Chapter 10: Later

10.3K 296 17
                                    

Kira's POV

I hissed because of pain. "Ugh! Asan ako?" Iminulat ko ang mga mata at nakita kong nasa infirmary pala ako.

"Glad to know you're awake." Napatingin ako sa may-ari ng boses. Nakaupo ito sa upuan sa left side ko.

"Y-You?"

"Yes, why? What about me?" Pa cool pang sabi nito at umupo sa bed.

"I r-remembered what y-you did. Why are you helping me?" I asked dumbfounded.

"Bakit? Masama ba?" Tiningnan nya ako ng matiim. Namula na naman ako. Gosh! I'm too old for this thing!

"You carried me all the way here. Baka may masabi na naman ang mga immature na students ng University." I rolled my eyes annoyed.

"So, you mean to say pabayaan kita kanina? You even beg na ilayo kita dun. I don't care about those students anyway." Tumaas ang kilay nito. Nakakapanibago talaga.

He's cold and distant to everybody pero bakit ganito sya kapag kasama nya ako? I don't know why and I'm not even assuming things. Is he bipolar?

"I-I uhm.. I'm sorry, Nathaniel." I bit my lips.

"Have you found your mate?" Out of nowhere na tanong nito. I stirred. Nakatingin sya ng seryoso sa akin.

I don't know pero natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatango.

"So, that explains." Seryoso nitong wika.

"Yeah, and he REALLY.LIKES.ME.A.LOT!" Binigyan ko ng diin ang mga salita ko. Well, note the sarcasm.

"Too bad for him. Sino ba sya?"

"Anong too bad? Too bad na ako ang itinadhana sa kanya? Dahil ganito ang ayos ko? Ang itsura ko?"

"Ewan ko sa iyo, Kira." Inis na naman na sabi nito.

"Kayo talagang mga lalaki ang su-superficial nyo!" Galit kong sabi at dinuro pa ito. "Porket hindi sexy o maganda, etchapwera agad! Mga letche kayo! Pagbuhol-buholin ko kayong lahat, eh."

"Tsssk, Spare me. I am not one of them."

"Wag kang masinungaling! Playing safe!"

"Pero sino nga sya?" Tanong ulit nito.

"Teka ngang lalaki ka. Kanina ka pa nagtatanong, ah. Pulis ka ba?" Bara ko dito.

"Eh, bakit? Kanina ka pa rin naman sagot ng sagot, ah?" Balik bara naman nito sa akin. I saw him smirking. Napaka alaskador talaga. Hindi talaga ako mananalo sa kanya.

"Alam mo, ikaw? Ang sarap mo talagang kausap Nathaniel." Inis kong anas. Pinitik niya ang noo ko kaya tumalim ang tingin ko dito.

"Hep! Hep! Wag mo akong tingnan ng ganyan baka masunog ako." Tawa nito. Natigilan ako dito. May alam ba sya tungkol sakin? Sumeryoso ako.

"Bakit mo nasabi yan?" Malamig kong tanong. Nakita ko ang pagbago ng expresyon sa mukha niya.

"May dapat ba akong malaman?" Ganting tanong ulit nito. Nainis na naman ako.

"Wag mo nga akong sagutin ng panibagong tanong!" Tumirik ang mata ko sa inis. Pinitik nya ulit ako sa noo.

"Pikon ka talaga Consunji. Kaya ang sarap mong asarin eh!" Ngiting aso ito habang binibinat ang pisngi ko. Binawi ko naman ang pisngi ko.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon