Chapter 3: Pain

11.2K 378 168
                                    

Kira's POV

Tahimik akong nakaupo habang nakaob-ob. It sucks! I have to spend another hour here inside the detention room. Wala akong kasama kaya kulang nalang ang mga kulisap ang maghari sa buong paligid. Napa-upo ako ng tuwid ng makita kong bumukas ang pinto.

Napalunok ako ng makitang si Nathaniel pala ito. Shit! Mukhang makakasama ko pa pala sya dito ng isang oras. Muntik ng tumalon ang puso ko ng makitang tiningnan nya muna ako bago umupo sa katabi kong upo-an. 

Letche! Ang awkward ng katahimikan!

Tahimik lang syang nakapikit. Napa-ubo ako ng mahuli nya akong nakatitig sa mukha nya kaya agad na binawi ko ang paningin at kunwari ay nagtitingin sa paligid kahit wala namang interesante sa paningin ko.

Nalanghap ko ang pabango nyang nanunuot sa ilong ko. Damn! Napapikit ako. Amoy palang talaga pang gwapo na. Napatungo ako at pinatunog ang mga buto ng kamay ko. Nao-awkward akong masyado. Bakit ba kasi sa dinami-raming upo-an dito sa detention room, dito pa talaga sa tabi ko ang napili nya.

Hindi nya ba alam na dahil sa kanya kaya ako nabigyan ng detention slip dahil tuliro ako sa kakaisip sa kanya kanina?

'Malamang hindi nya alam, Kira. Maghunos dili ka nga.' Inis na sikmat ni Amira.

'I'm trying. Just shut up.' -- Sabi ko at nagkukuyakoy.

Tahimik lang si Nathaniel at parang walang pakialam sa paligid kaya ginaya ko nalang sya hanggang sa nakatulog ako.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko kaya't marahan akong nagmulat ng mata. Nakita kong lumabas na si Nathaniel sa silid kaya't napatingin ako sa oras. Shit! Isang oras na pala akong tulog!

Agad kong hinawakan ang gilid ng labi ko baka tulo-laway akong natulog at nakakahiya naman kay Nathaniel. Nakahinga naman ako ng maayos ng maramdaman kong wala naman. Namula ang pisngi ko ng maalalang si Nathaniel pa pala ang tumapik ng mahina sa pisngi ko kaya wala sa sariling hinawakan ko iyon at napapikit.

Napailing nalang ako at tumayo. Nahihibang na talaga ako.

Paalis na sana ako sa campus ng malanghap ko ang pinakamabangong amoy. Sweet strawberry, my favorite. Sinundan ko lang ang amoy hanggang sa nakapunta ako sa cafeteria.

I scanned the vicinity. I am very much excited to finally meet my mate. I've waited 379 years for this moment. Finally, I will be claimed and be freed forever. I'm almost running out of time. The blood moon will rise this year and I have to find him before both kingdom declares war from each other just to have me. 

I have to be claimed by my mate to stop them for it will be bloody at madadamay ang lahat ng walang kamuwang-muwang at kamalay-malay. The mortal realm will suffer.

'Find Mate, Kira!' Excited na utos ni Amira. She's howling with joy.

Napukol ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa gilid ng malaking bintana. May nakaupong babae sa hita nito.

Ashley!

Bakas sa mukha nito ang malaking disappointment ng mag abot ang mga mata namin. Parang pinipiga ang puso ko sa nakita. I breathe and I hid my pained expression.

Parang biniyak ang puso ko ng makitang hinalikan niya si Ashley habang nakatingin sa akin mismo. I remained my stoic face and left the cafeteria silently.

Yeah, I get it. He doesn't like me. 

But I remained to cheer up myself.

Binilisan kong maglakad patungong parking area. Naramdaman kong may sumusunod sa akin pero hindi ko pinansin yun. Agad akong pumasok sa sasakyan at umalis.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon