita ko na nahiwa sya sa daliri kaya naman dali-dali ko itong kinuha. Pinisil ko muna hanggang lumabas ang dugo. Kinuha ko ang panyo ko at ipinantakip muna pansamantala sa daliri nya.
Sir, pwedeng mag-excuse lang po ng sandali??pupunta lang po kami ng clinic.
Okay!!! Pero bilisan nyo lang. -Sir
Opo Sir. Thank you.
Pumunta na kami sa clinic. Pinalitan ng band aid yung panyo.
Napagka clumsy mo talaga Aishka. -Russel
Tsss...clumsy agad??
Oh!!! Baka naman iniisip mo lang si......
Namumulang tinakpan ni Aishka ang bibig ni Dr. Russel kaya naman hindi na natapos ang sasabihin.Grabe. Hindi ako makahinga dun. -Russel
Tsss...ikaw naman kasi.
Excuse, kumusta po doc yung sugat ni Aishka??
Ahh...pasensya na. Hindi naman malalim ang sugat nya. -Russel
Wala naman ito. Malayo sa bituka hehehe
Tama. Naalala ko tuloy nung isang beses nung nasaksak sa tagiliran at nung nasugatan ka sa ulo tapos yung natamaan ka sa braso hahaha.... -Russel
Nagulat ako sa sinabi ni Dr. Russel mukhang maliit lang na bagay ang sugat nya sa daliri sa mga naranasan nyang sugat noon.
Mukhang nabigla si Stefen sa nireveal ko ah!!! Hahaha -Dr. Russel
Kasalanan mo yan kwak... ang daldal mo kasi eh!!!
Ahehehe....minor lang pala yan sa mga natamo mo nun
Nakakabigla naman kasi talaga dahil hindi mo naman aakalain sa liit at sa katawan nyang yun....
Dati kasi akong member ng gangster hehehe... yung pinsan ko kasing si Krystal eh nagkaroon ng boyfriend na leader ng gang hehehe -Aishka
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nya. Lalo tuloy lumaki ang paghanga ko sa kanya dahil hindi lang pala basta-basta ang babaeng ito. Gusto ko pa syang makilala ng lubusan.
sya!!! Tara na...ayaw kong magskip ng class baka bumagsak ako sa practice exam ko kay mommy (╥_╥) -Aishka
Pressure ka na ba kay tita hahaha naku, expert yun sa pagluluto kay strict yun sa lasa hahaha -Russel
Pwede ba kwak...wag mo ng paalala. Natatakot na nga ako eh!!! ƪ(•̃͡ε•̃͡)∫<(ToT)> -Aishka
Hahaha...aja!!!fighting!!! -Russel
Tse!!! ╭( _ )╮
Habang naglalakad kami pabalik ng room namin ay tinanong ko sya about sa mommy na pinag-uusapan nila ni Dr. Russel.
Ah!!! Aishka, akala ko patay na ang mom mo??sino yung mommy na tinutukoy mo kanina??
Oo patay na si mom, yung mommy na tinutukoy ko ay yung mommy ni Vorge.
Vorge??
Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya kasi tinawag na kami ng instructor namin. Nang uwian naman ay may sumundo sa kaniya pero hindi na yung lalaking sumundo sa kanya kahapon. Vorge...pamilyar ang kanyang pangalan, parang narinig ko na ang pangalang yun kaso hindi ko ang tanda kung saan. Anyway, kailangan makakilos na bago pa ako maunahan ng iba kay Aishka.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...