Chapter 11: Existence

10.6K 388 48
                                    

Kira's POV

Ginugugol ko ang oras ko kakapanuod ng Kdrama pag andito ako sa bahay. Bakit? Eh, sa wala akong ibang magawa dito. Nakakatamad mag-aral. Ilang taon din akong buhay dito sa mundo kaya ilang dekadang taon na rin akong nag-aaral.

I even own an empire na pinahahawakan ko sa aking trusted person. Ang yaman-yaman ko na. Pu-pwede na nga akong mahiga nalang at kumain habang buhay.

Kilig na kilig akong nanunuod ng Goblin. Shit! Ang gwapo ni Gong Yoo! Kung sana totoong tao lang si Goblin tiyak na hahanapin ko sya sa Korea knowing na parehas kaming immortal at makapangyarihan. Baka nga maging bestfriend pa kami kasama si Grim Reaper! Ang cool nun diba?

Tss. Kaso they are all fictional characters. Walang katotohanan silang lahat.

Naramdaman kong nag ring ang cellphone ko. Ano na naman to, Nathaniel. Kanina nya pa ako kinukulit.

Nathaniel: Kira, I am outside your house.

Kumunot ang noo ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anong kabaliwan nanaman to? Inamoy ko ang hangin. Abnoy talaga. Paano nya nalaman saan ang bahay ko?

Why am I even excited?

"Why are you here?" Bungad ko agad sa kanya pagka bukas ko ng pinto.

"Good evening, too." Ngumiti ito showing his deep dimple and perfect set of white teeth. His blue orbs are sparkling, ang sarap titigan.

Ang gwapo-gwapo nya sa suot nya ngayon. So casual yet very appealing. Namula na naman ako.

"Like what you see?" Asar nito kaya bumawi agad ako.

"There's no good in the evening kaya wag mo akong ngiti-ngitian dyan Nathaniel. Bakit ka andito?" Pilit na taray ko.

"I came here with these." Sabay pakita ng pizza, lasagna at ice cream. Fudge! Ang sarap! I cleared my throat.

"Side line mo na palang maging delivery boy. Aanuhin ko naman yan, aber?"

"Try mong iligo lahat ito. Maganda yun!"

"Tss! Walang kwentang kausap!" I rolled my eyes.

"Akala mo naman ikaw meron." Tinaasan ko sya ng kilay. "Edi ano pa? Kakainin, Kira. Kita mong pagkain ang dala ko." Anito.

"Alam ko. Pero bakit ka nga andito, Nataniel? Sinabi ko bang bilhan mo ako nyan? Atsaka, paano mo nalamang dito ako nakatira, ha? Stalker ka noh?" Sunod-sunod kong tanong. Kita kong napangisi ito.

"Para talagang machine gun yang bunganga mo. Facade mo lang talaga yang nerdy look mo sa school, eh. Ang hinhin mong tingnan pero napaka bungangera mong kausap!" Then he smirked at me. Trying to piss me off a little bit more.

"Bwesit ka! Umalis ka na!"

I closed the door. Fudge! Bakit ba kasi ang tabil ng dila ko pagkausap ko sya. Bakit lumalabas ang totoong ako pag sya na ang nasa harap ko. Ugggh! Hindi parin ito humihinto sa pagkatok.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon