7

269 9 0
                                    

Vorge's PoV

Madalas akong tumatambay sa eskuwelahan na pinagtatrabahuan ni Russel kapag wala syang duty sa hospital. Sya lang naman ang labasan ko ng problema at hinanaing sa mundo. Si Jaldwin naman ay lagong busy sa kanyang business at mas lalo na ngayon na may asawa na sya. Lagi nya na lang ako kinekwentuhan sa buhay may asawa nya at nang-iinggit pa samantala nun ay ayaw na ayaw nyang papatali kung saan madalas nya itong takbuhan sa araw ng kasal nya mismo hahaha bilog nga naman ang mundo. Ako ito handa na naman ng magpakasal yun nga lang ang magiging bride ko naman ang hindi pa dahil mas priority nya ang lime ligjt nya as celebrity at lagi nya na lang ako sineset aside magkagayun pa man ay mahal ko pa rin sya kaso ang sakit sakit na eh!!!

Si Natalie na naman ba?? Naku, bro kung paulit-ulit na lang yan, sinasabi ko sayo hindi na healthy yan. Napag-usapan nyo na bang yang problema nyong yan?? -Russel

Natural hindi pa.... wala syang oras eh!!! Kahit ako man din pero kaya kong maglaan ng oras ko para sa kanya kaso sya wala para sa akin.

Anong balak mo?? -Russel

Hindi ko alam pero ang malinaw sa akin ay gusto ko munang makapag-isip at ipahinga muna itong puso ko. Ang sakit, sakit na kasi.

Mas mabuti pa nga ba.... ako nga rin masakit ang puso dahil busted ako sa nililigawan ko. (p′︵‵。) -Russel

Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at niyakap nya ako habang umiiyak sya. Maya-maya ay may pumasok sa clinic... masaya nyang isinisigaw ang pangalan ng mokomg na ito na nakayakap sa akin. Napatingin kami ni Russel sa pumasok.... nakita ko ang nagulat nyang reaksyon sa ginawa ni Russel kaya naman itinulak ko si Russwl sa hiya at baka ano pang isipin nya sa amin.....

Aray!!! Ang sakit nun Vorge ah!!! -Russel

Tssss. Ang sagwa kasi ng ginawa mo.... bulong ko sa kanya.

Hahaha sorry.... Aishka, tatambay ka na naman ba ngayon dito?? -Russel

Masakit kasi ang ulo ko Doc.... -Aishka

Hindi ko na pinansin ang dalawa. Nang biglang tumawag si granny. Pinapauwi nya na ako at ngayon nga daw nya sasabihin yung rason kung bakit nya pinapahanap si Steve Saavedra at ano yung pagkakautang dito. Magpapaalam na sana ako na aalis ng ipinakilala nya muna ang babaeng pumasok.

By the way this is my friend Vorge Chisu Sunmano. -Russel

Tinignan ko yung babaeng ipapakilala sa akin, she looks familiar kaso hindi ko matandaan.

And Vorge ito naman si Aishka Summer Saavedra. Father nya ang owner nitong Star Academy. -Russel

Pilit ko pa rin inaalala kung saan ko nga ba sya nakita ng makita kong siniko nya sa tyan si Russel at nasaktan ito. Natawa ako sa ginawa nya para kasing lalaking kumilos at astigin.

Aray!!! Doctor nyo ako dito at dapat hindi mo ko sinasaktan.... ambrusko mo talaga. -Russel

Hindi na natapos ni Russel ang sasabihin nya ng tinakpan na nung Aishka yung bibig nito. Biglang tumunog ang phone ko, si granny pala ang tumatawag kaya naman sinagot ko ito. Pinapauwi nya ako at may sasabihin daw syang importante kaya nagpaalam na ako sa dalawa upang puntahan si granny. Nang makauwi na ako ay nakita ko sa living area sina Mommy, Daddy at Granny.

Umupo ka na dito apo. -granny

Ano pong meron??

Anak, gusto sana namin ng lola mo na makilala mo yung mapapakasalan mo. -Daddy

Wait!!! Anong mapapakasalan?? Hindi ko po maintindihan.

Ako na Johhny, naaalala mo ba yung taong pinaahanap ko sayo??sya yung anak ng matalik kong kaibigan na namatay sa sunog dahil sa pagliligtas sa akin, bago kasi yun ay nangako kami sa isa't isa na kapag nagkaanak kami ay ipagkakasundo namin sila pero parehas lalaki ang mga anak namin kaya naman pinagkasunduan namin na sa apo na lang namin gagawin iyon. Napag-alaman namin na babae ang anak ng panganay ni Rogelio kaya naman gusto kong makilala mo ito. -granny

My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon