Chapter 31: Tainted

9.1K 273 9
                                    

Kira's POV

"Alam mo ba kung ano ang kaparusahan sa isang huwad na katulad mo? Kamatayan!"

"I will never allow that to happen!" Sumabat si Trevor sa sinabi ng kanyang Ama.

"Anong hindi, Trevor? Ikaw na mismong Alpha dapat alam mo yan! Wala ka talagang utak!"

"Sayo na nanggaling. Ako ang Alpha kaya bakit andito ka pa ngayon? Ipinasa mo na sa akin ang responsibilidad mo nuon pa man kaya wag kang mangialam dito." Galit na sikmat nito.

"Iyon na nga. Responsibilidad na hindi mo kayang gampanan! Tingnan mo? Namatay ang Ina at kapatid mo dahil sa maling desisyon mo. At ngayon? Ayaw mong ipapatay itong babaeng to? Baka nakakalimutan mo na naman?! Unahin mo ang kaligtasan ng mga myembro mo bago ang lahat! Ang babaeng ito ay isang ispiya! Dapat patayin!"

Sumakit ang ulo ko bigla. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa ulo ko habang nagdi-diskusyon ang mag-ama. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Napapikit ako ng mariin kasi parang umiikot na ang paningin ko.

"Wag mo akong binabastos, Dad. Alam kong-"

"Wala akong pakialam kung anuman ang nararamdaman mo. She's a threat to our pack! You have to understand that this is unacceptable!"

"Alpha Trevor, Alpha Theo hindi tayo nag tipon-tipon dito para mag-away." Ani ng Dean. Natigil ang dalawa sa pagbabangayan.

"Bueno, ipapasa namin sa council ang hatol sayo Ms. Consunji. Alam mo naman na hindi kami basta-basta nagpapapasok dito at malaking kasalanan ang ginawa mong pagpapanggap. Ikaw Alpha Gabriel? Anong masasabi mo sa isyung ito?"

"You're right, Dean. Kailangang ipaalam natin ito sa council. Sila ang dapat humatol kay Kira." Sakto namang bumukas ulit ang pinto at lumuwa ang galit na galit na isang Alpha. I smelled his scent.

He's the Alpha of the Silver Moon Pack. Ang Daddy ni Ashley. Sinugod nya ako at sinampal ng malakas. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko at mas lalong umikot ang aking paningin. Mas lalong kumirot ang sentido ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Trevor.

"Slap her one more time and I'll kill you!" Banta nito.

"Trevor!" Malakas na saway ng Daddy nito.

"So it's true! You cancelled my daughter's wedding just because of this piece of shit! I heard she committed a lie to deceive this community. She should be killed!"

"Hindi! Walang mamatay dito!" Matigas na sagot ni Trevor.

"Hindi mo ba naiintindihan?! She's a threat! A threat to this community! At ito pala ang dahilan kung bakit mo kinansela ang kasal ninyo ni Ashley." Nakangising sagot ni Daddy. "You know how my mind works, Trevor. Don't test me."

"Yes, she's my mate. Kaya wag nyo syang galawin kung hindi, magkakamatayan tayo!"

Everybody smelled the air trying to get a sniff of my scent.

"She is tainted! She was marked by another man! This is your mate?!" Natatawang pang-uuyam ng Daddy ni Ashley.

"Stupido! You're protecting this trash instead of your pack! She's pregnant with another man!" Galit na utas ng Daddy nito. Napahawak ako sa balikat ni Trevor hanggang sa nawalan na akong tuloyan ng malay.

NAGISING ako sa loob ng malamig at madilim na rehas. Napahawak ako sa ulo ko. Masakit pa rin. Inilibot ko ang paningin ko. Kahit madilim ay nakakakita parin ako dahil sa night vision naming mga lobo. Hindi ako pamilyar sa lugar na'to. Tanging bintana lang na rehas ang nakikita ko. Dyan nang-gagaling ang munting liwanag na pumapasok dito sa loob.

Napansin kong nakalagay na mga wolf's bane sa rehas. Ito ay isang uri na pangontra para humina ang isang lobo. I smirked. I am not just a normal werewolf kaya hindi uubra sakin yan.

"Stupido! You're protecting this trash instead of your pack! She's pregnant with another man!"

Natigilan ako ng maalala ko ang huling sinabi ng ama ni Trevor. Automatikong napahawak ako sa impis kong tiyan. Hindi ako makapaniwala. I have a pup growing inside my body.

'Amira, we're going to be a mom.'

'Yes, Kira. I already know that. I was only waiting for you to discover it yourself.'

Napangiti ako sa sinabi nito. Hindi ko pa man nakikita ang anak ko pero mahal na mahal ko sya. I remembered Nathaniel. Nasaan na ba sya? Hindi pa rin ito nagpaparamdam.

Umilaw bigla at bumukas ang pinto. Lumuwa dun ang dalawang pack warriors. I sniffed the air. Members of the Dark Moon Pack.

"Wag kang pumalag kung ayaw mong masaktan at mamatay yang dinadala mo." Banta ng isang medyo may edad na na lalaki. Hindi ako umimik. Wala sa plano ko ang saktan isa man sa kanila. Alam kong napag-utusan lang sila. Lumapit sila at pinusasan ako na may halong wolf's bane.

Hinila nila ako palabas at nakita kong papasok kami sa isang makipot na daan hanggang sa bumungad sakin ang pathway ng University. So andito pa pala ako sa loob ng University. 

Napansin ko ang mga studyanteng nakatingin sa akin. Namumuo na naman ang bulong-bulongan. 

May ibang studyante na binato ako ng binilog na papel. 



'Malandi! Buntis sa ibang lalaki pero si Trevor pala ang nakatakda sa kanya.'



'Nasa loob pala ang kulo.'




'Taksil Patayin na ang impostor na yan!'




'Patayin na yan!'




Iilan lang yan sa narinig ko habang pinagbabato nila ako. Kumukulo ang dugo ko kaya hindi ko napigilang gumawa ng malakas na kidlat at kulog. 

Nagsigawan ang lahat at takot na takot na pumasok kung saan pwedeng magtago.

I am now extra protective of my child now kaya kahit madaplisan lang ako ngayon, sisiguraduhin kong magbabayad sila. 

Gusto kong matawa sa kabobohan nila. Hindi ba nila napagtagpi-tagpi ang lahat na baka ako ang Prinsesa dahil nagbalatkayo ako?

Pero sabagay. Tinago ko pa pala ang totoong Aura ko kaya hindi pa sila nagdududa. Napangisi nalang ako.


***

PLEASE REEEAD. (Author's Note)

Huhuhu. I don't know kung ipagpapatuloy ko pa tung Disguised Hybrid. 🙈😂 Give me inspiration, dear readers 💕💕 kahit comments and votes lang. 

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon