Chapter 27: Badass

9.5K 288 6
                                    

Trevor's POV

Namamawis ang noo ko dahil baka mapahiya ako sa harap ng pack. Paano kung panaginip lang talaga yun lahat kagabi at gawa-gawa lang yun ng imahinasyon ko? Paano kung wala talagang magt-train sa amin ngayon? Panay ang tingin ko sa relo ko. Almost 6 am na pero wala pa ring dumarating. Kanina pa panay ang tingin ng lahat sa akin.

"Orbs, asan na?" Humihikab na tanong ni Chiko. Sinamaan ko lang sya ng tingin kaya tumayo ito ng tuwid.

"Alpha, magda-dalawang oras na tayong nakatayo dito." Bulong ni Duke pero parang wala akong narinig.

Even I myself started to doubt my  dream. Baka gawa-gawa ko lang rin yun. 

Pero hindi talaga, eh! Parang totoo talaga. I'm having an inner-battle. Kahit naman sila nung sinabi kong nagpakita ang Moon Goddess sa panaginip ko ay kulang nalang na mag lupasay sila sa tawa dahil hindi sila naniniwala.


"Magsisisi man sa huli wala nang mangyayari."


"Magsisisi man sa huli wala nang mangyayari."


Palaisipan pa rin sa akin ang huling salitang binitawan ni Moon Goddess sa panaginip ko. Hindi ako makatulog ng mabuti dahil paulit-ulit itong bumabalik sa isipan ko. Naagaw ang atensyon ko ng may sumigaw.

"May paparating!" Sigaw ng isang patrol guard kaya pumwesto kaming lahat para salubungin ang paparating na isang sasakyan. Kumunot ang noo ko. Inamoy ko ang paparating. Napakapamilyar ng amoy na iyon.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Impossible!

Huminto ang sasakyan. Pigil hiningang hinintay ko kung sino man ang nasa loob. Baka nagkakamali lang ako. Bumukas ang pinto at umibis ang nagmamaneho. Lahat kami ay napasinghap sa nakita.

"I-Ikaw?" Narinig kong sabi ni Duke. Ngumiti ito at parang wala lang dito ang mga mukha naming hindi makapaniwala. Inilibot ko ang paningin sa pack members ko at hindi ako nagkamali. Lahat kami ay nakanganga at pawang gulat!

"Ako nga. Magandang umaga sa inyong lahat. Sorry I'm late. I overslept."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kinaroroonan niya at hinila sya papalayo sa mapanuring tingin ng pack members.

"Kira, anong ginagawa mo dito?!" I whispered yell. Dinala ko sya malayo-layo sa pack house para makapag-usap kami.

"What do you think I am doing?" Sagot naman nito at inayos ang suot nitong eyeglasses. Tiningnan ko ang suot niya. She's wearing an over-sized jogging pants, hoodie jacket and training shoes. Umiling ako. This can't be!

"Why are you here?" Tanong ko ulit.

"Trevor, I can understand perfect English and Tagalog. You don't have to ask me twice."

"I mean, explain why are you here." Sabi ko na naguguluhan parin. I heard her sighed.

"Basic, Trevor. I was told by the moon goddess to come over." Anito kaya parang nanlaki ang ulo ko sa narinig.

"I-Ikaw ang—"

Tumango ito. "Yes. I will be the one to train you all. Why else would I be here if she didn't told me herself?"

"P-Pero paa—"

She cut me again in mid sentence. "Trevor, as much as I would like to answer you but", tinuro nito ang relo. "the time is running." Pagkatapos nitong sabihin yun ay umalis na agad ito sa harapan ko. I was left dumbfounded.

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon