Chapter 19: Voice

9.7K 264 1
                                    

Kira's POV

I casted a protective spell on the entire place para hindi ma detect ng mga anghel at demonyo ang gagawin ko ngayon.



Vonteo Leora Ychemin Opedo...






Vonteo Leora Ychemin Opedo...





Vonteo Leora Ychemin Opedo...







Vonteo Leora Ychemin Opedo...







Vonteo Leora Ychemin Opedo...

Paulit-ulit kong binibigkas ang salita na yan sa bibig ko. At habang binibigkas ko yan ay alam kong nag-e-echo ang boses ko sa paligid. Idinilat ko ang aking mga mata at lumantad ang totoong kulay pula kong mata.




Trevor's POV

Kanina pa ako nakikipaglaban. Kahit anong gawin ko para makapag palit anyo ako ay hindi ko magawa. Hindi na nagre-respond sa tawag ko si Aris. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko kahit hinang-hina na ako. Ayokong maging isang failure na Alpha dahil lahat sila ay uma-asa sa akin at importante silang lahat sa akin. Ayokong maging isang disappointment sa lahat at lalong lalo na, ayokong mamatay dahil gusto ko pang humingi ng tawad kay Kira.

Bawat iyak at sigaw ng mga pack members ko ay ginagawa kong sandata upang maging malakas ako. Kahit hinang-hina na ako ay patuloy pa rin akong nakikipaglaban. Napahiyaw ako sa sakit ng maramdaman ko ang sugat na natamo sa isang lobo na pinupuntirya ang leeg ko. Humandusay ako sa sahig. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako sa kahihinatnan ng pangyayaring to. Gumalaw ang mga mata ko upang humanap ng panangga ngunit huli na ng maramdaman kong tumakbo na ito palapit sa akin kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Tanging mukha ni Kira ang huling laman ng isip ko. Rinig ko ang mga iyak at pagmamaka-awa ng iba. Gustohin ko mang lumaban pero alam kong nagiging mahina ako ngayong hindi ko na kasama si Aris.




Vonteo Leora Ychemin Opedo...





Vonteo Leora Ychemin Opedo...







Vonteo Leora Ychemin Opedo...







Vonteo Leora Ychemin Opedo...





Natigilan ako ng marinig ko ng paulit-ulit ang pamilyar na boses na yan. Dumilat ako ng hindi ko maramdaman ang pag atake ng isang rouge sa akin. Nanlaki ng makita kong nangisay ang lalaking sumugod sa akin sa lupa. Nagpalit na ito ng anyo bilang tao. Napalunok ako.

Anong nangyayari?


Vonteo Leora Ychemin Opedo...





Vonteo Leora Ychemin Opedo...







Vonteo Leora Ychemin Opedo...







Vonteo Leora Ychemin Opedo...




Ayan na naman ang paulit-ulit na nagsasalita na boses. Wala akong makitang nilalang na nagsasalita.

Puno ng katanungan ang isip ko at iginala ang aking paningin ngunit ganun pa rin ang nangyayari sa mga rouge na umaatake sa amin. Silang lahat ay sumisigaw sa sakit at humihiyaw ng tulong habang nangingisay sa lupa. Pero mas ikinagulat ko ng makitang unti-unting nasusunog ang katawan nila at unti-unting naging abo. Hindi ako naka-galaw agad. Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Ano ba ang nangyayari?

"Alpha!"

Napalingon ako ng may tumawag sa akin ngunit agad na lumiwanag sa buong paligid. Liwanag na wala kang maaaninag dahil sa sobrang silaw. Nakaka-bulag. At isang malakas na ihip ng hangin.


***

Short update 😻😍 Please comment and vote 😘😘

Disguised Hybrid (Book I: Completed) [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon