Chapter 41: Witch

7.6K 220 13
                                    

Kira's POV

Sa pagi-stay ko dito sa palacio ay lagi kong kasama si Leira at Mommy Zen. Noong isang araw nga ay nag shopping kami ulit at marami na naman kaming pinamiling gamit ni baby. Pati nga sa baby room ay nagtalo pa ang mag-ina kung ano ang kulay ng kwarto ni baby.

Ngunit sa huli naman ay ako ang nasunod. Kulay gray and room ni baby, combination of orange and brown. Medyo cozy and jungle style and room ni baby. Sobrang excited na talaga naming lahat dahil ang bukambibig nalang namin parati ay si baby.

Nakakatuwa lang na makita kung gaano nila ako katanggap maging ang magiging anak namin ni Nathaniel. Everything went smoothly. At ngayon naman ay kasama ko si Leira sa kusina habang si Mommy Zen naman ay kasama ni Daddy Delfin sa bayan.

"Don't worry, Sissy. Kuya will love it kahit sunog pa ang mga yan. Alam mo naman yun when it comes to you, talagang aprub na kaagad." Saad ni Leira ng makita ang mukha kong malungkot habang nakatunghay sa cookies na binake ko. I put all my effort and love in this cookie but it was all wasted.

Letche! Bakit kasi wala akong talent sa kusina. Ang tanging alam ko lang ay ang kumain ng kumain.

"You think so?" I asked skeptic at tumango naman ito.

"Hindi naman talaga ito sunog. It doesn't taste like what we expected but still it's not that bad. It just taste different." Dagdag nito.

Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi nya o malulungkot. Favorite kasi ni Nathaniel ang cookies kaya gustong-gusto kong gumawa nito. I want to please him.

"Sige na, let him be the judge after he taste this." Sulsol nito kaya't tumango nalang ako at nagdala ng sampong cookies. Binaybay ko ang pasilyo patungog library pero kumunot ang noo ko ng may maamoy akong hindi pamilyar kaya binilisan ko ang lakad.

I was about to open the door when I heard someone speak.

"So I heard you're with someone and she's pregnant?" Ani ng boses. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Parang naninita ito at nanunumbat kaya agad na pumasok ako. Bumulaga sa paningin ko ang isang matangkad na babae. Balingkinitan ang pangangatawan nito at maputi.

Alright, she's pretty, I admit.

She eyed me from head to toe. Tumabingi ang ulo nito at parang pinag-aaralan ang kabuohan ko.

"Is she the one?" Tanong nito kay Nathaniel habang ang mga mata ay nasa tiyan ko. My hands went to my stomach protectively. Tiningnan ko si Nathaniel. Galit ito.

"Hashim, I told you not to come here anymore." Puno ng kaseryosohan ang boses nito. So, this lady in front of me is Hashim. I smirked at her.

"Yes, I am with Nathaniel now. Do you have a problem, Dear?" Sarkastiko kong tugon at naglakad palapit kay Nathaniel at inilagay ang binake kong cookies sa lamesa. I heard her chuckle.

"Oh.. I do have a BIG problem with that. Do you know who am I in his life?" Tugon nya kaya ngumisi ako.

"Enough, Hashim!" Saway na sabat ni Nathaniel pero umiling lang ako dito.

"Apparently, no. Who are you in his life anyway?" Patuyang tanong ko kaya nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito. Lumapit ako kay Nathaniel at agad na umupo sa gilid ng silya nito habang ang kanang braso niya ay agad na lumingkis sa bewang ko.

"Love, don't stress yourself, okay?" Paalala ni Nathaniel kaya't tumango ako.

"I believe we haven't been properly introduced." Panimula ko. "I am Veronika Kiravenis, Nate's Constantine." Ngumisi ako ng makita ang galit sa mga mata nya.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon